LOVESICK
Uminom muna ako ng gamot.
Kanina pa masama ang pakiramdam ko. I woke up feeling under the weather. Still, I insisted to go to work. Inisip ko kanina na mawawala rin 'to kapag uminom ako ng paracetamol. I feel better for awhile pero mukhang hindi lang simpleng sakit sa katawan ang meron ako ngayon.
Nabigla ako nang biglang may sumalat sa noo ko.
"Mainit ka." Napatitig ako sa mukha ni Scroll. "Bakit pumasok ka pa e may lagnat ka pala?"
Dahan-dahan ko lang na inalis ang kamay niya. "I'm fine." Naipikit ko ang mga mata nang bahagyang maramdaman kong umikot ang paligid. Napahawak ako sa mesa. "Damn," I cursed under my breath.
"You're not fine." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinaupo sa silya sa likod ko. "Have a rest. Huwag mong pilitin kung 'di naman pala kaya."
"Himala, mabait ka sa'kin."
And she noticed.
"Napansin ko lang wala ka sa mood at ang tahimik mo. Tapos kapag naglalakad ka parang matutumba ka na."
"You're watching me?"
"Hindi sa tinitignan kita pero na ba-bother lang ako. Dapat kasi iinisin kita ngayon pero mukhang bad timing dahil mukhang mamamatay ka na."
I scoff. "Ewan ko sa'yo."
Pero bakit lihim akong natutuwa na napansin ako ni Scroll ngayon? Pati yata utak ko may lagnat. I took a deep breath and let out a heavy sigh. Mabigat talaga ang pakiramdam ko. Now I'm not sure if I can still drive.
"Malayo ba bahay n'yo?"
"Bakit?"
"Ihahatid na kita."
Namilog ang mga mata ko. Seryoso ba 'tong babaeng 'to? Mukhang sa aming dalawa mas may lagnat yata 'tong si Scroll kaysa sa akin.
"Scroll, kung gagawin mo lang 'to para i-date ko 'yong kaibigan mo. My answer is still no."
"Sino si Bell? Hindi ah. 'Yong chaka na 'yon. I cut ties with her."
"Then what's with the concern?"
"Masama bang tulungan kita?"
"Masyado kang mabait sa'kin ngayon. Kinakabahan ako sa'yo."
Natawa ito. "Baliw! Hindi ba pwedeng may day off din tayo? Alam ko sa susunod na araw mag-aaway na naman tayo pero pagod akong makipag-inisan sa'yo at may lagnat ka pa. I decided to be good to you muna."
Tumayo na ako. "It's okay. I can take care of myself." Tinalikuran ko na siya.
"You obviously can't take care of yourself." Natigilan ako. "Sino mag-aalaga sa'yo? Wala ka namang girlfriend. Skip is not here."
Nilingon ko siya. "Ako lang ba? O nag-vo-volunteer kang alagaan ako?"
Matamis na ngumiti ito. Sumikdo naman nang malakas ang tibok ng puso ko. I don't know why it affected me so much. Siguro dahil 'yon ang unang pagkakataon na may gustong mag-alaga sa'kin. I never expected it from her.
Lumapit ito at inilahad ang isang kamay sa'kin. "Give me your keys. Ako na magda-drive."
"S-Sure ka ba talaga?"
"Oo nga, sabi. Ang kulit e." Nagulat ako nang biglang bumaba ang mga kamay nito para kapain ang lahat ng bulsa ng pantalon ko. Napalunok ako. Shit!
"S-Scroll!" awat ko sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilangbalikat at bahagyang inilayo sa'kin. Mas magkakasakit yata ako sa ginagawa nito. "You can't just do that."
BINABASA MO ANG
SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETE
RomanceNaniniwala si Emari Scroll Catapang na ang true love ay makikita lamang niya sa mga AFAM. Kaya swipe right siya sa lahat ng dating site. Pero ang freenemy niyang si Direk Alt Flores ay lagi siyang inaasar at sinisita sa pakikibaka niya sa mga ideal...