You will never be alone

17 0 0
                                    

December 31, 2015

Aralin 28, Saknong 342 -p. 122

 "Ako'y lasong aba't dinaya ng ibig, may kahirapan pang para nang marinig na ang prinsesa ko'y nangakong mahigpit, pakasal sa Konde Adolfong balawis!"


12:30 pm na ngayon. Kagigising ko lang naligo na ako at pagtapos ko maligo ay nakita ko sa salamin na namumula yung mata ko. Kahapon kasi iyak ako ng iyak. Hanggang ngayon wala ako iba iniisip kundi si Renzo. 

Bumaba na ako at nakita ko si Reiven. Bakit ngayon pa siya nagpakita? Kung kelan wala ako mood makipag-usap. 

"Strawberry, nabalitaan ko yung nangyari." sabi niya sa akin.

"Ah." yun lang sinabi ko.

"Umm... Musta ka na?"

"Sa tingin mo?"

"Strawberry gusto mo punta tayo park mamaya?" tanong niya sa akin.

"Ikaw nalang." sagot ko

Umupo lang ako sa sofa namin at nanood ng movie. Tumabi lang sa akin si Reiven. 

"Sabi pala ng mommy mo samahan muna kita dito para may makausap ka." sabi niya

"Ok." sagot ko

Tumahimik na siya. Siguro nag-iisip siya ng pwedeng topic. 

"Gab, Alam ko na masakit sa iyo yung nangyari." sabi niya.

"Umm... Reiven. Iwan mo muna ako please. Gusto ko muna mapag-isa" seryoso na sabi ko sa kanya.

"Pero Gab-"

"Please."

"Umm... Ok" sabi ni Reiven at umalis na.

Baka magalit yun sa akin. Pero kasalanan ko ba yun? Kasalanan ko ba na nagkakaganto ako ngayon? Kasalanan ko din ba na ngayon lang siya nagpakita sa akin. Pagtapos niya hindi magpakita sa akin, ngayon lalapit siya. 

Nang umuwi na si Reiven ay maya-maya bigla may nagmessage.

"Strawberry sorry ah." nag message si Reiven. Di ako nag reply.

"Strawberry bakit ayaw mo ako pansinin?"

"Ano ba ginawa ko na mali?"

"May kasalanan ba ako?"

Sunod-sunod na message niya. Hindi ba siya makaintindi?! Nainis na ako kaya inoff ko yung phone ko. Bumalik na ako sa panonood ng movie.

Bigla nanaman nagflashback yung memories na kasama ko si Renzo. Good and Bad memories.

Yung iba pinipilit nila kalimutan yung past. Pero para sa akin napakaimportante ng past. Sa past tayo natututo ng mga dapat natin gawin ngayon.

7:30 pm umuwi si mommy. Pero kasama niya si Reiven.

"Gab gusto ka daw makausap ni Reiven." sabi ni mommy.

"Mommy pagod po ako. Pwede na po ba matulog?" sabi ko kay mommy. Ayaw ko kasi kausapin si Reiven.

"Umm... Reiven. Pwede balik ka nalang bukas? Sorry ah." sabi ni mommy kay Reiven

"Ah. Sige ok lang po. Naiintindihan ko naman po eh. Thank you po." sabi ni Reiven at umalis na siya.

"Gab, wag ka naman ganyan kay Reiven. Gusto ka lang niya pasayahin." sabi ni mommy

"Pero mommy si Renzo lang makakapagpasaya sa akin ng sobra!" bigla ko sabi at naiyak ako. Naghug sa akin si mommy.

"Gab. Alam ko na masakit pero kailangan nalang natin iyon tanggapin." sabi ni mommy.

"Gab kumain ka na ba?" tanong ni mommy sa akin.

"Wala po ako gana kumain. Matutulog nalang po muna ako." sabi ko at umakyat na.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay umiyak nanaman ako. Two days palang nung nawala si Reiven. Bakit ba nawawala lagi kung sino pa yung mahal ko na sobra? Bakit ganun? Hindi pa ba sapat yung pagbibigay sa akin ng mga problema? Kailangan pa ba talaga kuhain sila sa akin? Bakit ganun? Bakit ang daya?

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now