HOPE YOU LIKE IT GUYSSSSS!
CZERINE P.O.V.
Nagising ako at napagtanto na madaling araw pa pala. Wala akong klase ngayong araw at wala din naman akong gagawin. Sinubukan kong bumalik ulit sa pag tulog pero hindi ko din nagawa dahil nawala na ang pagkaantok ko.
Bumangon na lang ako at bumaba para tignan kung gising na sila mama. Habang nababa sa hagdanan ay may naamoy akong masarap na pagkain, bigla tuloy nagwala ang mga bulati ko sa tiyan. Tumungo ako sa kusina at nakita si Mama na nagluluto ng almusal.
''Goodmorning,ma'' Lumapit ako sa kanya at tinignan ang niluluto nya. ''Ano iyan,ma?''
''Tinola. Wala ka bang gagawin ngayon?'' Tanong ni mama.
''Wala naman po, Bakit?''
''Sumama ka sa amin ng papa mo mag jogging mamaya''
''kung sasama ka ay maghanda ka na at pagkatapos kumain ay aalis na tayo'' Sabat ni papa habang umuupo sa upuan. Nakasuot na sya ng damit na pag jogging. Tumingin ako kay mama at nakitang pati pala sya ay nakabihis na rin.
Umakyat ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot na damit. Hanga din ako kila papa na kahit busy sa work ay may time pa rin para mag maka pag excercise.
Pag katapos kong magbihis ay bumaba na ulit ako papunta sa kusina.
''Sya nga pala.....Kumusta ang bago mong school? Hindi na namin na tanong ng papa mo kung ano na ang nangyari sayo ng unang araw mo doon'' Sabi ni mama sabay subo ng pagkain. Isa pa ito sa gusto ko sa mga magulang ko. May time na tanungin kung ano ang nagyayari sa anak nila. Medyo nakakalungkot lang dahil hindi na ako nasundan pa kaya nagiisa lang ako na anak nila.
''Ah...yun po ba? Maayos naman po. May mga naging kaibigan na rin ako. Sila Zoe at Marie''
''Maganda kung ganoon'' Ipinagpatuloy na ulit namin ang pagkain hanggang sa matapos.
''Ma! Pa! Magpapahinga lang muna ako dito, mauna na po kayo'' Sabi ko ng mapagod. Humawak ako sa dibdib habang hinahabol ang aking hininga. May kalayuan na rin kase ang natakbo ko.
''Hindi ka kase sanay .Sa susunod dalasan mo ang pagjo-jogging, mabuti yun sa kalusugan'' Sermon ni papa.
Tumango lang ako sa kanila at nauna na silang umalis.
Humiga ako sa isang lilim ng puno at nilanghap ang sariwang hangin. Ang ganda naman sa lugar na ito, walang masyadong tao. Pakiramdam mo malaya kang gawin ang lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog para mas makakarelax. Iidlip muna siguro ako.
Meow...meow
Napamulat ako ng may marinig na pusa. Tumingin ako sa kaliwat kanan ko pero wala naman akong nakita.
Meow...meow
Tumayo ako at naglakadlakad sa paligid ng pwesto ko kanina. Nasaan na ba yun? Nang wala akong mahanap ay bumalik na lang ulit ako sa pwesto ko at tsaka Humiga.
Meow...meow
May naglaglagan na mga dahon galing sa puno kaya napabaling ang tingin ko doon. Nakita kong may isang kuting na kulay white ang nahihirapan na bumaba. Sya pala yung maingay.
Tumayo ako at umakyat sa puno. Kinuha ko ang kuting at napatingin sa baba, iniisip kung paano ako makakaalis doon. Medyo may kataasan din itong naakyat ko kaya nakakalula. Pagtapak ko sa isang sanga ay biglang nabali iyon na naging dahilan ng aking pagbagsak.
Ouch. Tumingin ako sa hawak kong kuting. Buti na lang hindi ko sya napisot. Umupo ako at napahawak sa kanang braso ko ng maramdamang kumirot iyon. Sinubukan kong igalaw iyon ngunit sumakit lang.
Ano ng gagawin ko? Ako lang ang tao dito. Sa huli ay wala akong nagawa kung hindi umuwi sa bahay.
