👰CHAPTER 7👰

2K 48 8
                                    

Kim's POV


Yearly, nagpupunta akong mag-isa sa puntod ni Lola tuwing araw ng kamatayan niya. Yes, it was unfortunately my birthday. At nasanay na akong hindi ko sine-celebrate iyon dahil naging masakit para sa akin noong ten years old pa lang ako nang mamawala siya habang masaya ako sa party ko.


I can't blame my father for what happened that year dahil wala namang makapagpatunay sa amin na kalaban ni Dad sa pulitika ang sumugod sa bahay namin sa Antipolo.


It was reported as homicide with theft, dahil may mga alahas na nawala ang abuela ko. Pero hindi ako makumbinsi. Ngayong araw lang ako unang beses na naghanda. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng totoong kaibigan. I want to at least share my day with Chris and his family.


Nahiga ako sa tabi ng puntod ni Lola. "I miss you." sabi ko. Hindi niya alam kung gaano ako nasasaktan na hindi ko na siya kasama ngayon. Dati, kapag iniiwan ako ng pamilya ko sa bahay, hindi ako nalulungkot kasi kasama ko siya, pero ngayon wala na. I have to be alone.


Nakarinig na lang ako ng pagtikhim sa likod ko. I saw Dad standing behind me kaya napatayo ako at nagpunas ng mga luha. Aalis sana ako nang pigilan niya ako. "Why don't you stay here a little bit? Aalis na din ako."


Hindi ako sumagot.


"I know you hated me for taking you out of Brent but believe me when I say that it will be the best for you."


"Of course Dad. I know it would be the best for all of us. Atsaka wala na akong problema sa Maceda. Do whatever you want. I don't care."


He just let me go when I take my arm away from him.


Lumaki ako sa Christian family, pero bakit ganito ang nangyayari? Bakit parang wala na si God sa center ng pamilya namin? All I can see is my Dad's ambition. Walang masama sa pangarap niya pero kung nakakasira naman iyon ng pamilya, bakit kailangan niya pang ituloy?


My mother can do whatever she wants. What if she was able to find a man who can love her more than my father can do? What if she'll leave us soon? Biglang sumakit ang puso ko sa mga naisip. I've seen worst case scenarios. Sa paligid ko. Sa mga naririnig kong mga kwento ng mga kaklase ko.


I earnestly prayed to God na sana kahit paano baguhin niya ang set-up ng pamilya namin para hindi kami matulad sa iba.


I love my parents so much. Pero ano bang kayang gawin ng isang 14 years old na tulad ko?


Wala sana akong planong pumasok kinabukasan nang dahil mugto pa ang mga mata ko. Taun-taon na lang palagi akong absent pagkatapos ng birthday ko dahil wala akong ibang inatupag kung hindi ang magmukmok.


Pero magiging iba yata ang araw na 'to.


GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon