Hello 14

3.7K 168 44
                                    

----

Tao's POV

Tik Tak

Tik Tak

Silence~

Nakaharap sa amin si Lu-ge at matalas kaming tinitingnan nang katabi kong si Sehun.

Nagpaparty ako sa loob loob ko dahil success ang plano namin. YEY!

Ang plano kasi namin— I mean plinano ko. Ayaw kasing umoo ni Sehunnie kanina eh, nakatunganga nga lang siya sa akin habang tumitili kuno ako -_-

Oo taeng Sehunnie yan, pinagmukha akong tanga eh para naman sa kaniya yun.

“ Anong pinaggagagawa niyo sa taas? " Taas kilay na tanong sa amin ni Lu-ge. Tumingin ako kay Sehun at ngumiti ng tagumpay. Whahahaha

“ Sehunnie ano daw ginagawa natin sa taas Hahahaha " Teka. Pagpasensiyahan niyo na ako hindi ko lang talaga mapigilan, kasi naman yung itsura ni Hyung eh.

“ Nothing Hyung " tumango tango ako. Yup wala talaga kaming ginagawa, nagtititili lang ako.

“ Talaga? " tanong ulit ni Lu-ge sa amin habang nakacross arms pa. Ang taray talaga ni Lu-ge minsan eh.

“ Yup Lu-ge. Nagbibiruan lang kami tas niyaya ko siyang maligo. Yun lang Lu-ge " I said like it's the normal thing to say but not for Lu-ge. Nanlaki ang mga mata niya at napaawang pa ang bibig niya, O diba success.

Konti pa Tao, magseselos din si Hyung ng todong todo. Bwahahaha

Inayos muna ni Lu-ge ang pagkakaupo niya bago sumagot.

“ Tao alam mo bang may sakit si Sehun ngayon? "

“ Ay meron ba Lu-ge? Em sorry Sehunnie " at saka ko kinabig ang braso ni Sehunnie papalapit sa akin.

“ Ehem- as I was saying, may sakit si Sehun kaya bawal siyang mapagod at hindi siya pwedeng maligo. Pupunasan ko na lang siya — I mean, magpupunas na lang siya. " pagkatapos magsalita ni Lu-ge ay umalis na siya, huehue namumula si Hyung.

Tumingin ako kay Sehun at pinagsusundot siya sa tagiliran.

“ Ano Sehunnie, success ang plano ko no? ” Sabi ko habang tinataas baba ang mga kilay ko. OMG I'm so genius.

Tumingin lang siya akin at ngumiti.

--xx--

Third Person's POV

Pagkaalis ni Luhan ay lumabas siya at nagpunta sa garden niya. Umupo siya sa isa sa mga bench doon at saka napayuko.

Luhan! Umayos ka nga! Mga salitang paulit ulit na sinasabi ng kaniyang isip. He shook his head trying to shake off those thought, but he failed. Sinampal sampal niya pa ang sarili niya pero wala pa rin.

Fvck Luhan, what's happening to you? Damn it!

He is shivering and he can't control his beating heart.

No no no. This can't be. I can't be jealous, I can't.

Hindi masamang magselos Luhan, kung may nararamdaman ka para sa kaniya hindi mo yun mapipigilan. Ang sagot sa kaniya ng kaniyang puso.

Tanga ka ba ha Luhan. May gusto ka ba sa kaniya kaya ka Nagseselos ha?Nasaktan ka na nga dati tapos magtetake risk ka na naman. Gusto mo bang masaktan muli ha. Ang sigaw ng kaniyang isip.

Napahawak kaagad si Luhan sa kaniyang ulo at saka umiling iling.

Alam mo Luhan, hindi masamang masaktan. Part yun ng pagmamahal at hindi mo yun maiiwasan pag nagmahal ka. At least kahit masaktan ka ngayon, alam mong ginawa mo ang lahat. Pero kung tumunganga ka lang dyan at walang ginawa, walang mangyayari Luhan. Mas masasaktan ka pa pag may nakita siyang iba dahil alam mo sa sarili mo na pwedeng maging ikaw yun pero wala kang ginawa. And jealousy is a proof that you like or love him.

