"UNDER investigation na si Lewis," imporma ni Peter. "He's under the custody of the police and Lark has been coordinating with the embassy. Malinaw na malinaw sa video footage ang paglagay niya ng kung ano sa inumin mo. Naipasa na 'yon as evidence. Aside from that, may na recover din silang mga hidden cameras sa loob ng inupahan nitong kotse."
Bigla siyang kinabahan. "May mga videos?"
"Yes, they recovered videos, hindi lang namin sigurado kung ikaw 'yon o ibang babae pero sa tingin ko, hindi lang ikaw ang kinatagpo ni Lewis dito sa Pilipinas."
Nakagat niya ang ibabang labi. Pag-angat niya ng tingin sa mukha ni Alt ay seryoso rin ang ekpresyon ng mukha nito sa tabi niya.
"Unfortunately Scroll," naibaling niya ulit ang tingin kay Peter, "mukhang may nailagay na camera sa loob ng unit mo." Nanlaki ang mga mata niya. Lalong kumunot ang noo niya. "Kasama sa mga na recover na videos ay kuha sa banyo at kwarto mo."
"How was that even possible?" tanong na ni Alt, bahagyang nakataas ang boses. Nahimigan niya sa boses nito ang galit.
"We're still checking kung paano nalagyan ng mga hidden cameras ang unit ni Scroll. Sa tingin ko rin kasi, inside job ang nangyari, maaring may binayaran si Lewis para pasukin ang unit at ilagay 'yon sa loob."
"'Yong videos..." Ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya. Nagbabanta ang mga luhang gustong kumawala mula sa mga mata niya. Ilang beses niyang nakagat ang likod ng mga daliri niya. "Nakita... n-nakita ba lahat?"
Literal yata na nahulog ang puso niya nang tumango si Peter. Nang kumurap siya sumama ang mga luha niya. Humugot siya nang malalim na hininga. Nakakainis! Gusto niyang suntukin si Lewis. Gusto niyang murahin ang lalaki. Paano nito nagawa 'yon sa kanya?
Alt gently rubbed his hand on her back.
"Will the videos be safe?" tanong nito kay Peter. "I want to make sure na hindi kakalat ang mga videos na 'yon online."
"Don't worry, I'll make sure no videos of Scroll will be uploaded online. I'll check every website."
"Thank you, Peter. Please, do."
RAMDAM niya ang pamimigat ng mga mata. Kanina pa siya umiiyak. Hindi na siya lumabas ng silid niya. Wala rin siyang ganang kumain. Naiinis siya kay Lewis. Naiinis din siya sa sarili niya. Hindi pala sapat 'yong kahit taon mo pang kinilala ang isang tao, hindi pa rin pala nun masisigurado kung mabait ito o hindi.
Masyado siyang naging kampante. Hayan tuloy, nagkandiletsi-letsi ang buhay niya. Ano na Scroll? Okay ka pa?
Niyakap niyang muli ang unan at umiyak.
"Bwesit! Bwesit talaga!" inis na iyak niya sa unan.
"Scroll?" boses 'yon ni Alt. Kumatok ito sa pinto. "I know you're not okay, but please, kumain ka na."
"Busog pa ako."
"Hindi nakakabusog ang pagkukulong sa kwarto. Wala akong ref nilagay riyan."
"Mamaya na."
"Open the door, please."
Humugot siya nang malalim na hininga bago pinilit ang sarili na bumangon. Yumuko siya para pagbuksan ito ng pinto. Agad na sumilip ang ulo nito. Madilim ang buong attic maliban sa iniwan niyang nakabukas na lampshade. Madilim na rin sa labas dahil gabi na.
"Ano bang gusto mong gawin ko para kumain ka na?" mahinahong tanong nito. "Gusto mo bang ipa-shoot-to-kill ko na lang si Lewis?"
Sakabila ng namamaga niyang mga mata ay nagawa pa rin niyang matawa nang kaonti.
BINABASA MO ANG
SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETE
RomanceNaniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang freenemy niyang si Direk Alt Flores ay lagi siyang inaasar at sinisita sa pakikibaka niya sa mga ideal...