GOOD DAY GUYYYYYSS!!!! HOPE YOU LIKE IT!!!!!!!!!!!!
CZERINE P.O.V
Ilang araw na ang nakakalipas. Naobserbahan na rin namin ang dalawa naming kaklase na si Noah at Glen. Papasok si Glen tapos aabsent kinabukasan. Kapag absent si Glen tsaka naman papasok si noah.
Ngayong araw na'to ay si Noah ang pumasok. Napagdesisyunan namin ng secretary ng aming klase na sundan sya pauwi para makausap namin ang magulang nya at para malaman ang dahilan ng kanyang pag absent.
''Czerine! Gala tayo ngayon sa mall'' Uwian nanamin ngayon at itong si Marie ay kanina pa nagyayayang pumunta sa mall pagkatapos ng klase.
''Pero may pupuntahan ako'' Pag tanggi ko. ''Sorry. Maybe next time''
Sumimangot sya. ''Saan ka pupunta? Sino kasama mo?''
''Basta. Bye bye'' Kinawayan ko sya pati na rin si Zoe.
Paglabas ko ng Classroom ay naandoon na si Lily na nagaabang sakin.
''Nasan na sya?'' Tanong ko.
''Ayun. Tara na'' Tinignan ko ang itinuro nya at nakita ko nga si noah na mabilis na naglalakad. Sinusundan lang namin sya at sya naman ay walang kaalam alam na naglalakad lang. Kung titignang maigi ay may malalim syang iniisip at mukha din syang problemado.
Maya maya lang ay pumasok na sya sa isang maliit na bahay.
''Ano ng gagawin natin ngayon?'' Tanong ni lily. Nasa hindi kalayuan kami sa bahay nila Noah at nagtatago sa mga halaman at puno.
''Ganito.'' Humarap ako sa kanya. ''Pupunta tayo dun at kakausapin ang magulang ni Noah. Itatanong din na'tin kung ano ang dahilan ng madalas na pag absent nya''
Halata mang kabado sya ngunit sumang ayon din. ''First time ko lang gagawin 'to''
''Anong ibig mong sabihin'' Tanong ko dahil hindi ko sya maintindihan.
''First time ko lang na sumunod sa isang tao at kausapin ang magulang'' Hindi na ako nag komento pa at aalis na sana sa pinag tataguan namin ng biglang lumabas si noah. Hinigit ako ni lily patago sa mga halaman. Hayst! Bakit nga ba kami nagtatago eh makikita rin naman kami ni Noah kapag nakausap na namin ang magulang nya.
Nagulat kami dahil sa paglabas ni Noah ay may hindi kami inaasahang tao na susunod sa kanya.
''Kuya!!'' Tawag nito.
''Kuya?'' Hindi makapaniwalang turan namin ni lily at nagkatinginan pa kami na may parehas na expression sa mukha. Nalilito at Nagtatanong.
''Kuya!! Sinabi ko kay boss na papasok din ako ngayon. Malapit na ang mountly test at bayaran na naman ng tuition fee. Kaya kailangan nating mag over time sa trabaho''
Trabaho? Yun ba ang dahilan ng pag absent nila.
''Mag kapatid silang dalawa ni Glen? E bakit mag kaiba ang epilyido nila? Glen Velasco at Noah Perez.?''
''Lily, Parehas lang tayo na hindi alam ang sagot'' Napapabuntong hiningang sabi ko.
''Aalis na sila. Tara sundan na natin. Dali!'' At eto na naman kami sinusundan sila sa kung saan man sila pupunta.
''Ano kayang trabaho nila? Baka mamaya masama pala ang trabaho nila'' Bulong sakin ni Lily.
''Huwag kang ganyan magisip. Mamaya masasagot yang tanong mo''
''Aray!!!'' Daing ni Lily. Patingin ko sa kanya ay nadapa pala. Tinulungan ko syang makatayo.
''Mag ingat ka nga sa susunod''
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanficSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...