Pabalik balik akong nag lalakad ngayon sa sala namin habang kagat kagat ang aking koko at ilang beses na denial ang numero ni Arris. Kanina pa siya nawawala at di ko alam kung saan nag punta yun. Pag katapos kasi naming mag usap about sa deal namin ay umakyat ako sa kwarto para maligo ngunit pag balik ko sa sala kung saan ko siya iniwan ay wala na siya dun.
Kanina ko pa siya tinatawagan pero palaging 'cannot be reach'
Inis kong binato yung phone ko sa couch Saka malakas na nag buntong hiningi "asan naba kasi yung epal na yun" inis kong sabi sa sarili ko.
Hanep din yung epal na yun eh bigla bigla nalang sumusulpot tapos bigla bigla nalang nawawala. Hah! Kung di ko lang talaga nakasama yun ng ilang buwan baka iisipin kong bampira siya.
"Ang epal na yun" inis na inis kong sambit tsaka umupo sa couch.
I sighed again. Where the heck in the earth did epal go? Kanina pa ako nag iisip kung pano siya hahanapin and until now I'm still freaking clueless ang hirap din kasing basahin ng lalaking yun. All I know about him is he is playful and he loves to bluff around yun lang ni di ko nga alam kung Anong hilig niya o kung Anong lugar ang gusto niyang puntahan. Kabanas naman to!
Ngayon ko lang talaga na-realize na misteryuso din pala yung epal na yun. Tinatago niya yung totoong katauhan niya sa pagiging mapanglaro at mapang asar niyang pag uugali!
Nasa kalagitnaan ako sa pag iisip kung saan hahanapin si Mr epal ng bigla nalang nag ring ang cellphone ko Napaiktad ako dahil sa gulat pero mabilis din akong kumilos. Agad kong kinuha ang cellphone ko na nakalapag sa couch at mabilis na tiningnan kung sino ang caller at ng makita kong si Mr Epal yun ay mabilis ko itong sinagot.
Handa na akong pagalitan siya ng marinig kong hindi si Mr Epal ang nasa linya. Boses lalaki yun but im 100 percent sure that its not mr epal sa tagal ba naman naming nag sama, memorize ko na din yung boses niya.
"Hello si Ms Ayesha ba to?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya
I cleared my throat before answering "oh ako nga to bakit?" Marahan kong sagot
"Ah gusto ko lang pong ipaalam ma'am na andito po sa bar si Mr Montefalco lasing na po at bahagya na pong nanggugulo"
Agad nanlaki ang mata ko sa narinig
Si Mr Epal nasa bar?
"Saang bar ba yan kuya?"
Agad namang sinabi sa akin Nung lalaki ang address pati na rin yung pangalan ng bar
Nasa Evolution Bar pala siya.
Tsk ang epal na yun!
Agad akong kumilos matapos yung tawag agad kong dinampot ang susi ng cotse ko at tinakbo ko na ang parking lot tsaka mabilis na pinatunog ang cotse.
Mabilis ang naging takbo ng sasakyan ko papunta sa Evolution Bar, ang sabi Nung lalaking tumawag sa akin ay lasing na lasing daw si Mr Epal at nag wawala na.
Depusang gala din ang lalaking yun kanina ko pa yun hinahanap tapos nag Babar lang pala. Humanda talaga siya sa akin.
Kakaratehin ko talaga siya!
Mabilis kong ipinarke ang sasakyan ko ng makarating na sa naturang bar. Mabilis ang mga kilos ko feeling ko nag adrenaline rush pa ako dahil sa bilis talaga ng mga galaw ko.
Pumasok ako sa bar at nakita ko ngang nag kakagulo na nga sa loob nun and then from the entrance I saw Arris holding a wooden chair nakataas yun sa ere mukhang may balak siyang ibagsak yun sa sahig para wasakin. Kita kong maraming lalaki ang nakapalibot sa kanya para umawat pero mukhang matindi ata ang kalasingan ni Arris at ni isa sa kanila ay walang nakapigil.

YOU ARE READING
MY BOYISH FIANCE
Ngẫu nhiênpaano kung ang isang tomboy ay ipag kasundong ipa kasal sa isang lalaki na unang kita pa nga lang nila ay palagi na syang inaasar could they can gain love?? that's a big "?" so let's just read this for us to know their story