Chapter 15

1.4K 72 1
                                        

Yung alam mo na sobrang sakit na kaya ang ginawa mo lumayo sa kanya. Well that's the thing that we do. Sobrang sakit na kasi eh so better walk out and stay away. Lol pwede na kaming makatanggap ng walk-out king and queen award dahil sa ginawa naming yun kanina. Iba talaga pala pag kami masaktan no?

Naka tayo ako ngayon sa tabi ng bench dito sa garden. Dito kasi ako dinala ng walk out king niyong si Mr Epal my partner

Nakaupo siya sa bench habang naka cross arms seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa kawalan parang tangang nakatulala. Tsk. Tsk iba rin!

"Grabe di ko talaga alam kong Ano ang gagawin ko dun kanina" aniya ko sabay hinga pa ng malalim. Putekk para akong kinapos ng hangin dun eh di ako halos maka hinga dahil sa pag pipigil.

Nakakaba yung presensya nila pero syempre mas nangingibabaw parin yung sakit.

"At buti nalang dumating ako" sagot ni Arris like a proud man.

Oh Edi proud na siya nun? Eh kung tutuusin mas pinalala lang niya ang sitwasyon. Sino ba kasing tanga ang biglang susulpot dun para lang mag drama. Urgh

But anyway nakatulong naman siya. In fact he is the reason kung bakit ako nakalayo dun eh buti nalang talaga at umepal tong kugtong nato. Kung Hindi. Edi siguro stuck pa ako dun

Pero di ako mag papasalamat sa epal nato may atraso pa to sa akin eh

And speaking of kasalanan

Naningkit ang matang tiningnan ko si Mr Epal atsaka malakas siya na sinipa sa bandang hita

Ang kugtong na to.

"Ouch what was that for?" Reklamo nito sa akin at hinimas Yung hita niya na natamaan ng sipa ko

"What was that for? That's for kissing me you jerk" galit kong sigaw dito.

Nakita ko naman ang pag ka tigil niya tapos tumitig sa akin...

Para bang may narealize siyang isang bagay..

Bigla siyang ngumiti, isang nakalalokong ngiti. Mali ako sa part na inisip kong may narealize siya. Argh nakaisip lang to ng kalokohan.

"Ah the kiss" he said habang naka ngiti parin ng nakakaloko. Mas lalo namang sumuklab yung inis ko sa kanya sabi ko nga ba eh. Walang matinong pag iisip to. Bakit pa ba ako umasa na tumino to?

Himala na siguro Yun.

This man is a stealer he steal a kiss from me walang hiya siya

"I like your side lips it's so soft I wonder if your lips is soft also parang gusto ko tuloyng tikman" he said at mas lumawak pa ang ngisi

Habang ako naman sobrang sama na Yung tingin sa kanya kung nakakamatay lang talaga ang tingin malamang pinag lalamayan na tong isang to!

"Walang hiya ka epal" I hissed because of so much irritation.

Nilapitan ko siya at pinag susuntok panay naman ang salag niya sa pag atake ko at take note tumatawa pa siya habang ginagawa yun parang sobrang saya niya habang sinusuntok ko siya

Mas lalo tuloy akong nairita

Ah this man never really fail to irritates me. Halos araw-araw na yun walang palya  except lang for two one week na bigla siyang nag iba, kasi broken at ngayon Ito na ulit siya nag babalik nanaman ang epal plus mapang asar na Arris niyo. sarap niyang ipa salvage para nanahimik na tong buhay ko

Matapos ang ilang minutong suntukan ay naupo ako sa tabi niya habang hinihingal. Sa dami ng suntok na pinaka walan ko isa lang ang tumama sa kanya sa balikat pa. Argh not enough.

MY BOYISH FIANCEWhere stories live. Discover now