Chapter 13

36.5K 768 4
                                    


ALAS-SIYETE y media ng umaga ay naroon na si Tim sa apartment ni Judy.

"Anong oras ang dating ng stepbrother mo na ito?"

" Ang sabi niya'y alas-otso," aniya na inilapag ang tasa ng kape sa harap ng manager. "You still have fifteen minutes para praktisin ang sasabihin mo sa kanya," matabang niyang sinabi na naupo sa tabi ni Tim. Sinamantala ni Tim iyon at ginagap ang kamay ng dalaga "Why don't you marry me instead, Judy? Alam mong iniibig kita," madamdaming wika ni Tim.

"C'mon, Tim, magkaibigan tayo. Ikaw ang confidante, manager, kaibigan, at lahat-lahat na sa akin. Huwag mong idagdag doon ang salitang asawa. I cannot imagine myself being married to you..."

"Whyever not?" Nakataas ang kilay nitong tanong.

"Isang linggo pa lang tayong magkasama ay pagsasa- waan na natin ang isa't isa. I know you, Tim. Ang dahilan kaya patuloy kang nakaalalay sa akin ay dahil pera ang dinadala ko sa iyo," matabang niyang sinabi.

"That is a cruel thing to say, Judy. I really love you," bumalatay sa mukha nito ang sakit sa sinabi ng dalaga.

"Maybe. Pero hindi ko gusto ang uri ng pag-ibig mo, Tim. You're more in love with yourself kaysa sa alinmang babaeng maaaring dumating sa buhay mo. Let us remain friends, okay?"

Hinagkan ng lalaki ang kamay ng dalaga. "Magba- bago rin ang pasya mo, Judy. Kailangan mo ako, I know that. You don't want me out of your life hindi lang dahil sa financial na dahilan. Somehow, nararamdaman kong mahal mo rin ako.. ."

Kinabig into ang dalaga upang yakapin nang isang malakas na tikhim ang nagpalingon sa dalawa sa pinto.

"Time to go, Judy," walang emosyong wika nito na sinabayan ng sulyap sa relo sa braso.

Si Tim ay tumayo at lumapit dito. Inilahad ang kanang kamay. I'm Tim Velasquez. Ako ang manager ni Judy..."

"I have heard of you from my lawyer, Mr. Velasquez," pormal na sagot ni Luis na hindi inabot ang kamay ni Tim. Nagkibit ng balikat si Tim na ibinaba ito sa tagiliran.

"You see, Mr..." nilingon nito si Judy. "Esmeralda ba 'ika mo, Judy?" Tumango nang wala sa loob si Judy. "Mr. Esmeralda, gusto kong ipakipag-usap sa iyo ang trabaho ni Judy... as her agent and manager..."

"I don't want to be rude, Mr. Velasquez, but if you have something to say about your talent, my lawyer will see you next week. Mahuhuli kami sa flight," may pagkaaroganteng wika ni Luis na binalingan si Judy. "Nasaan ang mga bagahe mo?

Tumayo ang dalaga na tinitigan si Tim na nagtaas ng mga balikat. "Well, mauuna na ako sa inyo. Write me, darling. O, di kaya ay mag-long distance ka. Charge it to my office," tuluyang lumabas na ang binata.

"Have you packed? Nasaan ang mga maleta mo?" Naiinip na muling tanong ni Luis sa kanya na hindi man lamang nilingon ang paalis na si Tim. Sinuyod siya nito ng tingin sa suot niyang hapit na maong at midriff na puting blouse. Sa pakiramdam ng dalaga ay hinihipnotismo siya ng maiitim na mga matang iyon.

Marahang huminga si Judy. Sa uri ng trabaho niya ay nakatagpo na niya ang ilang guwapong celebrity at mga lalaking nabibilang sa kilalang angkan. But nothing can ever compare to this man.

"Kukunin ko sa itaas," mabigat niyang sagot kasabay ng pagtungo sa hagdan.

"Kaya mo ba?"

"Isang maleta lang ang dadalhin ko, Mr. Esmeralda. Walang dahilan para dalhin ko lahat ng mga gamit ko, I might be sent back nang wala sa oras tulad noon," sarkastiko niyang sinabi na ikinatiim ng mga bagang ng lalaki.

Sa itaas ay isang drawer ang binuksan ng dalaga. Isang nakaselyo pang brown envelope ang naroon. Nanatiling hindi niya binubuksan sa loob ng kulang anim na taon.

Dalawang buwan na siyang nakakabalik nang matanggap niya ang envelope na iyon mula kay Anselmo. Hindi niya binalak buksan iyon. Nagkamali siya ng akala sa taong iyon. Ni hindi siya nagawang ipagtanggol sa ina. Ni hindi ito nagpaliwanag ng tungkol sa inabutan ng mommy niya noon.

Ipinasok niya sa shoulder bag ang envelope at hinila ang de gulong na maleta at bumaba. Nasa bungad siya ng hagdan nang salubungin siya ni Luis at kuhanin sa kanya ang maleta.

Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon