DIRECTOR'S CUT EP 4

3.4K 226 245
                                    

LET'S SUFFER TOGETHER

I don't really hate it.

Sa totoo lang, I don't mind Crosoft's annoying shipping of me and Scroll. Hindi sa gusto ko o gusto ko si Scroll. Ayoko lang siyang gawing big issue. Mapapagod lang din naman ang lokong 'yon. Doon lang ako na-a-annoy kapag nakikita kong hindi apektado si Scroll sa pambubugaw na ginagawa ng boss niya sa kanya. I hate that disgust look on her face.

Ganoon ba ako ka pangit?

Am I not likeable enough?

Mabait naman ako. Mataas ang pasensiya. I get it, naiinis siya sa'kin. Well, it's normal. I feel the same way. At ewan ko ba naman kung bakit in-e-stress ko ang sarili sa isang babaeng walang pakiramdam?

At tang ina, bakit ba ako naiinis?

"Direk?"

"What?!" marahas na baling ko kay Sam.

Lumayo ito nang bahagya sa akin. Bumaba ang tingin nito sa hawak kong styrofoam cup. Sirang-sirang na 'yon mula sa pagkakahigpit ng hawak ko.

"D-Direk, ok lang po ba kayo?"

Itinapon ko ang cup sa trash can sa ilalim ng mesa. "I'm okay," kalmado ko nang sagot sa pagkakataon na 'yon. "Ano 'yon Sam?"

"Direk, late na naman po si Crosoft."

"Late na naman?"

"Opo, direk, na traffic daw."

"Araw-araw naman traffic sa 'sang 'yon." Iniangat ko ang tingin sa lahat ng screens sa harap. Malapit nang magsimula ang show at late na naman ang walangya. Humalukipkip ako at tinignan ang oras sa wristwatch. "Divya and Marco's exposure time will be after the first break. If Crosoft isn't here yet, let Cache take over."

Ibinalik ko ang tingin sa mga screens.

"Yes, direk."

Tsk, pareho lang talaga kayo ni Scroll. Binibigyan n'yo ako ng problema sa buhay.

Hindi pa naman regular sa show si Crosoft. Ito muna ang kapalit ni Lyanne dahil nag maternity leave muna ito. One time, nag-guest si Crosoft and the ratings was unusually high. Mataas naman ang ratings ng show compared sa noontime show sa kabila. Mas tumaas lang kapag nag-gi-guest si Crosoft.

Well, of course, that guy is a natural charmer. Nag-asawa na't lahat. Hindi pa rin nawala ang paghanga ng mga tao rito. Sooner or later, alam kong magiging regular na rin ito sa show ko. Hinihintay ko na lang ang desisyon ng management.

Nahilot ko ang sentido.

Pero bakit ba lagi kang late Crosoft D'Cruze?





Iaabot ko na sana ang bayad kay Mel nang may kamay na naunang umabot ng pera rito. Naibaling ko ang tingin sa may-ari ng kamay na 'yon. I was shock to see Scroll.

"My treat," sabi niya.

"Mamamatay ka na ba?" sa halip ay balik tanong ko.

Bipolar 'tong babaeng 'to. Hindi namamansin. Pero bigla-bigla ring nagiging mabait sa'kin. Minsan gusto kong buksan ang bungo niya para makita ko kung ano ba talagang utak ang meron kay Scroll.

"Wala lang, gusto ko lang mag-aksaya ng pera," may ngiting sagot nito.

Himala walang kasamang nguso at tirik ng mata. Magdikit lang kaming dalawa tataas yata dugo ni Scroll sa akin. Ako ang number one cause of her high blood pressure.

"Mag-amo talaga kayo." Kinuha ko ang order kong chocolate drink sa counter. "Thanks." Iniwan ko na siya.

"'Yon lang 'yon?" Umagapay siya sa'kin. "Iiwan mo lang ako nang ganoon."

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon