Chapter 25

5.4K 291 180
                                    

NAGULAT ang pamilya niya nang umuwi siya ng Boljoon na walang dalang gamit. After that night, she stayed in her office. She booked the earliest flight the next day. Nagpalit siya ng simcard para walang tumawag sa kanya. Even to Link, hindi niya ibinigay ang number niya dahil alam niyang pupuntahan ito ni Alt o 'di kaya ni Crosoft.

Nagpalit nga siya ng number pero sauludo niya naman ang numero nito.

Sighs.

She's giving herself a week. After that, kakausapin niya si Alt. She felt bad for what she did to him. Out of all the people, siya na pinagkatiwalaan nito sa lahat ay siya rin pa lang tatalikod ulit dito. Sa ginawa niya, wala rin siyang pinagkaiba sa mga taong pinagtabuyan ito palayo.

Sumakit bigla ang sentido niya.

"Baliw ka talaga, Emari Scroll!" Pinanggigilan niyang masahiin ang sentido. "Baliw! Gaga! Argh! Nakakainis!" Marahas na bumuga siya ng hangin. Iningat niya ang mukha sa harap. Gusto niya ulit maiyak. Pero magang-maga na ang mga mata niya kaiiyak tuwing gabi. "Maging single ka na lang forever! Karma mo 'yan."

Bumuntonghininga ulit siya.

Tiniklop niya ang mga binti at niyakap ang mga 'yon. Simula nang umuwi siya noong isang araw, hindi rin siya madalas lumalabas ng bahay. Hindi rin siya sumasabay sa pamilya niyang kumain. She doesn't have the appetite to eat. Kapag alas kwatro ng hapon, nagba-bike siya papunta sa plaza at tumatambay roon para panoorin ang paglubog ng araw. Gustong-gusto niya ang tunog ng alon at mabining hangin na tumatama sa kanyang mukha. Kahit papaano, nababawasan ang lungkot niya.

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang katok mula sa pinto.

"Scroll, anak," boses 'yon ni Mama. Naibaling niya ang tingin sa direksyon ng pinto. "Pwede ba akong pumasok?"

"Sige po, Ma. Bukas 'yan."

Maingat ang pagbukas nito sa pinto. May dala itong transparent bowl. Kahit sa malayo alam niya kung ano 'yon. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matutuwa. Seryoso talaga?

Lumapit ito at naupo sa gilid ng kama paharap sa kanya.

"Hindi mo maitatago sa amin ang problema mo," basag nito sa mahinahong boses. "Ilang beses nang tumatawag si Alt pero sabi ni Page huwag na raw muna naming sagutin. Tumawag si Link sa kapatid mo at 'yon ang inuutos sa kanila."

She could feel hot tears forming on both corners of her eyes. When was the last time she saw that same genuine care from her mother? Simula kasi nang tumanda siya. Naging independent siya sa lahat ng bagay. She had forgotten to spend quality time with her. May times pa na naiisip niyang mas favorite nito ang mga kapatid niya kaysa sa kanya. Mas madalas kasi siyang nasesermonan at napapalo nito.

"Anak, anong problema?"

Nagsimulang manikip ang dibdib niya. Bakit ba sa tuwing tinatanong tayo kung anong problema, mas madali ang umiyak kaysa ang magkwento?

"Ma –" her voice broke. Agad niyang naramdaman ang mga patak ng luha mula sa kanyang mga mata. Pero nagawa pa rin niyang ngumiti. "B-Bakit ba kayo ng slice ng pipino?" Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong bowl.

Kumunot lang ang noo nito. "Kailan ba nakakaiyak ang pipino?"

Sumisinghot-singhot na pinunasan niya ang mga mata. "Ma naman e."

"Emari Scroll, kinakausap kita nang matino, umayos ka."

"E bakit kasi nag-slice kayo ng pipino?!" inis niyang balik tanong.

"Para 'yan sa namamaga mong mata. Iyak ka nang iyak sa gabi, akala namin minumulto na ang bahay na 'to. Hindi ka naman nagsasalita. 'Yang ama mo, pupunta na ng Maynila para pagalitan si Alt."

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon