NAGPAIWAN si Judy sa villa sa araw ng libing ni Dorina. Nagdahilang masama ang katawan. Gusto niyang umalis nang hindi kailangan ng komprontasyon mula kay Luis.
Kahit papaano ay ikinalulungkot niya ang sinapit ng kinikilalang ina. Kung hindi sana sa matinding paninibugho nito sa kanya at sa kasakiman ay hindi marahil sasapitin ni Dorina ang ganitong wakas.
Iniligpit niya ang mga gamit sa maletang pinaglagyan niya patungo rito. Nagbihis. Binuksan ang drawer ng tokador at inilagay sa bag ang mga naroong gamit. Napagtuunan niya ng pansin ang brown envelope na galmg kay Anselmo para sa kanya may anim na taon na ang lumipas.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Hindi na niya kailangang malaman ang nilalaman niyon. Pareho na itong wala at si Dorina. Iniwan niya ang enve-lope sa ibabaw ng tokador at lumabas ng silid.
Sa ibaba ay kinausap niya ang family driver.
"Mang Pancho, maaari po bang ihatid ninyo ako sa pier?"
"Aba, oo, Judy. Ang lumang jeep na lang ang gamitin natin dahil dala ni Luis, ang Land Cruiser at ang L200 naman ay siyang gamit ni Erwin."
"Kayo po ang bahala," aniya na inabot sa matanda ang maleta. Sumunod siya rito patungo sa pinagpara- dahan ng owner-jeep.
"Bakit hindi mo na lang hinintay si Senior Luis, Judy, para siyang maghatid sa iyo sa pier? Hindi kaya magalit sa akin iyon?"
"Hindi po, Mang Pancho. Pagod at puyat ang magkapatid dahil sa pagkamatay ni... ng... mommy. Ayokong makaabala pa..."
Gusto pa sanang itanong ng matanda kung bakit siya ang anak ay siya pa ang wala sa libing pero minabuting huwag na lamang kumibo.
Malapit na sila sa labas ng hacienda nang huminto ang jeep. "Bakit po tayo huminto, Mang Pancho?"
"Aba, teka at titingnan ko. Sumumpong na naman siguro ang dating sakit nito. Mahinang baterya. Hindi kasi napag-uukulan ng pansin dahil dala-dalawa ang pick- up na ginagamit sa hacienda."
"'Ku, ayaw.! Baterya gyod ang problema ani," wika nito sa local dialect nang buksan ang hood..
Napailing ang dalaga. Bakit ba natatapat siya sa nasisiraang sasakyan? Ang kotse niya sa Maynila at itong jeep ay puro dispalinghado.
"Ilang kilometro pa ho tayo hanggang sa boundary ng asyenda?"
"Mga kalahating kilometro pa, 'day. At pagdating mo naman sa kalsada ay bibihira rin ang nagdaraang sasakyan patungong bayan. Madalang pa sa patak ng ulan ang biyahe."
"Subukan ho ninyong i-start at ayusin at baka hindi naman baterya ang diperensiya," utos niya.
"Aber nga at titingnan ko uli," muli itong lumipat sa harapan at kung ano-ano ang ginawa.
Hindi malaman ni Judy kung may alam sa sasakyan ang matanda o wala. Bumaba siya ng jeep at umikot sa mismong harap. Tiningnan ang ginagawa ni Mang Pancho pero wala naman siyang maintindihan. Lumakad siya patungo sa nakahandusay na puno ng niyog at naupo roon at nangalumbaba.
"Paano ho kung hindi umandar iyan?"
"Maglalakad tayo pabalik ng hacienda, Judy. Mapalad kung makakasalubong tayo ng karomata at makakasakay tayo. Kung hindi ay mahabang oras na lakaran iyon. Hindi bale ako, sanay. Ikaw ang inaalala ko."
Bumuntong-hininga ang dalaga. Sa nakalipas na beinte minutos ay walang ginawa si Mang Pancho kundi ang pumaroon at pumarito sa hood at sa manibela.
Marahil ay talagang wala itong magagawa at hindi lang gustong ipakita sa dalagang hindi nito sinusubukang paandarin ang jeep.
Ugong ng sasakyan ang nagpabaling sa dalawa sa daang pinanggalingan. Kinabahan si Judy. Malayo pa'y natatanaw na niya ang unahan ng Land Cruiser. Napatayo siyang bigla sa kinauupuang puno. Pinuno ng hangin ang dibdib.
BINABASA MO ANG
Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)
Romance"You may have an enchanting smile and eyes that look deep into a man's soul but I am immune to the likes of you, Judy..." Labing anim na taon si Judy nang ipagtabuyan siya ng ina at ng stepbrother sa Hacienda Esmeralda pabalik ng Maynila sa kasalan...