Chapter 20

50.1K 830 47
                                    


GUSTONG panawan ng malay ni Judy. Nothing and no one had ever prepared her for this kind of pain.

"Judy...?" si Luis na hindi makapaniwala at hindi malaman ang gagawin. Hindi nito inaasahan iyon. Kitang-kita sa mukha ng dalaga ang matinding sakit and he stopped moving. "Judy... bakit... anong...?" Saka una- unahang pagkakataon sa buhay ng binata ay nawalan ito ng sasabihin.

This is not the first time that he had taken a virgin. Pero hindi sa ganitong paraan, hindi sa marahas na paraan. Higit sa lahat, hindi nito inaasahan sa dalaga iyon.

Ni hindi gustong kumilos ng dalaga, kahit ang magmulat ng mga mata ay hindi niya gustong gawin sa pagbabaka-sakaling mabawasan ang sakit. May sumungaw na isang butil na luha sa sulok ng mata niya.

"Oh, Judy... I'm so sorry..." wika ni Luis and tenderly kissed the solitary tear away.

"G-go... away. Just... roll off..." bulong niya.

"No, chiquita, no. The worst part is over. It is going to get better... I promised." his voice gentle. His hand caressing her face

"Hindi! Ayoko na, ayoko na..." pa-hysteria niyang sigaw at tuluyang napaiyak. "Please, just go away...!"

Napilitang tumayo si Luis, marahan. Hindi malaman kung paano aaluin ang dalaga na dumapa at inabot ang kumot at itinakip sa katawan sa papaano na lang na paraan. Nanatili siya sa ganoong ayos nang may kung ilang sandali hanggang sa pakiramdam niya'y unti-unting nabawasan ang sakit.

"Judy..."

"Iwan mo ako, Luis, please.. ."

"Hindi ko magagawa iyon. Hindi kita intensiyong saktan. Pinaniwala mo akong—"

"Hindi kita pinaniwala! Pinaniwala mo ang sarili mo!" aniya. Ang mukha ay nakabaon pa rin sa unan Nagtiim-bagang ang binata. Pagkatapos ay muling nilinga ang dalaga. Hindi malaman kung hahawakan o hindi. "Gusto mo bang tumawag ako ng doktor?"

Hindi malaman ng dalaga kung matatawa o maiiyak. Physically, she will heal. Perhaps in a few hours. But the pain in her heart ay hindi niya matiyak.

"Nakikiusap ako, Luis, iwan mo ako..."

"Ayokong gawin, Judy. I want to stay beside you, with you. Kung gusto mo akong saktan para lang makabawi sa guilt na nadarama ko ngayon ay nakahanda ako. Just don't send me away. At kailangan ko ng paliwanag..."

"Iwan mo ako, Luis. Gusto kong mag-isip, matulog magpahinga nang nag-iisa. Hindi kita sinisisi. Basta iwan mo lang ako ngayon, please..." Hindi niya gustong umiyak sa harap nito at gusto nang sumabog ng dibdib niya. "Judy..."

"Please..."

Mabigat ang katawang muling isinuot ni Luis ang nagkalat na mga kasuotan sa sahig. Hindi nito gustong iwan si Judy pero kailangan marahil na pareho silang mag-isip. Lalong higit ay ito.

Sa loob ng maraming taon ay ikabaliw nito halos ang mga sinabi ni Dorina tungkol kay Judy. Tahimik itong lumabas ng silid at maingat na isinarang muli ang pinto.

All right, napatunayan ni Luis na maling lahat ang mga akusasyon nito sa kanya. Pero paano ngayon?

Gusto siyang pakasalan nito dahil kay Anna. At ngayon ay lalo pang nagkaroon ng dahilan ang binata para tuluyan na nga siyang pakasalan — dahil sa guilt. Dahil napatunayan nitong maling lahat ang mga akala at bintang sa kanya.

At higit kailanman ay ngayon siya hindi makata- tangging pakasal dito. Hindi bayolenteng tao si Luis at iisipin nitong ang ginawa sa kanya ay para na ring rape. At hindi matatanggap ng pride ng binata iyon.

Ganoon Kita Kamahal COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon