Party...

41 0 0
                                    

June 20, 2015

Aralin 17, Saknong 198 -p.78
"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib, lumaki sa tuwa's walang pagtitiis, anong ilalaban sa dahas ng sakit?"

"Hi Gab! Buti nakapunta ka!" sabi ni Amber sakin.

"Happy Birthday!" Bati ko sa kanya sabay bigay ng regalo ko at nag thank you siya. Madami din siya bisita at kailangan niya muna pumunta sa iba para mag entertain ng iba kaya hinanap ko muna sina Renzo at Nicolas.

"Nicolas!" tawag ko sa kanya kaya bigla niya hinanap kung sino tumatawag sa kanya. Nang makalapit na ako ay nag "Hi" siya sakin.

"Nasan pala si Renzo?" tanong ko.

"Kanina pa ako nandito pero hindi ko pa siya nakikita kaya akala ko kasama mo siya." sabi niya. "Bakit mo pala siya hinahanap?" sabay na tanong niya.

"Ahh... Wala lang." sabay pilit na tawa ko.

"Ikaw ah! Baka may gusto ka na sa best friend ko!" pang aasar niya.

"Wala ah! Hindi yun mangyayari!" tanggi ko.

Nag-usap lang kami ng kung ano-ano doon. Nag start na yung party ni Amber. Ilang oras na kami naghihintay doon pero wala pa rin si Renzo. Ano kaya nangyari dun?

~After an hour

"Sorry nalate ako!" sabi ni Renzo at bigla umupo sa tabi ko.

Sinabi ni Nicolas samin na nung bata pa lang daw sila ay may gusto na siya kay Amber at na magco-confess siya ngayon kay Amber. Iyon ang pinaka inaabangan namin ni Renzo para sa araw na ito.

"Hi! Pwede tumabi?" bigla may babae na nagsabi. Hindi namin siya classmate pero nang makita ko expression sa muka nila Renzo at Nicolas ay parang gulat na gulat sila. Kakilala ata nila yun. Uupo sana siya sa tabi ni Renzo pero bigla sinabi ni Nicolas na sa kanya na tumabi kaya sumunod nalang yung babae.

"Hi! Ikaw si Gabriella diba?" tanong ng babae sakin habang nakangiti.

"Ahh.. Oo-" 

"Ako pala si Ashley Nicole Reyes. Second section. Ashley nalang itawag mo sakin." pagpapakilala niya. "Ex-girlfriend din pala ni Renzo." nagulat ako na parang nainis din sa kanya nang bigla niya sinabi iyon. Hindi na ako nakapagsalita at napatingin ako bigla kay Renzo.

"Ahh... Aalis lang ako saglit. Puntahan ko si Amber. Wish me luck guys." bigla sabi ni Nicolas. Siguro magco-confess na yun.

Hinantay namin bumalik si Nic. Wala nagsalita kahit isa saamin pero pagtinignan si Renzo ay parang hindi pa siya nakakamove-on kay Ashley.

"Renzo, musta ka na?" tanong ni Ashley. Hindi ko alam kung bakit parang galit ako kay Ashley kahit wala siya ginagawa na masama saakin.

"Ok lang." sagot ni Renzo.

"Gab! Alam mo ba dati lagi ako hinahatid at sinusundo ni Renzo sa bahay." bigla sabi ni Ashley. Hindi ako nagsalita kasi mas nainis ako sa kanya nun.

"Ang sweet ni Renzo nung kami pa." sabi ulit niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinasabi saakin pero ang alam ko lang ay gusto ko na umalis sa lugar na ito. Nang dapat ay tatayo na ako ay bigla nagsalita si Renzo.

"Ashley tama na. Wala na tayo. Bakit mo pa binabalikan yung nangyari na?" sabi ni Renzo na parang galit yung boses pero hindi matatago na nasasaktan siya. Bigla niya hinawakan yung kamay ko at hinila niya papalayo sa table.

"Renzo." sabi ko habang papunta kami sa garden nila Amber. "Renzo" sabi ko ulit pero hindi pa rin siya nagsasalita.

Nakita namin doon sina Amber at Nicolas. Mukang masaya sila parehas. Nag confess na kaya si Nic?

"Renzo! Gab!" tawag samin ni Nicolas habang patakbo na pumunta saamin.

"Guys! Pumayag si Amber na magpaligaw!" masaya na kwento ni Nicolas saamin.

"Oh? Congrats bro!" sabi ni Renzo kay Nicolas. Parang wala lang nangyari kanina. Siguro ayaw niya ipakita na hindi pa rin siya nakakamove-on kay Ashley.

"Congrats Nic! Tagal din yung pagconfess mo ah!" sabay tawanan namin. Maya-maya pa ay umuwi na din kami.

~ Minsan kahit alam mo na siya yung nakakasakit sayo ng sobra, hindi mo pa rin siya kaya kalimutan.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now