Chapter 22

1.4K 88 3
                                        


Di ko kinibo si Mr Epal buong byahe, iwan basta naiinis ako sa kanya animal siya, isa siyang dakilang paasa at ako naman tong tanga nag assume.

Bakit ba kasi kailangan ko pang maramdaman to? Kabanas naman eh!

"Malayo pa ba?" Malamig kong tanong

"Almost there" he answer

"Im bored" bulong ko

"Buksan mo nalang ang stereo" sabi niya

Hindi na ako nag salita, tahimik kong kinapa ang button ng stereo at agad na tumugtog doon ang isang pamilyar na kanta

" Mahirap talaga maging T-A-N-G-A"

ANAK NG, NANANADYA BA TO?

Inis na pinindot ko ang next button

"Can't you see that im the one who understand you...been here all along so why can't you see...you belong with me..."

"You belong with me" sabay na kanta namin ni Arris kaya napatingin ako sa kanya. nagulat pa ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin Nagtama ang mata namin, ilang Segundo din kaming nag titigan pero ako ang unang nag bawi ng tingin.

Di ko siya kayang titigan, ang intense ng titig niya para akong nang hihina, di ko kaya.

Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sa labas

"We're here" Arris announce at ipinarke ang sasakyan.

Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at dali-daling bumaba sa sasakyan.

Sumabog ang nakalugay kong buhok sa aking mukha dahil sa hangin na sumalubong sa akin.

Inilibot ko ang paningin sa buong lugar, isa iyong mapatag na kalupaan.  Marami rin ang tao na nandito, yung iba ay nag Latag ng blanket sa damuhan habang kumakain.

Yung iba naman nag papalipad ng saranggula at ang iba nag k-kwentuhan lang, mukhang masaya naman dito.

"Anong ginagawa natin dito?" Nilingon ko si Arris

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may dala na siyang isang basket ng pagkain at isang kulay checkered blanket

"Mag pipicnic" he answered, tumango na lamang ako

Nilagpasan niya ako kaya sumunod ako sa kanya. Bumaling siya sa akin

"Paki hawak" ibinigay niya sa akin ang basket na may lamang pag kain, agad kong tinanggap yun

Nilatag ni Arris ang checkered blanket sa damuhan, inayos ayos niya pa ang gusot don. Kala naman niya di namin gugusutin yun mamaya tsk sayang lang ang effort ni parekoy

"Hali kana" he turned to me and give me a smile

Saglit pa akong natulala sa ngiti niya, holy cow ang pangit, charot gwapo siya, cool! Ugh ang nakabawas lang talaga sa pogi points niya is, may mahal siyang iba

Lumapit ako sa kanya at umupo din sa blanket na nakalatag, inilapag ko sa harap namin ang basket. Umayos ako ng upo at nag Indian seat, si Arris naman ay naka stretch lang ang dalawa niyang binti habang ang dalawa niyang kamay ay nakatukod sa likod niya para suportahan ang bigat niya

"Ang ganda dito" nakangiti pang sabi ko

Natutuwa kasi ako dito eh , super relaxing at fresh ng hangin. Nababawasan ang stress ko.

"Yeah" he answered habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin

Biglang nangunot ang noo at yung puso ko syempre di yan mawawalan ng reaksyon ito pang puso ko? Baliw to eh

MY BOYISH FIANCEWhere stories live. Discover now