2nd day

56 1 0
                                    

June 18, 2015

Aralin 16, Saknong 178 -p.72
"Kung sa kabaita'y uliran ng lahat at sa katapanga'y pang-ulo sa s'yudad, walang kasindunong magmahal sa anak, umakay, magturo sa gagawing dapat."

2nd day of class na namin ito. Pero half-day palang kami at syempre medyo madami din pala mababait dito sa school.

"GAB! Wait lang! Sabay tayo!" sigaw ni Renzo kaya bigla ako napatigil sa paglalakad ko.

 "May gagawin ka pa ba ngayon?" tanong niya sakin at parang excited siya.

"Umm... wala naman. Bakit?

"Tara! Samahan mo ako dali!" tapos bigla niya ako hinila palabas ng building at dinala niya ako sa parang garden ng school.

"Ang ganda pala dito. Hindi ko pa kasi naiikot yung school eh." sabi ko at sabay kami tumawa. Nagkwentuhan lang kami doon tungkol sa kung ano-ano. Nakwento nga niya sakin tungkol sa first love niya. Yung kababata daw niya yung first love niya. Lumipat din daw ng bahay yung kababata niya tapos bago daw lumipat yung kababata niya ay nagpromise sila na walang kalimutan at na magkikita din sila paglaki nila.

"6 years old palang ako nun tapos siya 5 years old" pagkasabi niya nun ay bigla ako may naalala. Parang may nangyari din na ganun nung bata ako. Ay! baka coincidence lang. Ahahah! Napagkwentuhan din namin yung sa family niya. Mayaman sila at may company din sila pero hindi maiiwasan yung kalaban pag may business. 

"Gab! Ikaw naman kwento ng sa family mo." pagsabi niya nun ay bigla ko naalala si daddy.

"Gab baket parang bigla ka naging malungkot? Kung ayaw mo magkwento ok lang." 

"Ah. Hinde, ok lang. Kwento ko na. Last month lang kasi namatay si daddy. Alam mo nung buhay pa si daddy lagi siya kampi sakin. Pero pag alam niya na ako naman yung mali ay pinagsasabihan niya ako. Si daddy yung mas close ko kesa kay mommy. Lagi kasi siya yung kasama ko simula palang nung bata, si mommy kase super busy sa work, pero may work din si daddy.

"Aww. Baket namatay daddy mo?" 

"Sabi nila mommy may bumaril daw sa kanya tapos hanggang ngayon hindi pa alam kung sino pero pwede daw yung kalaban ng company namin." kwento ko sa kanya nang hindi ako tumitingin sa kanya kasi baka mamaya ay maiyak nanaman ako.

"Oh! ano nangyari sayo? bakit parang hindi ka na makagalaw dyan?" sabi ko sa kanya kasi parang may iniisip din siya.

"Ah. Wala, yung company din kasi namin may kalaban. Ang gulo nga eh kaya ayaw ko makialam pero kailangan kasi ako daw mag ma-manage nun pag graduate na ako." Sabi niya tapos tumingin siya sa langit.

"Yun din sabi sakin ng parents ko eh. Dapat daw turuan na ako ng masmaaga. Hirap din talaga." pagkasabi ko nun ay bigla kami natahimik. Maya-maya ay dumating na yung sundo ko kaya nagpaalam na ako kay Renzo at umuwi na.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang bait sakin lagi ni Renzo kahit bagong kilala pa lang namin at parang comfortable na kaagad ako pag kasama ko siya. Na parang nakilala ko na siya dati.


Forbidden LoveWhere stories live. Discover now