"AALIS KA NA?"
Umangat ang tingin ni Scroll kay Alt. Nasa huling dalawang baitang na siya ng hagdan. Pilit ibinababa ang malaki niyang maleta.
Nakatayo ito sa ibaba ng hagdanan. Mukhang galing itong kusina dahil may dala itong baso ng tubig.
He's in his usual home clothes. Plain gray shirt and black cargo shorts.
Alt look anxious and troubled with that stern face he was giving her. Tila hindi nito gusto ang nakikita.
"A-Ano -"
"You will leave me just like that?"
"Kasi nga -"
"I'm disappointed, Scroll."
Bigla na lang siya nitong tinalikuran. Ay grabe! Kung patapusin nga kaya siya nito bago siya nito walk-out-an. Iniwan niya ang maleta at sinundan si Alt sa direksyon ng dining room.
Hinawakan niya ito sa kaliwang balikat para pahitin paharap sa kanya.
"Sino ba may sabi sa'yo na aalis ako?"
Ibinaling nito ang tingin sa maleta niya. "I can see it, Emari Scroll."
Even in the tone of his voice parang extreme talaga ang disappointment nito sa kanya.
Ang sakit nang pakinggan ng Emari Scroll. Para siyang tinatawag ng nanay niya para sermonan.
"If you want to leave, then fine with me. You're welcome."
Napahawak siya sa kanyang baywang. Hindi siya naiinis. Natatawa siya sa reaksyon ni Alt but she did her best not to laugh. Napapangiti na siya sa isip.
He clearly don't want her to leave. Actually, na touch siya sa discreet action na 'yon.
"Bawal ba maglaba rito?"
Kumunot ang noo nito. This time, she could no longer suppress her laugh.
"Maglalaba?" ulit nito.
"Maglalaba ako." Itunuro niya ang maleta. "Lalabhan ko lahat nang nasa loob ng maleta na 'yan. Hindi ako aalis. Maglalaba lang ako. Kaloka ka!"
"I - I thought ... " His face softened. She saw relief on his face even if he was not smiling. "E bakit naka maleta ka pang maglalaba?"
"Takot kang mawala ako?"
Bumalik ang blankong expression ng mukha nito.
"Ayoko lang ng mga taong umaalis na hindi nagpapaalam. It's annoying."
"So ayaw mo muna akong umalis sa bahay mo? I can stay here?"
"Nasa sa'yo 'yon."
"You're not annoyed with me?"
"At least may nagbabantay ng bahay ko."
Tinalikuran siya nito at naglakad sa direksyon ng sala. Naupo ito sa sofa at inilapag ang baso ng tubig sa glass table sa harap. Hawak na nito ang remote ng tv.
Sumunod siya rito at naupo sa tabi nito.
Nakatutok ang mga mata nito sa telebisyon. He's switching channels every 3 to 5 seconds lalo na kapag 'di nito nagugustuhan ang palabas.
"Alt, tutal, okay na ang lahat, wala na ring pagbabanta sa buhay ko. Baka, dapat na rin siguro akong umalis sa bahay -"
"I won't stop you if that's what you want."
"Maghahanap pa ako ng bagong malilipatan."
"Okay."
May mood swings ba ang lalaking 'to?
BINABASA MO ANG
SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETE
RomanceNaniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang freenemy niyang si Direk Alt Flores ay lagi siyang inaasar at sinisita sa pakikibaka niya sa mga ideal...