CHAPTER 23

9 1 0
                                    

A/N

HAPPY NEW YEAR GUYS... WISH YOU A GOOD HEALTH THIS 2020. ENJOY THIS YEAR AND SPEND YOUR LIFE TO DO GOOD THINGS AND LIVE YOUR LIFE TO THE FULLEST AS IT IS THE LAST😙

Enjoy Reading💕

"Good morning class, there is an announcement please settle down and hear me out" salubong ng prof namin pagkapasok niya tumahimik naman ang lahat at nag si ayos. Inilapag ni Ms. Dana ang kaniyang mga dala bago nagsalita.

"This day until friday which is your graduation day! There will be no classes for all graduating students--" nagsigawan ang mga kaklase ko nakisabay na ako syempre. "Class listen!" Pagputol ni miss sa kasiyahan namin nagsitigil naman ang mga kaklase ko "but you will come here in school to start the practice for your graduation"

Ayyy kala ko pa naman pahinga na natin

Nagbubunyi na ako e

At madami pang mga reklamo at bulong bulongan ang nagaganap but it's ok naman na practice lang at least not draining activities diba?

"And the announcement for the honor students will be posted tomorrow" pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya. Parang mga nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko naging wild ang mga ito. May isang pumunta talaga sa gitna at nagsisimulang magtanggal ng pang itaas like what the fvck are you serious dude?

At ang mga kaklase ko naman kinonsente pa pinagchecheer pa ang abnoy. Biglang pumailanlan ang kantang 'take your shirt off' napapailing nalang ako.

Natagpuan ko nalang ang sariling hinahanap si france malungkot akong ngumiti ng nakita kung nakikisabay siya sa mga kaklase namin hayssss kailangan kaya kami magkakabati magtatapos na kami pero ang away namin hindi parin tapos.

I want to hug her but I can't, alam kung mas magagalit lang siya ganyan siya e pag galit galit siya.

Sabay sabay kaming pumunta sa gym para sa practice andun na din ang ibang section. Ineenjoy ko pa ang panunood sa mga kabatch mates ko kase halata sa kanila ang tuwa syempre sino ba ang hindi matutuwa e natapos na din ang pakikibaka namin at paghihirap intindihin si accounting. Graduating in this program is a great achievement bonus nalang ang gagraduate ka ng may honor diba?

I came out of my reverie when someone tap my shoulder "hey Jan long time no see" binuntunan niya pa ito ng tawa ng tiningnan ko kung sino napangiti nalang ako it's ron.

"Hey! Makalong time noo see ka naman wagas last time I check kahapon lang tayo hindi nagkita" napakamot ito ng batok habang tumatawa ang kyut e parang gusto kung pisilin ang pisngi niya so I did.

"Hmmmm ang cute ng pisngi mooooo" pinanggigilan ko talaga ang pisngi niya hindi naman siya nagreklamo kaya pinapatuloy ko lang. Pansin ko lang ang hilig kung mamisil ng pisngi.

"Ehem! Ehem! Nangangamoy labyap ahhh" parinig ng kaklase ko kaya napatingin ako sa kanila at binitawan ang pisngi ni ron. Tinukso na kami ni ron, tanggi naman ako ng tanggi si ron naman pangiti ngiti lang. Sinamaan ko nga ng tingin hindi man lang tumatanggi.

"H-hindi kami hehe" pagtatanggi ko. Siniko kuna ang isang to kase naman inakbayan pa ako "aray naman baby!" Sa sinabi niyang yun mas nagsitilian pa ang mga kaklase kung babae napapatingin na din saamin ang ibang section hayop talaga!

Bago ko pa tanggalin ang braso ni ron sa balikat ko natahimik ang mga kaklase ko at may tumikhim. Parang bumaliktad ang sikmura ko sa tikhim na yun. Nanghihina ako para akong kinakain ng kaba na nararamdaman ko unti unti ako tumingin sa tumikhim kanina at dun na talaga ako nanghina ng hindi nagkamali ang hula ko.

"A-art!" Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko nakakatakot kase ang mga tingin niya para akong inililibing sa lupang kitatatayuan ko.

"Baby huh?" Swabeng sabi niya at tiningnan ng masama si ron. "How dare you to call MY BABY baby!?" Galit na hinablot siya ni art. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot sa sinabi niya. I bite my lower lip to stop the smile wants to crept into my face.

The Limit Of Her Love (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon