Chapter 12

36.6K 775 6
                                    


AT MAKALIPAS ang anim na taon ay heto at muli silangnagtagpo ni Luis.

"Nakaalis na ba ang bisita mo, Judy?" Si Nana Mameng na nagpaputol sa daloy ng alaala kay Judy at nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Isang tango ang isinagot niya. Naupo sa harapan niya ang matandang babae. Tumikhim.

"Matagal ko na sanang gustong umuwi sa amin sa probinsiya, Judy. Ang dahilan kaya nananatili ako ay dahil sa lolo mo. Pinakiusapan niya akong manatili dahil nga maysakit na siya noon. Pero ngayong wala na siya'y gusto ko nang umuwi, hija. Kailangan ako ng anak ko at mga apo," ani Nana Mameng na nakikiusap ang tinig.

Huminga ng malalim ang dalaga. At least, isang problema niya ang nawala kapag umalis si Nana Mameng. Isasara niya ang buong bahay.

"Kayo ho ang bahala, Nana Mameng. Mabuti nga ho at nasabi ninyo iyan. Ako man ho ay aalis bukas ng umaga p atungo ng Mindanao..."

"Iyon ba ang sadya ng lalaking naparito, hija?" "Opo."

"Kung ganoon ay igagayak ko na ang mga gamit ko at sasabay na ako sa iyong umalis bukas. Doon na muna ako sa pinsan ko sa San Andres habang kumukuha pa ako ng ticket at namimili ng pasalubong."

Isang tango ang isinagot ni Judy at tinungo ang telepono. Tinawagan ang manager, si Tim.

"I'm leaving, Tim..."

"Leaving?" Nagtaas ng boses ang kabilang linya. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"May... nangyaring hindi maganda sa mother ko sa Mindanao. She needs me." Lumunok ang dalaga. Hindi pa rin niya matiyak kung kailangan nga siya ni Dorina.

Pero at least, walang masasabi sa kanya. Gagawin niya ang nararapat bilang anak.

"Mindanao! Are you out of your mind, Judy? Papaano ang tatlong nakabitin mong contract signing dahil nga hinayaan muna kitang matapos ang vigil mo sa lolo mo. Hija, those are all money... big money!"

"Listen, Tim. Hindi ko gustong umalis. But my... my stepbrother..." Ipinaliwanag niya rito ang tungkol kay Luis. Ang gagawin nito kung sakaling hindi siya sumama ngayon.

' "So the stepbrother is rich, huh?"

"Right. Kaya kahit na nakakontrata ako ngayon palagay ko ay hindi ko iyon maidadahilan..." aniya sa isang walang pag-asang tono.

"I'll be there first hour in the morning, Judy, Anyway, ang apartment ninyo'y nadadaanan ko naman. Kakausapin ko kung sinuman ang stepbrother mo na iyan. Hindi ka siguro kilala niyan na bigtime model, poster girl, calendar girl, cover girl, etc., etc.!" Litanya ni Tim na naiirita. Hindi magandang pakinggan na ang star talent nito'y mawawalang hindi nito alam kung hanggang kailan at kung saang lupalop ng mundo paparoon.

And another thing, may gusto ito kay Judy. At kung papayag lang ang dalaga ay gusto nitong pakasalan si Judy.

Nagbuntong-hininga si Judy. "You are just wasting your breath, Tim. Matitinag mo ang China Wall pero hindi si Luis. Anyway, kung maunang dumating si Luis sa iyo then goodbye, Tim, darling." Ibinaba niya ang telepono sa receiver.

Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon