Chapter 2

48.2K 907 16
                                    


"ANG unang dahilan ng pagparito ko ay para himukin kang magbakasyon lamang ng ilang linggo," patuloy nito na binale-wala ang pagkabigla niya. "Pero ngayong nalaman kong patay na ang lolo mo ay napagpasiyahan kong iuwi ka na lang "

"You must be out of your mind, Jose Luis!" bulyaw niya. "Anong iuwi ang pinagsasabi mo? Tagarito ako at hindi taga-Zamboanga!"

"Naroon si Dorina, Judy, ang mommy mo. Hindi mo maaaring kalimutan iyon "

"To tell you frankly, nakalimutan ko na. At huwag mong ipaalala sa akin. Hindi ko gustong maalala. Walang dahilan para alalahanin. As of four days ago, nag-iisa na lamang ako," matigas niyang tugon. "Matagal nang kinalimutan ng... ng... ni Dorina na may anak siya rito at kinalimutan ko na rin—"

"Sinusulatan ka niya pero hindi mo sinasagot "Sinusu..." Napangangang tumingin siya sa binata. "Sinabi niya sa iyo iyan?"

"Yes," maagap nitong sagot. "Sinabi rin niyang ni isa sa mga sulat niya'y wala kang sinagot."

"At naniniwala ka?"

"Bakit hindi ko paniniwalaan iyon? Anak ka ni Dorina. Mahal ka niya at nag-aalala siya sa iyo."

Sandaling hindi makahuma si Judy, ngunit pagkatapos ay bumunghalit na ng malakas na tawa na nakapagpasalubong sa mga kilay ni Luis,

"Tumigil ka, Judy!"

Umiiyak na siya sa pagitan ng pagtawa. Nilapitan siya ni Luis at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Tumigil ka sabi!"

Tinabig niya ang dalawang braso nito. "You're a bigger fool than I thought, Jose Luis Esmeralda," aniya na huminto sa pagtawa pero dumadaloy ang luha sa pisngi. "Pinaniwala ka ni Dorina na sinusulatan niya ako at naniwala ka naman? Sa loob ng anim na taon, kinalimutan ni Dorina ang existence ko! Sa loob ng isang taon na pagbalik ko rito ay sinusulatan ko siya pero wala akong tinatanggap na sagot kahit na isa. Binaligtad niya ang pangyayari. At wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi. Umaiis ka na lang!" Napaatras siya sa chest cabinet at sumandal doon. Kung hindi ay bibigay ang mga tuhod niya.

Matagal bago nagsalita si Luis. Tinitigan siya na tila inaarok ang sinabi. Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita

"Patay na ang papa. Judy..." tahimik nitong sinabi pero napatiim-bagang. Ganoon din ang lungkot na iglap ding nawala. "Inilibing siya five weeks ago."

Patay na si Anselmo Esmeralda!

"At tulad ng sinabi ko sa iyo kanina, dalawang telegrama ang ipinadala ko sa address na ito," patuloy ni Luis.

Hindi niya alam dahil sadyang hindi niya binubuksan ang anumang komunikasyong maaaring dumating mula sa Hacienda Esmeralda.

"Condolence." Kahit katiting ay walang sinsendad sa tinig niya. "Pareho na lang pala kami ni Dorina na nawalan."

"Kalalabas lang ni Dorina sa ospital a week ago She's in shock...''

Nagkibit siya ng mga balikat. "Knowing your financial status, you can afford the best doctors "

Hindi pinansin ni Luis ang sinasabi niya. "Six weeks ago ay may dumating na kaibigan si Papa galingng Ma-laysia. Kasama si Dorina at ang isa pang kaibigan. si Mr. Prado, ay pinuntahan nila ito sa bayan nito sa Cotabato. Business ang sadya ng papa at ni Mr. Prado rito. Ang owner-jeep na sinasakyan ng mag-asawa at ni Mr. Prado ay na-ambush ng dalawang armadong lalaki. Pinatay nila ang papa at si Mr. Prado on the spot."

"Oh!" Sa kabila ng lahat ay hindi mapigilan ng dalaga ang sarili. "I'm sorry. Si... si... ang mommy, ano ang n-nangyari sa kanya?"

Hindi agad nakasagot si Luis. Ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng pantalon at tumingala sa kisame kasabay ng paghinga nang malalim.

Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon