GOOD DAYYYYYYY!
JONATHAN P.O.V.
Naghahanda ako ng sarili ngayon para sa part time job ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.Kinuha ko iyon para tignan kung sino ang tumatawag. Nabasa ko sa screen ang pangalan ni Czerine. Pinindot ko ang call button.
''Hello!Tan tan?''
''Bakit?'' Tanong ko.
''May gagawin kaba ngayon? Magpapasama sana ako sayo sa pupuntahan ko''
''Pass muna ako! May gagawin pa akong trabaho'' Narinig kong bumuntong hininga sya then after three second she hang up the phone.
''Jonathan, Let's go'' Tawag ng isang kasamahan ko sa trabaho na si liam. In-off ko muna ang cellphone ko bago sumunod sa kanya at nagsimula na ngang magtrabaho.
Isa akong waiter sa isang restaurant. Honesty,hindi ko naman na talaga kailangan ng trabaho dahil mayaman naman ako. Ayoko lang gastusin ang mga perang iyon dahil galing sa mga magulang ko. Simula ng maghiwalay ang mga magulang ko natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ko ginagastos ang mga ibinibigay nila sa akin kase ang mas kailangan ko ay ang pagmamahal nila, yung buo ang pamilya namin at hindi material na bagay.
Paulit ulit lang ang ginagawa ko dito. Nagse-serve ng pagkain at nag pupunas ng lamesa.
Pagkalipas ng mahigit tatlong oras ay naandito na ako sa room ng restaurant kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Habang nagpapalit ng damit ay binuksan ko ang cellphone ko. Nakita kong may limang miss call doon. Gusto ko sana malaman kung sino ang tumawag pero ang number ay hindi naka register sa phone ko. Kahit na hindi kilala ang caller ay tinawagan ko pa rin iyon. Nakadalawang ring muna bago may sumagot.
''Jonathan?'' Napatingin ako sa cellphone ko. Sino kaya ito bakit nya ako kilala. ''Hello?...Hello''
''Sino po kayo?Bakit nyo po ako kilala?''
''Ah, Sorry. Ako ito si Mrs Ava Madrigal. Nanay ni Czerine'' Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nya nalaman ang number ko. Nagkita na kami nung bata pa ako kase nga kaibigan ko si Czerine. ''Gusto ko lang sana tanungin ka. Alam mo ba kung nasaan si Czerine? Hindi pa kase sya umuuwi. Hindi nya rin sinasagot ang mga tawag ko''
''Sorry tita hindi ko po alam kung nasaan sya''
''O sige. Thank you na lang'' Nahimigan ko ang boses nya na may pagkadismaya. Tinapos ko na yung tawag.
Nasaan na kaya si Czerine? Hinanap ko ang number ni marie sa phone ko baka sakaling kasama nya si Czerine. Buti na lang nagpalitan kaming apat ng number kahapon pagkatapos mag videoke kaya may number nya ako.
'Hi! Kasama mo ba si Czerine?' Sabi ko doon sa text. Nag reply naman sya at sinabing hindi. Ang alam lang nya ay may pinuntuhan siya. Tinanong ko kung saan pumunta si Czerine. Nang malaman ko kung nasaan na si Czerine ay pinuntahan ko iyon. Tinanong ko ang may ari ng adress kung naandoon paba si Czerine pero sinabi nya na kanina pa umalis.
Kung kanina pa sya umalis ibig sabihin......
Naglakad lakad ako habang lumilinga-linga sa paligid. Umaasa na hindi pa sya masyadong nakakalayo. Nakaabot ng Fifteen minutes ang paghahanap ko sa kanya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sya makita.
Pumasok ako sa isang park at nagpahinga sa duyan. Maya maya lang ay may narinig akong humuhikbi. Hinanap ko iyon at nakarating ako sa likod ng isang puno. Nakita kong may babae na nakaupo habang yapos yapos ang mga tuhod at nakapatong ang ulo doon. Umalog ang mga balikat nya.
