Accept

34 0 0
                                    

July 21, 2015

Aralin 18 , Saknong 214 -p. 83
"Puso ko'y ninilag na siya'y giliwin, aywan nga kung bakit at naririmarim; si Adolfo nama'y gayundin sa akin, nararamdaman ko kahit lubhang lihim."

Aralin 18 , Saknong 215 -p. 83
"Araw ay natakbo at ang kabataan sa pag-aaral ko sa aki'y nananaw; bait ko'y lumilinis at ang karunungan, ang bulag kong isip."

1 month later...

 (School)

Hindi ko siya maintindihan. Minsan sweet siya sakin tapos pag nandyan naman si Ashley bigla siya nag-iiba. Parang hindi niya ako nakikita pag kasama namin si Ashley. Para tuloy rebound lang ako. Si Ashley pa rin ang mahal niya. Akala ko mahal niya na ako at nakalimutan na niya si Ashley pero mali pala ako. 

"Gab! Wait lang! Sabay tayo pasok sa school!" sabi ni Amber.

"Amber bakit ka naglalakad papunta sa school? Diba may kotse ka naman?" tanong ko.

"Eh kasi nagtitipid muna ako ngayon."

"Nagtitipid ka? Para saan?"

"Ano kasi... Malapit na birthday ni Nicolas at gusto ko siya bigyan ng gitara. Mahilig kasi siya dun eh tapos ang ganda din ng boses niya!" sabi ni Amber na parang kinikilig.

"Amber! Namumula na mukha mo oh! Tama na nga. Tara na baka malate tayo." sabi ko at hinila ko na siya papasok sa school.

~Habang nagka-klase

Mahirap pala umasa na mamahalin ka din ng taong mahal mo lalo na kung may mahal na siya na iba. Siguro masyado ako nagmamadali. Madami pa naman lalaki diyan eh. Hindi lang siya. Dapat unahin muna pag-aaral. Hindi ko muna iisipin na mahal ko si Renzo.

~ Pagtapos ng klase

Uuwi na ako agad para gawin mga projects at assignments namin.

"Gab!" tawag ni Renzo sakin pero hindi ko siya pinansin at tuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Gab! Bakit hindi mo ako pinapansin?!" Sabi ulit niya pero tuloy pa rin ako sa paglalakad.

"Gab!" Ngayon ay hinawakan na niya ang kamay ko at nagkaharap kami. Bigla parang bumilis yung heartbeat ko.

"Ano ba Renzo? Bitawan mo ako! Kelangan ko na umuwi. May gagawin pa ako" Sabi ko at pilit ko na inaalis yung pagkahawak niya sa kamay ko.

"Gab. Bakit hindi mo ako pinapansin? Hindi na tayo nagkakausap simula nung bumalik ulit si Ashley. Ano ba nangyayari sayo?" tanong niya.

"Renzo hindi mo ba naiintindihan? Ha?! Mahal na kita! Nagseselos ako kapagnakikita ko na magkasama kayo ni Ashley! Ang saya mo pagkasama mo siya at alam ko din na hindi ka pa nakakamove on!" sabi ko at parang paiyak na ako.

"Gab. Sorry. Hindi ko-" 

"Gusto kita kalimutan kaya kita nilalayuan! Mahirap para sakin na palitan si Ashley kasi nung bata pa kayo ay lagi na kayo magkasama! Hindi kita kaya pasayahin katulad ng pagpapasaya niya sayo. Ayoko na masaktan. Masyado na ako nahihirapan. Masmabuti na itigil ng masmaaga." Sabi ko.

"Pero Gab, Magkakausap parin tayo diba?" Tanong niya sakin at mukhang seryoso talaga siya. Pero hindi ako sumagot.

"Gab naman. Satingin mo ba papakawalan pa kita? Ngayon na nakahanap ako ng totoong kaibigan?" Sabi ulit niya. Totoong KAIBIGAN. Kaibigan lang ako. Yun ang masakit.

"Renzo. Bigyan mo muna ako ng time please. Naguguluhan pa ako ngayon. Kailangan ko muna mapag-isa. Kaya please bitawan mo na ako." Pagkasabi ko nun ay binitawan na nga niya ako at umuwi na ako sa bahay.

~Mahirap umasa. Mahirap masaktan. Kaya kung ayaw mo masaktan, wag ka umasa.

 


Forbidden LoveWhere stories live. Discover now