Chapter 10

5.2K 361 234
                                    

"DIREK!"

Nakahalukipkip na nilingon ni Alt ang tumawag sa kanya. Nakatayo mula sa hamba ng pinto ng director's booth si Lisa.

"Bakit?"

"May naghahanap po sa'yo sa labas. Delivery po para sa'yo."

Kumunot ang noo niya. Wala siyang inaasahan na delivery at wala rin naman siyang binili online. Kapag nagpapadala naman ang kapatid niya ay sinasabihan muna siya nito. Who sent him a package?

"Sige, pupuntahan ko. Salamat, Lisa." Ibinaling niya ang tingin kay Sam, isa sa apat niyang crew sa DB. Kakapasok pa lang ng mga commercials. He still have time. "Sam, ikaw muna rito."

"Sige po, direk."

Hinubad niya ang headphone na suot at tumayo mula sa kanyang swivel chair. "Na saan 'yong delivery man?" tanong niya kay Lisa. Umagapay ito ng lakad sa kanya.

"Pinapasok ko na po, hayon po." May itinuro ito sa harap.

Agad niyang namataan ang isang naka all black jacket na lalaki. May hawak itong box na nakasilid sa isang plastic na may mail express brand.

"Maiwan ko po muna kayo, Direk."

"Sige," tumango lang siya rito.

Iniwan siya ni Lisa at pumasok sa isa sa mga dressing room na nadaanan nila. Dumiretso naman siya sa naghihintay na delivery man.

"Magandang hapon po," bati niya sa lalaki. "May delivery po para sa'kin?"

"Good afternoon, din po sir." Tinignan nito ang pangalan sa parcel na hawak. "Kayo po ba si Alt Flores?"

"Opo, ako nga."

"Bali po, eight thousand po lahat."

"Ha?" Nanlaki ang mga mata niya. Anong eight thousand? "May bayarin ako?"

"Opo, order po from Mrs. Emari Scroll C. Flores." Kumunot ang noo niya. "Care of Alt Flores po kasi nakalagay. Naka cash on delivery po kasi ang product kaya po kailangang bayaran n'yo po muna."

Sumakit bigla ang sentido niya. Ano na naman kayang naisip ng isang 'yon at nagwawaldas na naman ng pera. Pasimple niyang nahilot ang sentido bago naglabas ng wallet.

"Eight thousand po, 'di ba?"

"Yes, sir."

Mabuti na lang talaga at may cash siya. Nag-withdraw siya kanina. Hindi niya alam kung bakit. Ngayon alam na niya, may ginagawa na naman palang kababalaghan 'tong si Scroll. Sakit talaga sa ulo. Madalas talaga, tama ang gut feeling ng tao.

Inabot niya ang walong libo sa lalaki. "Salamat po." Inabot nito sa kanya ang parcel.

"Salamat din."

Iniwan na siya nang nag-deliver. Bumuntonghininga siya. Dala-dala ang parcel ay naglakad siya pabalik ng director's booth. Nakasalubong naman niya si Crosoft sa hallway.

"Oy, Alt!" Bumaba ang tingin nito sa hawak niya. "Kanino 'yan? Birthday gift mo kay Scroll?"

"Birthday niya?"

"Hindi mo alam? Birthday niya bukas." Kumunot ang noo niya. Anong date ba bukas? "April 13, nakalimutan mo na?"

Huwag mong sabihing?


"HAPPY Birthday Scroll, love Alt," basa niya sa letter na kasama ng box. Napailing at bahagya siyang natawa. "Baliw."

Ngayon lang siya nakatagpo ng taong malakas ang trip sa buhay. Crosoft is one, pero kay Scroll, first-hand experience talaga. Um-order ito ng regalo para sa sarili nito at siya ang pinabayad. It was like, asking for a gift she always wanted pero alam nitong kapag iaasa nito 'yon sa ibang tao ay hindi rin iyon masusunod.

SWIPE HELP GONE WRONG - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon