Arris PovDi ako makapaniwalang darating ang araw nato, ang araw na pinaka pangarap ko. Ang maisayaw ang babaeng mahal ko sa 18th birthday niya.
Medyo oa, pero pangarap ko talaga to, to be her last and forever dance.
"You're so beautiful tonight baby" bulong ko kay Ayesha habang ang mga kamay ko ay mahigpit na nakayakap sa bewang niya
Umiling-iling lang siya habang nakangiti
"Wala kang pinag Bago bolero ka!" Saad niya na nag pangiti sa akin
Totoo naman ang sinabi ko sobrang Ganda niya talaga, she was wearing a royal blue ball gown, maraming diamond ang naka design sa tila nito, kumikinang pa yun pag natatamaan ng light. Pero mas nag stand out ang beauty ni Ayesha sa paningin ko, mas makinang pa siya keysa sa mga diamante.
She serves as my light when I'm in the darkness, she become my crying shoulder when I'm weak, she accept me for who I am. And that makes me love her more, though medyo battered boyfriend ang peg ko sa kanya pero ok lang, ang importante sa akin siya, mahal niya ako at mahal na mahal ko siya. Kahit saktan niya pa ako ng paulit-ulit basta may kapalit na kiss syempre. Wala ng libre sa panahon ngayon no!
"Bukas na pala ang kasal natin, i can't wait to call you wife, excited na ako" bulong ko
Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Ayesha sa akin
"So am I" she whispered kaya napangiti ako
Napag usapan namin ng magulang niya na isasagawa ang kasal namin matapos ang 18th birthday ni Ayesha and I can't wait to get married towards her kaya pinakiusapan ko si Tito na pag katapos mismo ng birthday ni Ayesha ay gusto ko ng makasal sa kanya.
Alam kong mga bata pa kami, but so what? Sure na ako kay Ayesha mahal na mahal ko siya. Ayaw kong patagalin pa to.
I was never been so sure in my life like this, sure na sure na ako sa disisyon ko, gusto ng itali si Ayesha sa akin, kasi natatakot ako na baka agawin siya ng maiba, naku mahirap na!
"I can't wait to change your name babe, Ayesha Laurel Montefalco, oh diba bagay na bagay tapos ang ganda ganda pa" natutuwa kong sabi
Tumawa lamang siya ihinilig ang noo sa balikat ko.
"I love you" she whispered
Shit kakilig
"I love you too, so much babe" i kiss her head
Ah, wala na akong mahihiling sa buhay ko, napaka buti talaga ng Dios, what did I do to deserve her? Sa pag kakalaam ko ay napaka makasalanan ko, pero mahal talaga ako ng Dios, He give me a woman that will love me and accept me.
___
"Pre kumalma ka nga para kang tanga" bigla akong sinapak ni Jarvis sa balikat, I immediately glare at him.
Namamawis ang noo ko dahil sa sobrang kaba.
Pusa! Di ko akalain na ganito pala ka-nakakaba ang mag hintay sa mapapangasawa mo.
"Palibhasa di mo feel ang feel ko" asik ko
Tumawa lamang siya "feel kita pre, mahal ko si Ayesha, at syempre kagaya mo kakabahan din ako habang nag hihintay sa kanya dito sa altar. Mahal ko eh" sabi nito
Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.
Pambihira, harap harapan ba dawng sabihin sa akin na mahal niya ang fiancee ko
"Back off pre, back off ikakasal na siya sa akin"
Jarvis just shrugged "so what, it's just a marriage, kaya ko parin siyang kunin sayo"

YOU ARE READING
MY BOYISH FIANCE
Acakpaano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gain love?? that's a big "?" so let's just read this for us to know their story