HELLO GUYS!!!!HERE AGAIN!
CZERINE P.O.V.
Malapit na ako sa Classroom ng mabunggo ako sa isang tao, Nahulog tuloy ang mga libro kong dala. Yumuko ako para pulutin iyon at nagpapasalamat naman ako dahil tinulungan ako nung nakabungguan ko.
Pagkatapos pulutin ay tumayo ako ng tuwid at humarap sa kanya para magpasalamat. Nagulat ako sa taong nasa harap ko. Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung pinuntahan ko sa bahay nila kahapon para kumbinsihing pumasok.
''Hi'' Bati nya habang nakangiti.
''Mabuti naman at pumasok kana'' Sabi ko sa kanya.
''Pasensya nga pala sa nangyari kahapon '' Inabot nya sa akin yung libro ko at kinuha ko naman iyon.
''Wala lang iyon'' Tinanong ko kase sya kahapon kung ano ang dahilan ng hindi nya pag pasok tapos bigla na lang nya akong sinigawan. Siguro dahil may personal syang dahilan.
''Para sa kabayaran ng kasalanan ko kahapon,Hayaan mo akong mag pakilala sa iyo ng maayos kahit na kilala mo na ako.I am Irish S. Ocampo. Wala pa akong kakilala sa school na ito dahil transferry lang ako kaya.....gusto kong makipag kaibigan sayo,Pwede ba?''
''Wala namang problema sa akin''
''So it means magkaibigan na tayo?'' Paniniguro nya.
''Oo kaya tara na!Pumasok na tayo sa classroom at ipapakilala kita sa mga kaklase natin'' Pagkapasok ko sa classroom ay pumunta ako sa unahan at kinuha ang attention ng mga kaklase ko. ''Attention everyone'' .Nagkaroon ng katahimikan. ''Gusto kong kilalanin ninyo ang bago nating kaklase'' Tinawag ko si Irish.
Pumasok sya sa classroom at nagpakilala sa mga kaklase namin. Habang nag papakilala sya ay nakita kong sa isang direksyon lang nakatingin ang mga mata nya. Sinundan ko iyon ng tingin. Dumako ang paningin ko kay tan tan na nagsusulat sa may hulihan.
Nagtataka man ay isinantabi ko nalang ang kuryusidad ko.
Natapos ng mag pakilala si Irish, Nag hanap ako ng pwede nyang upuan ngunit wala ng bakante kaya inutusan ko ang dalawang lalaking kaklase namin na kumuha ng upuan sa baba.
''Irish umupo ka muna doon sa upuan ko, Baka mangalay ka pa'' Sabi ko sa kanya. ''Hihintaying ko na lang yung upuan na kinukuha nila sa baba'' Tumango sya at nag pasalamat. Pumwesto ako sa pintuan at doon naghintay.
Mula sa kalayuan ay natanaw ko ang teacher namin sa Chemestry. Bigla kong naalala na Chemistry nga pala ang una naming subject. Nasaan na kaya yung dalawa kong kaklase na inutusan?
''Goodmorning,miss'' Bati ko sa kanya.
''Anong ginagawa mo dyan?'' Tanong nya.
''Hinihintay lang po yung mauupuan ng bago po naming kaklase'' Sagot ko naman.
Pumasok na sya sa loob ng aming classroom at tinanong kung sino yung tinutukoy kong bago naming kaklase at kung ano ang pangalan nya. Nagtaas naman ng kamay si Irish at tumayo. Sinabi nya ang pangalan nya kay miss Michel.
''Class monitor, ito na po yung upuan na pinapakuha mo'' Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Harold, Ang kaklase ko.
''Ah,Salamat.Bumalik ka na sa upuan mo''
''Miss Madrigal ano pang itinatayo mo dyan'' Agaw pansin ng teacher namin sa akin.
''Irish!'' Tawag ko kay Irish at nag gesture na lumapit sya sa akin.Sumunod naman sya. ''Ito na yung upuan mo''
''Pwede bang....doon na lang ako sa dulo umupo?'' Medyo nahihiya pa nyang tanong.Um-oo na lang ako dahil wala naman akong nakikitang masama. Binuhat nya ang sariling upuan papunta sa likod at tumabi kay...Tan tan?
Bigla nalang nakaramdam ako ng kabog sa dibdib. Ano kayang meron at parang sumakit yung dibdib ko? Hindi ko rin naman alam ang sagot sa sariling tanong kaya binalewala ko na lang iyon. Umupo na ako sa upuan ko at nakinig na sa disscussion.