Hawak ang masakit na braso ay naglakad na ako pauwi. Nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad ng maramdamang parang maysumusunod sa akin. Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa likod pero wala namang tao. Ipinag patuloy ko ang paglalakad ngunit sa mabagal na paraan at mayamaya'y mabils na lumingon ulit ako sa likod.
Meow
Napayuko ako at nakitang may maliit na pusa sa may bandang paanan ko. Huminga ako ng malalim.
''So ikaw pala yung sumusunod sa akin?'' Kausap ko sa pusa. Hinimas ko ang malagong balahibo nya. ''Kawawa ka naman. Wala ka bang uuwian? Gusto mong sumama sa akin? Gusto mong maging amo ako?Huh?''
Meow
Ang cute! Dahil na awa ako sa kuting na ito ay inuwi ko na lang sya.
Kinabukasan ay may pasok na ako. Sinabi ni sir kaninang umaga na pumunta daw ako ng Office nya pagkatapos ng klase kaya heto na ako ngayon nasa office nya.
''May isang kaklase ka na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok. As a monitor,Gusto kong puntahan mo sya sa bahay nila para kumbinsihing pumasok. Ito yung adress nya'' May ibinigay siyang papel sa akin. Nakasulat doon yung pangalan ng kaklase ko at yung adress nya. ''Miss Madrigal,Umaasa ako na hindi mo ako bibiguin''
''Opo sir'' Yun lang ang nasabi ko at lumabas na ng office nya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako makakapunta sa adress na ito. Hindi ko pa masyadong kabisado ang lugar dito dahil magdadalawang buwan palang simula ng umuwi ako dito sa Pilipinas. Magpapatulong na lang siguro ako kila Marie.
Tinext ko sila para tanungin kung nasaan at sinabi nila na nasa labas na ng campus kaya lumabas na rin ako.
''Oh, Nasaan si Zoe?'' Tanong ko kay Marie ng makitang nagiisa lang sya.
''Ayun'' May tinuro sya sa likuran ko. ''May kausap sa cellphone'' Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya at makitang naandoon nga si Zoe at may mausap sa cellphone.
''Marie, Pwede mo ba akong tulungan?''
''Tulungan saan?''
''I mean samahan sa adress na ito, ngayon'' Ibinigay ko sa kanya ang papel na hawak ko. Kinuha nya iyon at tinignan.
''Wait, Kailan?'' Tanong nya. Sinagot ko naman sya na ngayon.
''Ngayon? May family dinner kami ngayon. Sorry'' Nag peace sign pa sya at tumingin sa akin ng may paumanhin.
''Ganun ba? Si Zoe na lang siguro ang yayayain ko''
''Guys!'' Lumapit sa amin si Zoe. ''Mauna na ako sa inyo may emergency sa bahay'' Natatarantang sabi nya. Hindi pa man kami nakakasagot ng tumakbo na sya papalayo.
''Paano ba yan? Mukhang ikaw lang magisa ang makakapunta sa pupuntahan mo'' Komento ni Marie.
Huminga ako ng malalim. Bahala na kung ano ang mangyari. Bahala na si batman! .Nagpaalam na sa akin si Marie na uuwi na daw sya kaya mag isa na lang ako ngayon.
Tinitigan ko ang papel na hawak ko. Hindi ko na naman alam ang gagawin ko. Medyo masakit pa nga ang braso ko at balak ko sanang ipa check up kaso may kailangan akong gampanan. Lahat ng kaibigan ko rin may mga kanya kanyang gagawin. Speaking of friends. Nabuhayan ako ng loob ng may maisip.Kinuha ko ang cellphone ko para i-dial ang number nya.
.
.
.
.
***************************
THANK YOU FOR READING!and DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.
-Zariah_Sanctuary
YOU ARE READING
MY CRYING SHOULDER (on going)
FanfictionSi Czerine, ang class monitor sa klase nila. Kapag nagkakaproblema ang isa sa kanila ay nakakaya nyang solusyunan iyon, Pero sympre hindi nya kayang gawin iyon ng mag isa. Kaya ang Childhood friend nyang si Jonathan A.k.a Tan tan ay laging nasa tabi...