''Ahmm!'' Pukaw ko sa kanya. Tumingala sya at nagulat ako dahil ang babaing hinahanap ko kanina ay nasa harapan ko na. ''Czerine?''
Tumayo sya at niyakap ako. ''Tan tan'' Mas lalo syang napa iyak.
Gumanti ako ng yakap sa kanya sabay haplos sa likod ng ulo nya. Sinabi kong.....''Shhh..Tahan na, naandito na ako sa tabi mo''
CZERINE P.O.V.
''Shhh..Tahan na,naandito na ako sa tabi mo'' Now i feel safe. Sobrang natakot ako, Ang laki ko kasing tanga. Kung bakit ba naman naligaw ako. Nakakainis! Ang dali kong maligaw.
Kumalas ako sa pagyayakap namin at pinahid ang mga luha ko. ''Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sayo?'' Nag aalalang tanong ni Tan tan.
''Hindi pa ako masyadong familiar sa mga lugar dito kaya naligaw ako. Saglit lang, Paano mo nga pala na laman kung na saan ako?'' Sagot ko ng tumahan ako mula sa pag iyak.
''Hindi na importante kung paano kita nahanap ang mahalaga ay nakita na kita''
Umupo kami sa duyan upang magpalipas ng konting oras. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nacu-curious tuloy ako kung ano ang iniisip nya.
Naaalala ko yung bata pa kami, Sa ganitong lugar kami unang nagkakilala. Umiiyak ako sa likod ng isang puno dahil takot na takot ako. May nakita kase akong magandang lobo at sinundan ko iyon hanggang sa kung saan saan na ako napadpad.
May kumulbit sa akin na batang lalaki at tinanong ako kung ano ang dahilan ng pag iyak ko. Sinabi ko na naliligaw ako. Umupo kami n'on sa duyan at binigyan nya ako ng lollypop para tumahan. Mga ilang minuto lang ay nakita na ako nila mama at papa.
Pagkatapos kong gawin ang mga homework ay lagi akong nagpapaalam kila mama na pupuntang park para maglaro kasama ang isa naming kasambahay. Dahil doon ay madalas na kaming nagkikita ni Tan tan at iyon ang naging dahilan para maging matalik ko syang kaibigan.
''Hey!'' Basag nya sa katahimikang nabuo sa pagitan namin. Tinignan ko sya sa nagtatanong na mga mata. ''Tara na.Sobrang nag aalala na ang mama mo''
Tumango lang ako at nag simula na nga kaming maglakad. Habang naglalakad ay may nakita akong bato.Napangiti ako at sinipa ko iyon.
Tinignan ko si tan tan.Nakangiti sya at nakatingi na para bang ipinapahiwatig na alam nya ang nasa isip ko.
Maya maya lang ay mabilis syang tumakbo papunta sa sinipa kong bato. Sinundan ko sya at sisipain na sana nya yung bato ng maunahan ko. Tinignan ko ulit sya at inilabas ang dila para asarin sya.
Inunahan nya ulit ako sa pagtakbo para sipain yung bato pero umisip ako ng paraan, sumipa ako ng ibang bato.
''Hoy! Ang duga mo! Hindi naman yan yung bato nating sinisipa,ah?''
''Ito kaya yun. Ikaw yung mali''
''Hindi ka pa rin nagbabago,Maduga pa rin'' naaasar na sabi nya.
Kapag kase hinahatid nya ako noon sa bahay at na bo-bored kami sa daan. Pinag t-tripan namin yung mga batong nadadanan namin. Sinisipa namin 'yon hanggang sa makarating na kami sa bahay.
''Hindi ka pa rin nagbabago,Pikunin pa rin'' Gaya ko doon sa tono nya kanina para mas lalo syang maasar.Natawa na lang ako ng sumimangot sya.
.
.
.
.
**********************
THANK YOU FOR READING!and DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
-Zariah_Sanctuary
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanfictionSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...