CHAPTER #02

173 109 4
                                    


ENJOY READING!


JONATHAN P.O.V.

Nakain ako magisa sa Cafeteria ng may biglang maglabag ng pagkain sa harapan ko.

''Hey'' Tawag pansin sa akin ni Czerine. ''Hindi na kita nakausap kahapon dahil umuwi ka agad. So...how are you?'' Umupo sya sa bakanteng upuan sa harapan ko.

''Naaalala mo pa rin ako?'' Gulat na tanong ko.

Ngumiti sya. ''Oo naman! Ikaw kaya ang una kong naging kaibigan. Mr. Jonathan Rodriquez .A.k.a Tan tan'' Sabi nya sa tonong may pagka mischievous. Gaya ng dati.

''Huwag mo ngang banggitin ng buo yung pangalan ko'' Iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat. Lalo na yung surname ko.

''Okay,Tan tan'' Iyan yung pinantatawag nya sa akin noong mga bata pa kami. ''Balik tayo doon sa tanong ko kanina. kumusta ka na? Anong nangyari syo?'' Sumubo sya ng pagkain.

Kaya ayoko pa syang harapin dahil alam kong tatanungin nya ako ng mga klase ng tanong na ayokong sagutin. Sinabi ko sa kanya na sa susunod ko na lang sabihin ang dahilan. Nagpapasalamat ako at naintindihan naman nya kaya iniba na lang nya yung topic.

Nagkwento lang sya tungkol sa buhay nya sa america. Sabi nya kahit doon daw sya nag aral ng apat na taon ay mas gusto nya pa rin talaga yung kultura at wika natin kaya pala hindi din sya masyadong nage-english. Marami pa syang ikinuwento sa akin at nang mapansin ko ang oras na magti-time na pala ay bumalik na kami sa Classroom.

Nang papunta na kami sa Classroom ay nakita ko ang ex ko na si Stella kasama yung lalaking ipinalit sa akin. Wala na akong balak pang bawiin sya dahil mukhang masaya na naman sya sa bago nya. Ibinaling ko ang tingin sa nilalakaran ko at sumunod na lang kay Czerine.


CZERINE P.O.V.


May itatanong sana ako kay Tan tan ng makitang may tinitignan sya. Isang babae na maputi at maiksi ang buhok kasama ang lalaki na may itsura. Ang sweet nilang tignan. Magcocomment sana ako ng makitang malungkot si Tan tan.

Mukhang alam ko na yung sagot sa tanong ko kanina na kung ano ang nangyari sa kanya. Masasabi ko na ang laki talaga ng pinagbago nya kumpara nung bata pa sya. He look so miserable now. Ang dating Tan tan na nakilala ko ay masayahin. 

Kahapon nung magpakilala kami isa isa ay nagulat na lamang ako ng marinig ko ang pangalan na Jonathan Rodriquez. Napatingin ako sa harapan nun at nakita ko sya. Namukhaan ko din sya dahil nagkita na kami kahapon ng umaga. Nung una hindi ako makapaniwala dahil iba na talaga yung itsura nya ngayon kumpara ngayon. Nakasalamin, gusot ang damit at malungkutin. Yan sya ngayon.

Nakaramdam ako ng saya at lungkot. Saya dahil nakita ko na ulit sya at lungkot dahil parang ang dami ng nagbago.

Naandito na nga ulit kami sa Classroom. Nakita kong may pinag uusapan sila Zoe at marie. Nung una akala ko hindi ako magkakaroon ng mga kaibigan pero nagkamali ako. Sa totoo lang kahapon ang daming lumapit sa akin at sinabing wellcome ako sa school nila. 

Lumapit ako kila marie.

''Anong meron?'' Tanong ko sa kanila.

''Ikaw pala Czerine. Pinaguusapan namin yung magiging botahan mamaya para sa magiging president ng klase natin'' Sagot ni Zoe. Si Zoe ay may pagkahinhin. Mahaba at straight ang buhok nyang kulay itim na mas lalo pang bumagay sa kanya dahil sa bangs.

''Ay! Alam ko na'' May ibinulong si Marie kay Zoe at pagkatapos ay tumingin sila akin. Si marie naman ay masasabi kong may cheerful syang personality. Kulot at may pagka maiksi ang kanyang mga buhok. Lagi nya iyong iniipitan ng papigtail. 

MY CRYING SHOULDER (on going)Where stories live. Discover now