👰CHAPTER 12👰

1.5K 48 2
                                    

Nagising akong wala si Chris sa tabi ko. That scared me a lot. Nanaginip ako kagabing iniwan niya ako sa islang ito, at takot na takot ako tapos gigising akong wala siya? I don't think I can handle that.


I tried looking for a note inside our suite, but I am unable to find any. Wala man lang siyang pasabi kung saan siya nagpunta kaya nagdesisyon na akong hanapin siya sa labas.

"Hi, have you seen Chris?" tanong ko sa staff na nasa front desk.

"Uhm, hi Miss Kim. Umalis po siya kaninang madaling araw. He was with a friend."

"A friend?"

"Guy friend po. Benjo yata ang pangalan?"

Hindi ko na naintindihan ang iba niyang sinabi. That name brought a series of memories in my head, na hindi ko na kayang isipin pa. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya napahawak ako sa lamesa.

"Miss Kim, okay lang kayo?" akmang lalapit siya sa akin pagkatanong niya pero tumango ako at sumenyas na hindi niya kailangang lumapit. Lumabas ako sa hotel.

Naglakad ako sa buhangin at kahit alam kong hindi ko siya makikita duon, hinanap ko pa rin siya. I am already crying when the flashes of memories hit me. I remembered Benjo. Siya ang lalaking mahal ni Chris. 'Yung lalaking pinag-aksayahan niya ng oras, pera at pagmamahal noon na ipinagpalit din siya sa babae. And I am just his best friend. My heart is aching on that very thought. Kailangan niya ng anak para manatili si Benjo sa buhay niya. Hindi kaya ginamit niya lang ako para makuha iyon? Did he left me on our wedding day because Benjo had a change of heart? At kaya siya bumalik ngayon ay dahil gusto niyang i-claim ang anak niyang pwede niyang makuha sa akin?

Naalala kong pakakasalan niya lang ako dahil napilit siya ni Daddy pero hindi iyon ang plano niya. I remembered him convincing me to carry his child, so he can make his lover stay. Inakala ko noong maging kami, na maaaring totoong minahal na niya ako pero sa loob ng tatlong taon ng aming relasyon, wala ni isang beses akong narinig sa kanya na gusto niya akong pakasalan.

He just agreed but I am not 100% sure that he is about to marry me with his own volition.

Nanghihinang napaupo ako sa buhanginan habang umiiyak. What did I do to deserve this? Hilam pa rin ang mga mata ko sa luha. Umiiyak na naman ako tungkol sa kanya.

I forced the memories to come back and it did. The recollection is too fast that my brain can't handle anymore. Hanggang sa nawalan na lang ako ng malay.

I can only hear a female's voice. Si Mommy pala iyon nang bahagya akong dumilat. "Come on, baby. Please wake up." umiiyak siya. Nakita niya akong dumilat kaya niyakap niya ako. "My gosh, Kim. We have been looking for you. Kung hindi pa kami tinawagan ng Tita Regine mo na attending physician mo sa Batangas, hindi ko pa malalaman na naroon ka!" I remembered Tita Regine. Bestfriend siya ni Mommy na isang doktor sa Batangas.

I looked at her, clueless. Batangas? Paano ako nakarating duon? I suddenly remembered everything. Nakapag-adjust na ang utak ko sa mga memory na bumalik na sa akin. Bahagya pa ring sumakit ang sentido ko dahil duon.

Ibinaling ko ang tingin sa logo ng ospital na nakikita ko sa labas mula sa hinihigaan kong hospital bed at naroon na pala ako sa Our Lady of Lourdes Hospital. Nailipat na pala nila ako ng ospital kung ganoon.

"Ano bang nangyari?" masuyo niyang tanong sa akin. Pero nagpadala ako sa galit ko.

"Why did you lied to me?" I don't think I should ask that later. I need an answer now.

Hindi siya agad nakasagot kaya nahalata kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

"Nakita ko si Chris. He looked for me pero itinago niyo ako sa kanya. You even lied to me about marrying Aldous. Why did you do that?"