''Ilan kayo sa klase? Nasaan ang secretary nyo?'' Pagsisimula ni miss Michel.
''Miss,Ako po'' Tumayo si Ara, Ang Class secretary namin ''30 po kaming lahat''
''Allright, Bumuo kayo ng grupo na may Sampung myembro. Gagawa kayo ng rollplay tungkol sa kahalagahan ng Chemistry sa buhay natin. Understand?'' Sumang ayon kaming lahat at nagsimulang magbulungan ang aking mga kaklase. Siguro ay pinaguusapan na nila ang gusto nilang ka grupo.
''Quiet Class!'' Hinampas ni miss yung librong sa podium at nagsi tahimikan naman silang lahat. ''Isusulat ko ang rubric sa Whiteboard at isulat sa 1/4 sheet of paper kasama ang myembro nyo'' Pagkasulat ni miss sa whiteboard ng rubric ay sinabi nya sa akin na kolektahin ko ang mga papel bago lumabas ng Classroom.
''Czerine, Sino sino tayo?'' Tanong ng katabi kong si Zoe.
''Mamaya na lang tayo mag usap, tignan mo mga kaklase natin parang mga nasa palengke'' May mga kaklase kaming nagsisigawan, nag aagawan ng ka grupo at ang lalakas ng mga boses eh nasa malapit lang naman ang kausap. Haiyst!Ang hirap talaga ding maging class monitor. Paano mo maha-handle ang ganitong Klase? Pero syempre ito na ang aking ginusto at ito ang aking realidad, isang may katungkulan at kailangang gampanan ng maayos.
Tumayo ako at sinaway sila na tumahimik. ''Hoy,Galit na si Classmonitor'' Sabi ng isang kaklase kong lalaki.
''May nabuo na ba kayong grupo? Kung oo ilista nyo na ang mga pangalan sa one fourth sheet of paper!''
''Ito po kase sa inaagaw sa amin si Lea'' Sumbong ng kaklase kong si Karen. Si Lea ang Class muse namin, may pagkamatalino din kase sya kaya siguro pinagaagawan ng dalawang grupo.
''Ganito na lang....'' Lumapit ako sa kanila. '' Mag picks kayong dalawa ni Daren'' Si Karen at Daren kase yung nagaagawan kay Lea. ''One to Five''
''Osige!-Game!'' Sabay na sabi nilang dalawa. Nagkatinginan muna sila na parang mamamatay ang isa't isa.
I rolled my eyes. Parang mga bata.
Nag simula ang deal at ang nanalo ay si Karen. Nagtatalon sya sa tuwa at biglang hinigit si Lea. ''YEHEY! Mag kagrupo tayo beshie!'' Si Lea naman ay ngumiti lang ng tipid.
''Maayos na ba ang lahat? Ipasa nyo na yung papel sa akin'' Sabi ko sa kanila at pumuntang unahan. ''Sino pa yung walang grupo? Lumapit sa akin'' May mga ilang kaklase akong lumapit at isinulat ko ang mga pangalan nila sa papel.
''Ibig sabihin, Sila yung magiging ka group natin?'' Tanong ni Marie na ngayon ay nasa pwesto ko na kasama si Zoe.
''Yup! Walang kumukuha sa kanila kaya kupkupin natin'' Sabi ko sa kanilang dalawa.
''Ako wala pang group'' Biglang may nagsalita sa harapan ko. Itinaas ko ang tingi at nakita si Tan tan.
''Okay, ilalagay ko na dito ang pangalan mo'' Isinulat ko na ang pangalan nya. ''Lahat na ba may kagrupo?'' Malakas na tanong ko sa mga kaklase ko. Lumapit sa dereksyon namin si Irish.
''Pwede nyo ba akong isali sa group nyo?'' Tanong nya.
''Oo naman'' Isinulat ko na rin ang pangalan nya at binilang kung ilan na kami. Nine pa lang kaya kulang pa ng isa. Kumpleto na ang dalawang grupo, tumingin ako sa whiteboard at nakitang may isang absent. Hinanap ko muna ang panglan nya sa dalang hawak ko na papel. Wala akong nakita na kinuha sya ng ibang grupo kaya isinama ko sya sa group namin para makompleto na.
.
.
.
.
.
*********************
THANK YOU FOR READING!and DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
-Zariah_Sanctuary
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanfictionSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...