Vacation

43 0 0
                                    

July 22, 2015

Aralin 21 , Saknong 248 -p. 95

"Sa mawika ito, luha'y bumalisbis at ako'y niyakap na pinakahigpit, huling tagubilin; bunso'y katitiis at hinihintay ka ng maraming sakit."

8:00 am na. Kagigising ko lang at parang wala na din ako gana pumasok kaya bumaba nalang ako para maghanap kung ano pwede gawin.

"Gab, bakit nandito ka parin? Diba may pasok ka ngayon?" tanong agad ni mommy.

"Eh mommy late na po kasi ako nagising. Parang ayaw ko na din pumasok." paliwanag ko.

"Bakit parang namumula mata mo? Umiyak ka ba?"

Hindi ako nakasagot kay mommy. Lagi kasi pag may problema ako kay daddy ko sinasabi pero ngayon wala na si daddy kaya hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi kasi ako sanay na mag open up kay mommy.

"Gab, may problema ba?" tanong ulit ni mommy pero hindi parin ako sumagot kaya napatingin nalang ako sa baba.

"Gab,alam mo ba na pagnakikita kita na ganyan nahihirapan din ako? Gab sorry kung dati hindi tayo masyado nagkakasama dahil sa trabaho. Promise ngayon magbibigay na talaga ako ng oras para sayo. Mas importante ka kaysa sa kahit ano. I love you Gab." sabi ni mommy at yinakap niya ako. Pagkayakap niya sakin ay bigla ako naiyak.

"Mommy." Ngayon ay mas naiyak na talaga ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Na sasabihin iyon ni mommy. Akala ko wala na ako kakampi kasi wala na si daddy na super close ko talaga. Hindi ko naisip si mommy.

"Mommy mahirap pala magmahal?" sabi ko sabay tingin kay mommy.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Kasi may nakilala po ako, si Renzo, classmate ko po siya. Unang pasok ko po kasi sa school bigla may lumapit sakin na mga lalaki tapos kung ano-ano sinasabi nila. Pinagtanggol po ako ni Renzo. Tapos simula nun naging close na po kami. Madalas na po kami mag asaran. Ang bait niya po sakin tapos lagi din siya nag-aalala. Dahil po dun kaya siguro naging mahal ko siya." sabi ko.

"Wala naman mali dun ah?" sabi ni mommy.

"Akala ko po mahal din niya ako. Pero mommy may mahal po kasi siya na iba. Yung ex-girlfriend niya. Mahal pa rin niya po yun." 

"Gab, dapat hindi mo sinesiryoso yan. Masydo pa maaga. Madami ka pa mararanasan. Gusto mo bakasyon muna tayo? sabi ni mommy

"Ngayon?"

"Yup"

"Pero mommy diba may work ka ngayon?" tanong ko.

"Daan muna tayo sa building tapos sabihin ko lang na hindi ako papasok muna ngayon."

"Sige po mommy!" ang saya ko ngayon! 

Nag-ayos muna ako saglit at pumunta na kami sa office ni mommy.

"Cancel mo muna lahat ng meetings ko ngayon. Sabihin mo na may importante ako na gagawin." Sabi ni mommy sa secretary niya.

"Yes mam." sabi ng secretary ni mommy.

Pagkatapos nun ay pumunta kami sa Cavite. Sa Cavite ako pinanganak at nag stay kami doon hanggang nung 6 years old ako. Dito ko nakilala yung sinasabi ko dati na kababata ko. Pumunta agad ako sa kwarto ko at inayos ko na agad yung gamit ko at pumunta na sa living room. Nandoon din si mommy.

"Namiss ko dito." Sabi ni mommy.

Dapat magsasalita palang ako ay bigla may nag doorbell.

"Sino kaya yun?" tanong ni mommy

"Tignan ko na po" sabi ko at binuksan na yung pinto.

May lalaki na nakatayo. Parang kasing age ko lang din. Matangkad siya. Maputi din. Cute siya!! Ahahah! pero parang familiar yung mukha niya. Kilala ko ba siya dati?

"Hi!" sabi niya sabay ngiti saakin. Ang cute talaga niya. Wag niyo na pansinin yung last sentence ah :D

"Hello" sabay ngiti ko din.

"Hi Reiven!" sabi ni mommy sa lalaki. Kilala ni mommy?

"Hi tita!" sabi ng lalaki. Tita? close sila?

"Gab hindi mo ba naaalala si Reiven?" tanong ni mommy sakin.

"Gab? Tita, si Gab po yan?" tanong ng lalaki (Reiven) at parang napakasaya niya. Ano ba meron? Sino si Reiven?

"Gab hindi mo na ako naaalala? Lagi tayo naglalaro dati!" sabi ni Reiven. Reiven. Reiven. Sino ulit siya? Ah! siya yung kababata ko!

"Reiven! Naalala na kita! Hi! Namiss kita!" sabi ko tapos hinug ko siya.

Kasabay namin si Reiven mag lunch. Pagtapos namin maglunch ay nanood kami saglit ng movie at pagkatapos nun ay umuwi na si Reiven para makapagpahinga daw muna ako.

"Mommy hanggang kailan tayo dito?" tanong ko.

"Hanggang kailan ba gusto mo?"

"Pwede sa saturday nalang po tayo uwe? Please mommy. Miss ko na po kasi dito eh." sabi ko.

"Sige na nga. Mag half-day nalang ako bukas hanggang sa friday. Sasabihin ko nalang din sa principal niyo."

"Yey! Thank you mommy!" sabay yakap ko kay mommy.

"Pahinga ka na" sabi ni mommy kaya pumunta na ako sa kwarto ko.

~ Dami nangyari ngayong araw. Daming nangyari na hindi ko inaasahan.



Forbidden LoveWhere stories live. Discover now