👰CHAPTER 6👰

2.1K 59 0
                                    

We are driving in the middle of nowhere going to an unknown place. Sigurado naman daw siya sa dinadaanan namin kaya hindi ako natatakot na baka ibenta na lang niya ako para may pang-gas siya. Pero sa hitsura naman ni Chris, mukhang madami naman siyang pera, which leads me to my question.

"Ano'ng ginagawa mo ngayon? Bakit ang dami mo yatang time na pag-aksayahan ako ng oras?"

"Well, negosyante lang ako. At kasosyo ko ang mga kapatid ko kaya walang problema kung um-absent man ako ng ilang buwan. Hindi pa naman kami maghihirap. At kung maghirap man, we are so used to it kasi nga galing naman kami duon."

"Kaya naman pala. Ano'ng business iyan?"

"You'll see." he is smiling from ear to ear while a good music is on his stereo. Parang gusto kong mas humaba pa ang daan para masulit ko ang mga oras na kasama siya. Habang hindi ko pa alam ang totoo.

Napalingon ako sa kanya nang sabayan niya ang kanta. "You're beautiful. You're beautiful. You're beautiful, it's true..." at naabutan kong masuyo siyang nakatitig sa akin habang maingat na minamaneho ang kotse niya.

Nang magkaroon siya ng pagkakataon, ginagap niya ang kamay ko. Weird dahil hinayaan ko lang siya. I just enjoyed the moment while the music and my heart beat at the same time. Tila magkasimbilis ang tibok ng puso ko at ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.

Hindi ko man maalala ang sinabi niyang kaming dalawa noon, gusto ko na ring maniwala sa sinasabi niya dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Kim's POV ...flashback

Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang makita ko ang pangalan ko sa bulletin board nang araw na iyon. Kasama ko si Chris. Pagkatapos ng Christmas, mas lalo akong napalapit sa kanya at sa pamilya niya dahil ang alam nga nila, kami. At mukhang hindi lang sa bahay nila malalaman na ako na ang girlfriend ng campus nerd dahil may siraulong nagpost ng picture naming dalawa at ang pangalan ko ang naka-bold letters duon. Unfortunately, they are naming me slut.

Nakakalungkot kasi mukhang mapapaaway na naman ako dito sa school na 'to.

I angrily remove all the malicious photos and articles about us. Hindi ako naawat ni Chris.

"Sa'n ka pupunta?" 'yun lang ang nasabi niya bago ako nawala sa paningin niya.

Alam niya kung saan ako pupunta. Malamang sa room kung saan nagkukuta ang mga taga-school publications. Ang mali ng writer na 'yun, nilagay pa niya ang pangalan niya. Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong slut!

Sinipa ko ang pinto ng Publications Room at nagsitayuan ang mga taong nanduon. Wala ang adviser.

"Sino dito si Abigail Cadeno?" I am trying to be calm. At least. Hanggang sa itinuro siya ng lahat ng naroon. Nilapitan ko siya. "Why are you posting these piece of trash? Ako, slut? Alam mo ba sinasabi mo?"

Tumayo siya sa harap ko. "Bakit, totoo naman. 'Yan ang reputasyon mo sa dati mong school. Kaya ka nga na-kick out duon hindi ba?"

"So, nag-effort ka pa talagang halungkatin ang school background ko?" I coughed in disbelief. "Ganyan ka ba ka-patay na patay kay Chris?" Nilapit ko ang maganda kong mukha sa pagmumukha niya at in-emphasize ko ng mabuti sa mukha niya ang sunod na salita. "PATHETIC."

Someone from behind pulled me. "Tama na yan." si Chris pala iyon at talagang pinipigilan niya akong saktan ang chismosa na 'to.

"Ano'ng tama na? Wala pa nga akong ginagawa sa kanya. Hoy ikaw. Hindi ka bagay dito dahil bias ka! Sumusulat ka ng mga bagay na laban sa akin dahil lang hindi ka pinapansin ng crush mo? Bumalik ka sa elementary!"

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon