GOODDAY GUYSSSSS!
CZERINE P.O.V.
Isinarado ko ang laptop ko ng matapos ang aking pinapanood. It's Meteor garden. Ang ganda ng kwento nila. Kahit na maraming mga pag subok ang dumating para sirain ang pagsasama nila ay sila pa rin hanggang sa huli. Ako kaya,kailan ko kaya mararanasan ang mainlove at masuklian din iyon? Yung parehas kayong haharap sa mundo. Sosulusyunan ang lahat ng pag subok ng magkasama.Magpapakatatag at magmamahalan hanggang sa huli.
Hayst! Ayoko na ngang isipin muna ang tungkol sa love na 'yan. Bahala na kung may dumating na lalaki para sa akin o walang dumating.
Ipinatong ko ang aking laptop sa table at tsaka nagdasal at natulog.
Kinabukasan ay bumangon ako ng maaga para maghanda sa pagpasok.Ito ang unang araw ng pagpasok ko sa senior high school. Medyo kinakabahan pa ako dahil wala akong kakilala sa bago kong school. Sabi ni Mama na doon daw na pasok yung childhood friend ko na si Jonathan.Umaasa ako na magiging kaklase ko sya para kahit papaano ay hindi ako magmukhang kawawa.
Lumabas na ako sa aking kwarto at nagpaalam kila mama na aalis na ako.Isang sakay lang naman ng jeep ay naandoon na ako sa school.
Habang nagaabang ng masasakyan ay may tumabing lalaki sa akin na mukhang inaantok pa at gusot gusot pa yung uniforn. Hinalungkat nya yung bag nya para kunin ang salamin nya.Nabasa ko sa logo ng uniform nya ang pangalang ng school ng papasukan ko.Ibig sabihin pareho lang kami ng pupuntahan.
May nakita akong paparating na jeep kaya pinara ko iyon.Puno na sa loob kaya doon ako sa unahan umupo dahil doon na lang ang bakante.
''Bayad po'' Abot ko sa driver.
Aandar na sana ang jeep ng parahin naman ng lalaking kasama kong nagaabang kanina.
''Saglit lang po manong, ako pa sasakay'' Tumingin sya sa loob at nakitang puno na doon kaya wala syang choice kundi sa tabi ko umupo.
Napatingin sya sa akin at naramdaman kong medyo nahiya sya kaya nginitian ko sya na ang pinahihiwatig ko ay ayos lang. Umiwas sya ng tingi at tsaka umupo sa tabi ko.
Iniabot nya yung bayad nya at umandar na ulit yung jeep.
Mga 15 minutes pa para makarating ako sa school.Tumingin ako sa katabi ko na ngayon ay tulog na. Ang bilis naman nyang natulog. Ano kayang ginawa nya kagabi?
Nataranta ako ng biglang dumikit ang ulo nya sa balikat ko. Hala!Anong gagawin ko?Tanong ko sa isip ko.
Gigisingin ko sana sya ng maisip na baka pakod lang sya at kailangan nya ng pahinga kaya hinayaan ko nalang sya.Nang matanaw ko na malapit na kami sa school ay tsaka ko lang napagdesisyunan na gisingin sya.
''Hmm'' I cleared my throat first. ''Excuse me'' Marahan ko syang niyugyog. Nung una ay nahirapan pa akong gisingi sya pero sa huli ay nagawa ko paring gisingin sya.
''Ah,Sorry'' Paumanhin naman nya.
''Kuya dito nalang po ako'' Bumaba na kami nung lalaki.
Pumunta muna ako sa office para kunin ang schedule ko.
JONATHAN P.O.V.
Nakakahiya kanina sa jeep napapatong pa yung ulo ko doon sa babaeng nakatabi ko. Sana hindi ko na sya makita.
Pag pasok ko sa classroom ay nakita ko ang mga kaklase ko na parang may mga sariling mundo.Kilala ko na sila dahil mga naging kaklase ko sila nung highschool pa lang ako. Nang mapadaan ako sa dalawang babaeng kaklase ko ay narinig ko ang pinag uusapan nila.
