July 29, 2015
Aralin 24, Saknong 285 -p. 107
"Ito ay hamak pa bagang sumansala ng karupukan mo at gawing masama, kung ano ang taas ng pagkadakila siya ring lagapak naman kung marapa!"
Wednesday na ngayon. Kahapon pagkauwi ni Renzo ay nagtampo ako kay mommy kasi pilit niya kami ni Renzo na pinaghihiwalay. Naiintindihan ko naman na para iyon sa company namin pero hindi ko talaga kaya na humiwalay kay Renzo. Gugustuhin ko ba na hindi nakasama ang taong mahal ko?Hay... Bahala na nga. Papasok na ako sa school baka malate pa ako.
~School
Nagklase muna kami ng simula 7:30 am hanggang 10:00 am at snack time na namin. Pagkalabas ko ng classroom ay hinila ako ni Renzo papunta sa rooftop.
"Renzo bakit mo ako dinala dito?" tanong ko.
"Gab, kaya mo ba ako iwasan?" tanong niya at seryoso siya dun.
"Huh? umm.... Bakit mo natanong?"
"Kasi simula pa kahapon wala ako ginawa kundi isipin yung sinabi ng mommy mo na kailangan tayo magiwasan."
"Eh kaya mo ba iyon?" tanong ko at kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
"Hindi! Gab bestfriend na kita at hindi na kita kaya layuan pa kasi..." sabi niya.
"Kasi?"
"Basta hindi kita kaya layuan! Hindi ko kakayanin." bigla iba naisip ko dun. May gusto na kaya saakin si Renzo? O baka feeler ko lang? Wah! Yan nanaman eh!
"Gab pag nalaman ng parents ko na magclassmate tayo at na magkaibigan tayo ay baka palipatin nila ako ng school. Masyado kasi importante sa kanila yung company. Eh ayaw ko naman lumipat. Kailangan ko gumawa ng paraan."
"Kausapin natin si mommy! Punta tayo sa company!" sabi ko
"Pero magkakaissue dun kasi pupunta ako sa company niyo!"
"Hindi naman tayo manggugulo dun ah? Kakausapin lang naman eh."
"Sige na nga." sabi niya
Nagpahatid kami sa driver namin papunta sa company kasi pag kanila Renzo ang ginamit namin ay mapapagusapan iyon. Iwas muna sa issue. Tama na muna ang isa. Nagsuot nalang si Renzo ng black na jacket at nag shades din siya.
Nang makarating kami sa harap ng building ay bigla ako kinabahan. Baka magalit si mommy kasi nag cutting classes ako. Hay! Bahala na.
Dumirecho agad kami sa office ni mommy at as expected nagalit nga siya.
"Gab! Ano ginagawa mo dito? Diba nay class ka? At sino yang kasama mo?" pagsabi nun ni mommy ay inalis ni Renzo yung shades niya at tagulat si mommy.
"Mr. Agustin! Ano ginagawa mo dito? Bakit dito ka pa pumunta?! Baka naman ginagamit mo lang si Gab na excuse para makapasok dito at gumawa ng gulo or para siraan yung company namen?" Sabi ni mommy kay Renzo.
"Mommy tama na po! Ako nagdala kay Renzo dito! Wala siya kasalanan!"
"Gab! Napalapit ka lang sakanya natuto ka na sumagot sakin ng ganyan! Bad Influence yan! Ginagamit ka lang niya! Gusto nila pabagsakin company naten!" sabi ni mommy sakin.
"Mommy naman! Tama na! Wala ka evidence na gusto niya siraan ang company naten!"
"Gab, hindi mo ba naaalala? Ha?? Sila nagpapatay sa daddy mo!" bigla sigaw ni mommy at tinuro si Renzo. Nagulat si Renzo sa bigla sinabe ni mommy.
"What?! Hindi masamang tao parents ko! Wala sila kinalaman dun. Pano naman iyon naging kasalanan ng Pamilya namen?" sabi ni Renzo. Alam ko na nasasaktan na siya sa mga sinasabe ni mommy.
"Mommy! Tama na! Wala ka karapatan na pagbintangan sila ng ganyan lalo na kung wala ka evidence!" sabi ko.
"Tara na Renzo." bigla ko hinawakan yung kamay ni Renzo at hinila ko siya paalis ng office at nagmamadali kami lumabas ng company. Bago kami lumabas ay may napansin ako na naguusap at nakatingin saamin pero hindi ko sila pinansin.
Pumunta kami ni Renzo sa park. Hindi na muna kami bumalik sa school. Alam ko naman na mapapagalitan lang kami dun kasi nag cutting classes kami. Pagpunta namin sa park ay umupo muna kami sa upuan na malapit sa may fountain. Wala samin gusto na una magsalita. Dapat hindi ko nalang siya dinala dun. Kasalanan ko.
"Umm... Renzo sorry sa kanina ah."
"Baket? Wala ka naman kasalanan eh."
"Dapat hindi nalang kita sinama dun."
"Ok lang yun."
"Galit ka?" tanong ko
"Hindi ah."
Wala nanaman kami topic kaya tahimik lang ulet kami. Wala nagsasalita. Bigla hinawakan ni Renzo kamay ko.
"Gab, pwede mo ba ako bigyan ng chance?"
"Huh? Chance saan?"
"Gab mahal na kita."
YOU ARE READING
Forbidden Love
RomansaHanda ka ba isacrifice lahat ng meron ka para sa taong mahal mo? Palaban na tao si Gab pero kakayanin kaya niya ang mga pagsubok na dadating sa kaniyang buhay?