January 1, 2016
Aralin 29, Saknong 347 -p. 126
"Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas tantuin mo naman ngayon ang kausap; ako ang Aladin sa Persyang s'yudad anak ng balitang sultang Ali-Adab."
12:00 am ay ginising ako ni mommy at binati ako ng "Happy New Year". Nagsmile nalang ako kay mommy nang pilit. Sinabi ko kay mommy na mauna nalang siya sa baba at susunod nalang ako. Nagbihis muna ako. Nakadress ako ngayon ng polka dots sabi kasi ni mommy yun daw isuot ko. Bumaba na ako.
"Mommy." sabi ko. Pagkababa ko ay nakita ko si mommy na nag-aayos ng mga pagkain.
"Gab! Labas ka na. Nandun na sina Reiven. May mga fireworks dun. Susunod nalang din ako pagtapos ko" sabi ni mommy.
"Ok po." lumabas na ako at nakita ko nga sina Reiven. Nilapitan ako ni Reiven.
"Gab, Happy New Year" sabi niya.
"Sayo din." sabi ko.
"Happy New Year Renzo" naisip ko.
New Year na ngayon. Dapat may first Christmas at Frist New Year na kami sana ngayon ni Renzo as 'more than friends'. Pero wala eh. Hindi kaya.
Lumabas na si mommy at tumabi din sa akin. Nanood lang kami ng fireworks nun. Lahat sila masaya. Sinubukan ko din naman makisali sa kanila kasi baka sabihin nila na KJ ako pero hindi ko talaga kaya maging masaya.
Pagtapos ng sa fireworks ay sabay sabay kami kumain sa bahay. Habang kumakain ay yung iba ay masayang nag-uusap. Si Reiven ang kasama ko ngayon pero si Renzo ang nasaisip ko.
Babalik na din kasi kami mamaya sa Manila. Ngayon na din kasi ililibing si Renzo. Ang sakit noh? Kung kelan New Year tapos dun pa siya ililibing. New Years resolution ko? Hay... Kelangan ko pa ba nun? Eh wala na nga si Renzo.
Nang natapos na kami kumain ay nagpahinga muna kami saglit. Nagusap pa sina mommy at yung mommy ni Reiven. At syempre nag-usap din kami ni Reiven. Sabi niya ay mamimiss daw niya ako. Pagtapos nun ay natulog muna kami ni mommy saglit.
6:00 am. Umalis na kami. Papunta na kami ngayon sa bahay. 9:00 am kami nakauwi. Tapos 10:00 am ililibing si Renzo. 30 min. lang yung pahinga namin. Nag-ayos na kami ni mommy at nung 9:50 am ay pumunta na kami sa cementery.
May madaming flowers dun. Lahat kami ay naka suot ng white. Sa kabaong ni Renzo ay ang nakapalibot ay yung flowers.
Nagstart na ibless ng pari si Renzo. Lahat kami ay tahimik. Katabi ko sa kaliwa ko si mommy at yung parents naman ni Renzo sa kanan ko.
Nung oras na para magbigay ng message at ng flowers kay Renzo ay nauna yung parents niya at sumunod ang family members. Nang tinawag ang pangalan ko ay bigla ako kinabahan.
"Umm... Hi Renzo! Alam mo ba miss na kita! Sobra! Hindi nga ako sanay kasi wala na yung lagi ko kaasaran." sabi ko at paiyak na ako.
"Naalala mo ba yung first time na pagkikita natin? Kahit first time lang yun ay niligtas mo na agad ako tapos hanggang sa huli niligtas mo pa rin ako."
"Napakasaya ko na nakilala kita. Alam mo ba isa sa pinaka masaya na ngangyari sa akin yung 'surprise fake wedding'? Grabe kaya yun! Super unexpected!" tapos bigla na ako naiyak.
"Renzo, daya naman eh. Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka sumasagot. Ang daya kasi iniwan mo agad kami! Eh hindi ka nga nag bye sa amin!" ngayon ay sobra na yung iyak ko. Nilapitan ako ni mommy at ng parents ni Renzo at hinug ako.
Grabe. Masyado masakit yung mga nangyayari. Dati nung nagaaway yung family namin ni Renzo, akala ko yun na yung pinaka masakit na mararanasan ko na connected kay Renzo. Pero nagkamali ako.
Sa isang taon, dalawang mahal ko sa buhay yung nawala. Sino ba hindi masasaktan nun?
YOU ARE READING
Forbidden Love
RomansaHanda ka ba isacrifice lahat ng meron ka para sa taong mahal mo? Palaban na tao si Gab pero kakayanin kaya niya ang mga pagsubok na dadating sa kaniyang buhay?