Chapter 3

5.4K 276 129
                                    

"SCROLL -" natigilan si Alt nang makita ang natutulog na si Scroll sa tabi niya. Nasa basement parking lot na sila ng condominium building kung saan ito nakatira. He sighed and scratch his forehead. Ano pa bang magagawa niya? "Nagpaka-hero ka Alt kaya sige na, tapusin mo na lang."

Lumabas siya ng kotse at binuksan ang pinto sa gawi ni Scroll. Hinubad niya ang sling bag na nakasukbit sa katawan nito at ikinuwentas 'yon sa leeg pagkatapos ma-i-check na nandoon nga ang susi ng unit nito. Kinarga niya ito sa likod para lang mapangiwi. Ang bigat ng babaeng 'to! Damn it!

Iniyakap niya ang mga braso nito sa leeg niya and carried her securely on his back. Sumakay sila sa basement elevator at pinindot ang floor level kung saan ang unit nito. Nasa ground floor pa lang sila nang bumukas ang elevator at pumasok ang isang matandang babae na iba kung makatingin sa kanila. Hindi niya lang alam kung bakit gising pa ang matanda sa ganoong oras. It was already past 1 am on his watch.

Hindi lang sana siya mag-ri-react but the old woman was sort of giving him the skeptical look. Isama pang hindi nagawang takpan ang legs ni Scroll na ngayon ay hawak niya. In his mind, iniisip siguro nito na kinidnap niya si Scroll at gagawan ng masama. If he could defend himself without being too defensive, sasabihin niyang, mas gagawan pa siya ng masama ni Scroll.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. Gumalaw naman si Scroll mula sa likod niya. Humigpit ang yakap nito sa leeg niya. He almost choke out kung hindi lang niya marahas na inalis ang mga kamay nito. Umungol ito pagkatapos.

"Walangya ka talaga..." she murmured. "Ayoko na... a-ayoko na... sa'yo."

At the corner of his eyes, he saw the old woman's grim expression. Binuksan nito ang itim na handbag nito at pasimpleng kinuha ang cell phone nito.

"Sinabi ko nang huwag maglasing, pero 'di ka pa rin nakinig," aniya, in an annoyed, low tone voice, enough for the old woman to hear. Natigilan din ang matanda. He continued, "sa susunod hindi na talaga kita papayagang sumama sa mga kaibigan mo. Kung ano-ano lang ginagawa n'yo. Hindi mo na naaalagaan ang mga anak natin."

Tumunog ang bell at bumukas ang pinto ng elevator. 'Yon na ang palapag ng unit ni Scroll. Finally! Lumabas siya ng elevator at dire-diretsong hinanap ang unit number nito. Kinuha niya ang susi sa bag at ipinasok 'yon sa keyhole. He has no idea what her pass code is.

Binati sila ng kadiliman pagpasok nila. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa pader. Kumunot ang noo niya nang bumungad sa kanya ang magulong sala nito nang buksan niya ang ilaw.

What a mess!

Madaming nakakalat na damit at sapatos sa sofa at sahig. The kitchen is just adjacent to the living room at nakikita niya ang hindi pa nahuhugasang pinggan at mga baso. Sumasakit talaga ang ulo niya sa maduduming paligid.

"Alam mo sa tingin ko Scroll, hindi ka pa handang mag-asawa. Ako ang naawa sa asawa mo."

Inayos niya ang pagkakakarga niya rito at tinungo ang isa sa dalawang pinto na nandoon. Sa hula niya ay 'yon ang silid nito, base na rin sa nakalagay sa pinto nitong malaking pangalan nito.

Maingat na inihiga niya ito sa kama nito at kinumutan. Naupo siya sa gilid ng kama, agad niyang napansin ang family picture nito sa itaas ng bedside table. Inabot niya 'yon at tinignan.

"Kamukha mo pala ang Mama mo," aniya, sabay tingin dito. May dalawa pa itong kapatid. Isang lalaki at isang babae na mas bata rito. Lahat ay may malaking ngiti. He couldn't help his smile. "A happy family," komento niya.

Ibinalik niya ang picture frame sa miseta. Tumayo at iniwang nakabukas ang lampshade saka niya pinatay ang ilaw ng silid nito.

Bukas na niya ito sesermonan.



SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon