Art's P. O. V
Naghihintay akong lumabas si rick sa kwarto ni jan. Hindi na ako sumunod kanina ng magpahatid si jan kay rick. Galit ako kase nandito naman ako pero bakit si rick pa ang kailangan niya hingan ng tulong!
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni jan ng bumukas yun. Tiningnan ko ng masama ang gag*ng yun. Pagkalapit niya hindi ko alam kung dala ba ng galit kaya ko siya nasuntok sa mukha.
"What the fvck man!" Gulat niyang aniya sabay hawak sa labi niyang pumutok "ano bang problema mo?" Galit na din niyang tanong "do you two have a relationship!?" Kwenilyuhan ko siya sa sobrang galit.
He mockingly laugh "kami pa ngayon? Diba ikaw ang may iba? Ikaw ang nanloloko kay jan? Bat parang binabaliktad mo ngayon pare ha?" Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo ng polo niya at masama akong tiningnan "hiwalayan muna si jan kung si carina naman ang gusto mo! Dimo ba nakikita ha nasasaktan siya! At hindi lang siya ang masasaktan kung ipagpapatuloy mo ang kasinungalingang to pati si carina masasaktan"
Tinalikuran niya ako pero bago pa niya pihitin ang door knob tumingin ulit siya sakin "palayain muna si jan... si carina naman diba ang mahal mo at ginagamit mo lang si jan? Palayain muna siya cause I can treat jan better than you can" maanghang niyang sabi bago nagpatuloy.
What does he mean by that!? May gusto ba siya kay jan!? No way... I won't ever give jan to him!
Galit kung sinugod si jan sa kwarto niya at ginising. Diko macontrol ang nararamdaman ko ngayon. Naaawa ako sa kanya pero mas nananaig ang galit sa puso ko.
"B-bakit?" Sabi niya ng maimulat ang mga mata halatang antok pa siya pero wala akong pakialam!
"Sabihin mo nga sakin may relasyon ba kayo ni rick!? Meron ba!" Kumunot ang noo niya "what are you talking about?" Hindi ako makapaniwalang natawa hinawakan ko siya sa braso at hinatak pa-upo. "A-ano b-ba art nasasaktan ako" aniya at tinatanggal ang kamay ko sa braso niya pero hindi ako nagpatinag.
"Bakit siya nandito! Ha nilalandi mo ba siya! Hahaha how pathetic you are! You're a bitch.... kulang pa ba ako ha! Ang landi mo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya halatang natigilan siya at hindi muna nakaimik. Grabe ang pagtaas baba ng dibdib ko ramdam na ramdam kung sasabog ako sa galit.
"Yun ba ang akala mo sakin? That i'm a bitch? That i'm a whore? Slut? T-tha.. that I am pathetic?" Nanginginig siya halata sa mga labi niya. Nakonsensya ang sa mga sinabi ko. Napaluwag ang hawak ko sa kanya at binawi niya ang braso niya.
"Ako pa ngayon ang malandi.. ako pa ngayon ang lumalabas na naghahanap ng iba. Bakit art? B-bakit mo ako binabaliktad?" She looked at me with a teary eyes "bakit mo ako sinasaktan ng ganito. Wala naman akong ginawang masama diba? Hindi naman kita sinumbatan kahit gustong gusto kung sumabatan ka! Kase diba wala akong karapatan? Nanahimik ako kahit ang sakit sakit na dito" tinuro niya ang dibdib niya kung nasaan ang puso niya.
"Bakit siya nandito? Nandito siya kase nag-aalala siya sakin art! Nandito siya para alamin kung ok lang ba ako KAHIT HINDI KO NAMAN SINABING PUMUNTA SIYA! NANDITO SIYA... NANDITO ANG TAONG HINDI KO NAMAN HININGAN NG TULONG PERO NANDIYAN! UNLIKE YOU DIBA? ng kailangan kita asan ka? Ng humingi ako ng tulog nandito ka ba? Pumunta ka ba? Knowing na ganun ang kalagayan ko diba hindi art diba hindi? Tapos ngayon kasalanan ko pa? Kasalanan ko pa!" Pinunasan ko ang mga luhang namalisbis sa mga pisngi niya at tumalikod na ayokong makita siyang nasasaktan pero diko kayang iwan si carina I love her pero diko din kayang bitawan si jan. Hindi ko magawang piliin siya at iwan si carina.
~~~~
Pagkatapos ng mahabang sinabi ko pinunasan niya ang mga luha ko gusto kung alisin ang mga kamay niya sa pingi ko pero hindi ko magawa gusto kung maradam ang kamay niya sa mukha ko kahit nasasaktan na ako akala ko hihingi siya ng tawad pero tinalikuran niya lang ako at iniwan mag-isa.
Ang bigat bigat sa pakiramdam pero anong magagawa ko? Ako lang ito e wala naman akong laban dun kay carina.
Gusto ko ng isang buong black forest na cake. Bumangon ako para bumili pero bumalik din sa pagkakahiga tinatamad ako. Tawagan ko kaya si rick makikisuyo akong bilihan niya ng cake?
I dialed rick's number but it's out of coverage I try 3 times pero out of coverage talaga I have no choice gusto ko talaga ng cake kaya trinay kung tawagan si art pero hindi ako umaasa.
"Why do you call?" Tanong niya sa kabilang linya. I cleared my troat "gusto ko ng black forest cake" sabi ko sa mababang boses natahimik ang nasa kabilang linya akala ko nga binaba niya na pero ng tingnan ko hindi naman "hello art nandiyan ka pa?"
"H-ha yeah... wait for me bibili ako yun lang ba?" Napangiti ako yeyyy hahha
"Pati pala matcha drink tapos hmmm" nag iisip pa ako ng gusto ko. Ano pa kaya? "At isa pa palang egg tart yun lang"
"Noted wait for me ok?"
After that call I freshen up and wait for art in living room. Ilang minuto ang itinagal bago siya makarating dito sa bahay. Parang ayoko na tuloy ng cake.
Iniligapag na niya ang pagkain sa center table sa sala at binuksan. I pouted pano ko kaya sasabihin kay art na ayoko na ng cake?
"Bat ka nakasimangot diyan?" Nagtataka niyang tanong habang tinatanggal ang pagkakabuhol ng tali sa box ng cake.
"Ayoko na ng cake" hindi makapaniwala niya akong tiningnan
"Seriously jan ilang minuto akong pumila to buy you this freaking cake tapos sasabihin mo ayaw muna ng cake!? Are you for real?"Naiiyak na ako bat siya ganyan!? "ang sama sama mo art!" Sinimangutan ko siya and I cross my arms in front of my chest hindi ko siya pinansin napabuntong hiniga nalang siya.
"Im sorry ok... anong gusto mong kainin?" Sabi niya sa mahinahon na boses kaya pinansin kuna siya.
"Yung egg tart nalang at matcha" inabot niya sakin ang mga iyon at sinimulan ko ng lantakan.
BINABASA MO ANG
The Limit Of Her Love (Book 1)
Ficción GeneralHanggang saan nga ba aabot ang pagmamahal ni January? Hanggang kailan ba siya mag titiis? Hanggang kailan ba siya magbubulag-bulagan? Hanggang kailan ba niya iintindihin ang lalaking yun kahit dina niya ito maintindihan? What will be the consequenc...