👰CHAPTER 13👰

1.7K 49 3
                                    

Mabilis akong nagpunta sa ospital na pinagdalahan ng hotel staff ko kay Kim, pero wala na akong inabutan duon kung hindi si Doctora Regina Alonzo. May mga guard na nagsabing dinala si Kim duon kaninang umaga pero ayaw umamin ng doktor na 'to. Ayaw niyang sabihin sa akin kung saan ko mahahagilap ang fiancee ko.

"Sir, umalis na lang po kayo kasi wala talagang sasabihin si Doktora." sabi ng sekretarya niya sa akin."

"Ay, Ate. Wow talaga ha. Hindi ko alam kung ano'ng problema sa akin niyang Dr. Alonzo na 'yan pero hindi ako naniniwala na hindi niyo alam kung nasaan na siya ngayon."

"E hindi nga ho namin talaga alam, sir."

"At kung alam ko man, hindi ko sasabihin sa'yo." napalingon kami nang lumabas ang doktor na bruha mula sa opisina niya. "Hindi mo ba ako kilala? Ninang ako ni Kim. Best friend ko ang mommy niya. I was there when you had her wait for you tapos hindi ka dumating! She was devastated. I think, you should just let her be. Maawa ka naman sa inaanak ko."

"Sorry kung iyan ang tingin ninyo. I know, mali ako dun. Pero wala kayong alam sa totoong nangyari. Kung makakausap ko lang si Kim, alam kong magkakaintindihan kami."

"Hindi na din papayag ang pamilya niya. Kaya kung ako sa'yo, hayaan mo na siya. Or else, you have to face her family. I don't think they can accept you after what you have done. So, wasting your time is your option."

Hindi ako hihinto dahil sa sinabi lang nila. Ngayon pa na tapos ko na ang mga personal issues ko? I will get my Kim back. Dedma na kung kailangan kong harapin ang pamilya ni Kim. Iyon naman din talaga ang plano ko. Mas mahirap na sa panliligaw itong gagawin ko, pero determinado akong makuha siya ulit.

Pinuntahan nga ako ni Benjo kagabi sa hotel. He is still trying to pursue me pero wala na akong nararamdaman para sa kanya. Oo, borta na siyang malala at single na ulit dahil annulled na ang kasal nila ni Linda, pero dedma ako. Hindi sa pinipilit kong magpaka-straight kung hindi dahil mahal ko na talaga si Kim. Bakla pa din naman ako at alam kong tanggap ako ni Kim kahit maging ano pa ako. I just realized that I have been always neglecting the person who never stopped loving me.

I ended everything for good with Benjo. Nung nag-usap kami, duon ko nalaman na kinausap siya ni Kim dati noong nababaliw pa ako sa pagiging broken-hearted ko. Sinubukan siyang kumbinsihin ni Kim na ako ang piliin pero hindi niya ginawa at pinagsisisihan niya iyon. Imbes na sa feelings niya mapunta ang pansin ko, nadistract ako sa mga naalala kong pangyayari na hindi ako iniwan ni Kim. Lahat ng efforts niya para sa akin. Lahat ng mga nagawa niya para sa akin.

Hindi ko siya deserve lalo na dahil iniwan ko pa siya noong kasal namin, pero handa kong patunayan na kaya kong magbago at gagawin ko ang lahat wag lang siyang mawawala sa akin.

I called my family for a meeting that night. Kung hindi pa talaga ako matatauhan, hindi ko pa aayusin ang buhay ko. Talagang dala din ito ng takot kong mawala sa akin ng tuluyan si Kim. At alam kong sa mga ganitong pagkakataon, pamilya ko lang ang makakatulong sa akin.

Mabilis naman silang nagpunta. Yung mga kapatid ko at ang parents namin. Magkakaharap na kami sa sala nang magsimula akong magsalita. "Alam kong ipinahiya ko ang pamilyang 'to noong bigla na lang akong nawala. Wala akong ibang rason kung hindi ang paghahanap ko sa sarili ko. I was lost. Ma, Pa. Bata pa lang ako, alam niyo ng hindi ako straight. At lumaki akong nagtatago sa inyo dahil ayaw kong ma-disappoint kayo. Bakla po ako."

Tahimik lang sila habang pinakikinggan ako.

"Ako din." singit ni Aris.

"I'm sorry, but I am not sorry for being like this. Dahil nga alam kong hindi niyo ako matatanggap, sinubukan kong hanapin ang love at acceptance sa ibang tao at sa katulad ko. I am secretly stabbing your back. Nung time na akala niyo, si Kim ang girlfriend ko, may boyfriend po talaga ako nun ."

GayXGirl Series 3: Gay's Bride [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon