Good Listener

21 0 0
                                    

January 2, 2016

Aralin 29, Saknong 348 -p. 126

 "Sa pagkabatis niring mapait na luha ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata.... Ay ama ko! bakit?.... Ay Fleridang tuwa! katoto'y bayaang ako'y mapayapa."

Ngayon ay naisipan ko naman dalawin si daddy sa cementery. Ako lang mag-isa kasi may kailangan pa imeet si mommy.

"Daddy, sorry po kung ang tagal ko na hindi nakakadalaw sa iyo." pagsisimula ko.

"Daddy alam mo po ba, nung nawala ka ay nawalan na ako ng pag-asa nun. Kung ano-ano iniisip ko. Pero isa sa mga nagpabago nun ay si Renzo."

"Nung nakilala ko siya lagi niya ako pinapasaya. Hindi niya ako pinapabayaan. Daddy hindi ka nga po namin nakikita ngayon pero alam ko po na binabantayan niyo kami ni mommy."

"Daddy, ano po ba dapat ko gawin? Lalaban pa rin po ba ako? o susuko na ako? Feeling ko po kasi hindi ko na kakayanin yung mga nangyayari eh. Ang dami po nawala sa akin."

"Kinuha po sa akin si Renzo kung kelan na solusyunan na namin yung problema namin."

"Isa din po pala yun! Yung mga problema namin na nasolusyunan namin. Hindi po kami sumuko nun. Una po yung sa ex-girlfriend ni Renzo. Tapos pa sumunod dun yung problema ng family natin sa family nila. Pero hindi po kami nawalan ng pag-asa nun! Hindi po kami sumuko nun!"

"Daddy kung nandito ka lang po sana, alam niyo po kung ano yung tamang gagawin ko."

"Mas naging close po pala kami ni mommy! Na realize din niya na masyado siya focus sa work at wala na siya time para sa akin. Tama nga po kayo. Sooner or later marerealize din ni mommy yung nangyayari."

"Daddy kaya ko po naging mahal si Renzo kasi simula palang kami nagkita ay iniligtas na niya agad ako. Kahit sa huli ay namatay siya na nililigtas ako. Kaya nga po napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya eh."

"Ang bait niya po noh?"

Maya-maya ay bigla na umulan.

"Daddy, Aalis na po ako. Salamat po ah. Love you daddy! Thank you po!"

~Kung kelan naman nahanap ko na yung magpapasaya talaga sa akin, yun pa yung time na kinuha siya. Pero masaya pa rin ako kasi binigyan ako ng time na makasama siya.

 

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now