''Anong pangalan daw nung bago nating kaklase?''
''Ang pagkakaalam ko ay Czerine daw tapos hindi ko na matandaan ang surname nya''
Nanlaki ang mga mata ko. Pero imposibleng ang Czerine na kilala ko ay naandito na ngayon sa Pilipinas. Kung sya iyon bakit wala man lang akong nalaman na balita. Hindi naman siguro sya yun. Ayoko ding makita nya ako ng ganito ang sitwasyon. Miserable.
Maya maya lang ay may pumasok na matangkad na lalaki.Sya na siguro yung magiging prof namin. Kasunod naman nito ay ang isang babae na familiar sa akin.
''Good morning Class'' Bati nya sa amin. ''I will be your adviser for this year. Bago lang ako sa school na ito kaya i hope na magbe-behave kayo''
Sinabi nya sa amin ang pangalan nya at pwede daw namin syang tawaging sir Eric. ''Dahil bago lang ako,ay kailangan nyong magpakilala sa akin isa isa sa unahan. Umpisahan natin sa kanya'' Tinuro nya yung babaeng kasama nyang pumasok kanina. Nang matititgan ko ang mukha nya ay narealize ko na sya yung babaeng nakatabi ko kanina sa jeep. ''Katulad ko ay bago lang din sya dito pero ang pinagkaibahan nga lang ay isa syang estudyante at guro naman ako''
''Hello,Everyone.'' Nakangiting bati nya.
''Ang ganda nya''
''Oo nga eh parang artista. Ang ganda ng balat nya. Ang puti!''
''Sana oll!''
Kwentuhan ng mga babaeng nasa harapan ko.
''My name is Czerine Madrigal''
Parang nabingi ako sa narinig ko. Czerine Madrigal? Madrigal? Ibig sabihin sya nga yung childhood friend ko? Inilibot nya ang paningin hanggang sa magtama ang aming mga mata. Iniiwas ko agad ang paningin ko sa kanya dahil baka mamukhaan pa nya ako.
May sinabi pa syang ibang imformation tungkol sa sarili nya tsaka sya pinaupo. Sa tabi ko na lang may bakanteng upuan kaya ano pa ang aasahan ko?
Naglakad na sya papalapit sa akin at uupo na sana doon sa tabi ko ng may may biglang lumipat na lalaki at doon umupo.
''Doon ka na lang umupo sa unahan. Masyado kang maliit para umupo sa hulihan''
''Okay'' Tumalikod sya at bumalik sa unahan.Masasabi kong nakahinga naman ako ng maluwag.
Nagsimula na ngang magpakilala kami isa isa,nung ako na ang magpapakilala ay humiling ako na sana hindi na nya ako matandaan.
''Im Jonathan P. Rodriquez. I love reading books and listening in music. I don't like spicy foods''
Yun lang ang sinabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko.Nang matapos kaming mag pakilala ay sinabi lang ni sir yung mga requirements para sa clearance namin at lumabas na agad sya sa classroom.
Nakita kong maraming lumapit kay Czerine na mga kaklase namin at nakipag kaibigan. Siguro hindi na nya ako maalala. Sa laki ba naman ng pinagbago ko. Pinag masdan ko sya mula dito sa hulihan hanggang sa unahan.
Marami na ring nagbago sa kanya. Naging mas matured ang itsura nya. Humaba na rin ang buhok at wala ng bangs. Dati kase ay kamukha nya si dora. Maikli ang buhok na may bangs pa.
Kung sabagay noon yung at hindi na ngayon. Lahat ng tao nagbabago.
Kumuha na lang ako ng libro sa bag at nagbasa.
Lumipas ang mga oras na ang ginawa lang namin ay magsulat ng mga requirements namin sa iba pang mga subject.
Pagkatapos ay pina dismiss kami ng maaga. Umuwi agad ako para magpahinga dahil mamaya ay may part time pa ako.
*****************************
THANK YOU FOR READING!and DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
-Zariah_Sanctuary
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanfictionSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...