"Iyon ang tingin naming makakabuti para sa'yo. Iniwan ka ni Chris noong araw ng kasal ninyo." kasing sakit ng mga salitang iyon ang alaalang bumalik sa akin noong hinintay ko si Chris sa wedding hall sa church. "Ayaw lang namin na paulit-ulit mong mararamdaman ang sakit sa ginawa niya."

"Bakit, hindi ba ako nasasaktan ngayon? Pinagmukha niyo akong tanga!"

"Mahal ka namin, anak. Ginawa namin iyon dahil iyon ang tingin naming makakabuti para sa'yo. As if on cue, biglang pumasok ang Kuya ko suot ang usual niyang polong pampulitiko. Maayos ang gupit sa buhok at nakasalamin. "How is she Mom?"

"Isa ka pa." I hate him. "You were such a good liar! Paano niyo nagawang lokohin ako ng ganoon?"

"So, naaalala mo na?"

"Bakit, ayaw niyo ba?" I sarcastically blurted.

"Well, since naaalala mo naman na pala. I think I should be frank with you, my little sister."

"Nate, no." pinigil siya agad ni Mommy sa braso.

"No, Mom. Let her hear why her groom left her on their wedding day. Kailangan niya iyon para malaman niya kung sino talaga 'yung mga taong may pakialam sa kanya."

I didn't move a single muscle. Handa na ako sa kung anumang sasabihin niya.

"Iniwan ka ni Christofer dahil sa boyfriend niya."

Awtomatikong tumulo ang mga luha ko.

"Si Benjo, hindi ba? Matagal ko ng pinamamanmanan ang baklang iyon. Kahit hindi mo sabihin sa amin, alam kong bakla si Chris. 'Yung mga kaibigan niya, nakikipag-flirt sa akin. I knew his few friends at dahil sa mga iyon, nalaman kong bumalik siya kay Benjo noong araw ng kasal ninyo."

I knew it. I knew it.

Sa totoo lang, gusto ko ng mawala sa mga oras na iyon. Kanina pa lang sa resort, may kutob na akong masama tungkol kay Benjo, masakit pala na makumpirma iyon. Paano nagawa sa akin 'to ni Chris? I've been with him for a couple of weeks. Kung hindi naman pala ako ang pinili niya noon, bakit kailangan niya pang bumalik? Bakit pinaasa na naman niya ako?

"Ayaw naming masaktan ka, Kim. Tinanggap namin si Chris dahil nakikita naming gusto mo siya at masaya ka sa kanya pero kung kailangan ka lang niya para pagtakpan ang pagkatao niyang hindi matataggap ng pamilya niya habang ginagamit ka, hindi kami papayag. You deserve more than that. Magalit ka na sa akin dahil sa pagtatago namin ng totoo sa'yo habang wala kang maalala pero gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihan iyon kahit konti." my brother walked away. Lumabas siya sa kwarto ko at sinundan siya ni Mom.

Sa tingin ko, kailangan kong i-reassess ang relasyon ko sa pamilya ko. All this time, I've been antagonizing them when they only strive to give me the best. Ngayong alam ko na ang totoo, siguro dapat lang na putulin ko na ang anumang ugnayan ko kay Chris. Even it pains me with the thought that I had to never see him again.

Bakit kailagan niyang gisingin ang pagmamahal ko para sa kanya kung ganito lang naman pala ang kahihinatnan naming dalawa? Walang makakaintindi sa akin at sa nararamdaman ko pero siguro nga tama si Kuya na hindi ko deserve ang ginagawa sa akin ni Chris.

Hindi ko deserve ang gamitin ng paulit-ulit para lang matupad ang happy ending niya. At the back of my head, I am still willing to listen to his reasons and I know it will only make it hard for me to decide.

Ewan ko ba sa estupidang pusong 'to. Si Chris pa rin ang laman.

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon