GOOD DAY!!!!!!! Hayyysss! Naka update na rin sa wakas. Sana magustuhan nyo........
CZERINE P.O.V.
Nagsusulat ako ng may biglang tumawag sa panglan ko. ''Miss Classmonitor! Czerine!'' Lumapit sa akin si lila. ''Tawag ka po ni sir Jamie'' Si sir Jamie ang teacher namin sa Personal Development. Mabait,masayahin at palaka-ibigan sya sa mga estudyante. Parang kaklase na nga namin sya.
''Bakit daw?'' Nagkibit balikat lang sya.
Tumayo na lang ako at pumunta sa faculty ni sir. Kumatok ako ng tatlong beses at narinig na sinabi ni sir na pasok,kaya pumasok ako.
''Bakit nyo po ako pinapatawag,sir?''
''Ah, Ikaw pala.....Gusto ko sana na ireport mo ito sa Monday kase wala ako. Pagkatapos, ito yung individual assessment na gagawin.'' May ipinakita sya sa akin na sasagutan nga namin. ''Since ikaw ang magre-report, okay lang kahit hindi ka na gumawa nito, maliwanag ba?''
''Opo, Wala na po ba kayong kailangan?''
''Oo, Salamat na lang. Pwede ka ng umalis'' Lumabas na nga ako ng faculty ni sir.
Bumalik na ako sa classroom ng lapitan naman ako nila Marie at Zoe.
''Saan ka nag punta?'' Tanong ni Marie.
''Pinatawag ako ni sir Jamie'' Sagot ko naman at tinignan ko kung tungkol saan yung irereport ko. Depression. Basa ko sa isip.
''Bakit daw?'' Tanong ulit nya.
''Wala daw sya sa Monday kaya irereport ko 'to'' Tukoy ko sa hawak kong Folder.
''Okay...Tara punta tayong cafeteria'' Yaya naman ni Zoe. ''Nakakagutom eh'' Dagdag nya pa.
Tumago lang ako sa kanila at nagtungo na kami sa cafeteria. Nag paalam si Zoe na sya na lang daw ang pipila at humanap na daw kami ng mauupuan.
Lumingalinga ako sa paligid at hindi ko inaasahang matanaw si Tan tan na kumakaing mag isa. Maglalakad na sana ako papunta sa pwesto nya ng biglang tumabi sa kanya si Irish. Nakangiti si Irish sa kanya habang nagpapaalam na uupo sa tabi nito. Hindi naman sya pinansin ni Tan tan pero umupo pa rin sya doon.
''Oh? Bakit hindi pa kayo naghahanap ng mauupuan?'' Tapos ng bumili ng pagkain si Zoe at bitbit na nya ito. Napatingin ako kay Marie pero nasa cellphone nya ang attensyon.
''Ayun sila Jonathan. Maki share na lang tayo sa kanila ng table'' Sabi ulit ni Zoe. Nauna na syang maglakad pero hindi pa rin ako sumusunod. Ewan ko pero parang ayoko sa table nila.
Ano pa bang magagawa mo Czerine? Naandoon na si Zoe at nakaupo na. Sumenyas syang lumapit kami sa kanila. Tumingin naman ako kay marie na hanggang ngayon ay busy'ng busy pa rin sa cellphone nya at parang kininilig pa. Haiyyst...
''Huyyy!'' Tawag ko sa kanya pero hindi nya yata narinig. '' Marie!'' Tawag ko ulit at tsaka tila parang nagulat naman syang napatingin sa paligid. ''Tara doon na daw tayo'' Hinila ko na sya dahil mukha syang lutang ngayon.
''Hi Czerine!'' Nakangiting bati naman ni Irish sakin ng makalapit ako.
''Hello!'' Sukling bati ko. Iniabot sa akin ni Zoe ang pagkain ko. ''Salamat''
''Kailan nga pala tayo magpapraktis para sa role play na tin sa chemistry?'' Si I rish ulit.
''Ahmm....... '' Nag isip ako. Kailan nga ba? ''Siguro ........bukas na lang'' Gagawin ko muna yung power point na irereport ko. Para yung role play na lang ang po-problemahin ko.
Nagkwentuhan sila Irish at Zoe ng kung ano anu tulad ng nangyari kanina sa Math time namin. Sinasabi nila na wala silang maintindihan sa itinuro ng teacher dahil puro kwento lang sya. Nakikinig lang ako sa kanila at paminsan minsan ay nakikisabat din si Tan tan habang si Marie naman ay hindi maialis ang mga mata sa cellphone nya. Bumuntong hininga na lang ako at inubos ang kinakain ko.
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanfictionSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...