Ang mahabang lintaya ng kaniyang puso na nagpatigil kay Luhan.

“ Tama Luhan. Nagseselos ka Kay Tao at hindi yun masama. There's nothing wrong with it. You... you just l—

“ SEHUNNIE! " napatayo kaagad si Luhan at tatakbong pumasok sa loob. Nakita niya na lang si Sehun na nakahandusay sa sahig at si Tao na pilit siyang ginigising.

“ Anong nangyari!? " tanong ni Luhan kay Tao at saka binuhat si Sehun. Pagkabuhat niya pa Lang kay Sehun Ay alam na niyang may mali. Masyadong magaan si Sehun.

“ Tao sa likod ka, tabihan mo si Sehun " utos niya rito pagkasakay nila ng kotse, siya ang magdadrive at si Tao ang tatabi kay Sehun.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse papunta sa pinakamalapit na ospital, ang ospital nila Kyungsoo.

Pabalik-balik ang tingin niya sa rearview mirror at sa daan.

Wala munang selos selos Luhan. Stay focus.

--xx--

“ Sorry Hyung, sa tingin ko matatagalan pa bago bumalik ang dating lakas ni Sehun. Dehydration, Over fatigue, stress and I think, he is physically and emotionally hurt too.  But don't worry Hyung, he is safe now. Sige Hyung, tawagin niyo na lang ako kung gumising na siya " Kyungsoo smiled at Luhan before going out of the room.

“ What happened back there? " tanong ni Luhan Kay Tao pero nanatiling nakatingin kay Sehun.

“ Paakyat na sana kami kanina ng bigla na lang siyang bumagsak. I'm sorry Lu-ge, kung hindi ko kinulit si Sehunnie hindi sana siya nandito /sniff/ "  Luhan looked at Tao who was sobbing that time. Lumapit siya dito at niyakap siya.

“ It's not your fault Tao, hush now "

It's my fault.

" Bakit ka nga pala napapunta sa bahay? " at saka tumabi si Luhan kay Tao. Pinunasan muna ni Tao ang kaniyang mga luha bago sumagot. 

" Kasi Lu-ge, may gagawin daw na business si Gege rito sa Korea kaya kami napapunta rito. Kaso nga lang hindi niya ako pwedeng isama, makakagulo lang daw ako sa kaniya. Kaya ako pumunta sa inyo. Sorry Lu-ge " saad ni Tao ng nakayuko. Ganun na ba siya kagulo para iwanan ni Kris dito? Hindi naman diba? 

Yayakapin sana muli ni Luhan si Tao ng biglang iluwal ng pinto si Kris na hingal na hingal. 

" Panda- Ok ka lang ba? Wala bang nangyari sayo? Hindi ka ba nagalusan o kahit ano? " sunod sunod na tanong nito kay Tao na halatang gulat na gulat. 

" Ahem Kris, paalala ko lang, si Sehun yung hinimatay at may sakit kaya huwag kang mag-alala kay Tao. Umiyak lang siya kanina " Si Luhan na ang sumagot sa mga tanong ni Kris at tinapik tapik ito. 

" Huwag kang masyadong nag-aalala Kris. Hindi mo tuloy naalala, 

nakaboxers ka pa " at saka tumingin si Luhan kay Tao na gulat na gulat at kay Kris na pulang pulang.  

-----

A/N: Happy 14K+ Reads Guys ↖( ̄▽ ̄") Thanks for Supporting ♡♥♤♠♧♣♢♦ Huahua Hang drama Luhannie :(

Keep Supporting Guys ㄟ( ̄▽ ̄ㄟ)

- Yoty ♧

Hello I'm Your Husband [ HunHan FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon