CHAPTER 7

2.7K 75 16
                                    

Nang makaligo sila sa poso ay naglakad na sila pabalik sa mansion.

"Ay anu ba yan.. ang dumi ko pa rin!" natatawang wika ni Sarah habang pinupunasan niya ang kanyang braso.

"Don't worry maganda ka pa rin naman!" nakangiting tugon ni Gerald sa kanya.

Napatingin si Sarah sa binata at hindi niya mapigilan ang lalong matawa. Maganda pala siya sa paningin nito? 

Kasalukuyan siyang nagpapa-cute sa binata ng biglang matalisod siya sa malaking bato na nakausli.

"Ayy peklat!!!" natapilok siya ngunit hindi naman siya natumba.

"Oh ok ka lang?" agad na nakahawak sa kanya si Gerald.

"Oo ok lang ako... kaso yung tsinelas ko....' dinampot ni Sarah ang kaliwang pares ng kanyang havaianas, napigtas na ang strap nito. Napatingin siya kay Gerald na nakapamewang ng mga sandaling iyon.

"Halika maghorse back riding ka na lang ulit.." nag-bend ang binata at sumenyas sa kanya na sumampa siya sa likod nito.

"Ay sus hindi na!" mariing tanggi ni Sarah. Maglalakad na lang ako ng nakapaa, malapit na lang naman na eh..."

"Huwag ng matigas ang ulo mo, mamaya matinik ka pa diyan o di kaya makaapak ng bubog... or worst, ng dumi ng kabayo.. sige ka.." nakangising pananakot nito sa kanya.

"Hmp.. huwag na nga sabi eh.." iling ni Sarah at nagumpisa ng maglakad ngunit di pa siya nakakalayo ay naramdaman niyang binuhat siya ni Gerald. Awtomatikong napatili siya.

"Aray.. huwag kang tumili baka mabasag yung eardrums ko!' reklamo ng binata.

"Eh ibaba mo na kasi ako!!" utos ng dalaga.

"No.." tanggi nito.

"Gerald naman! O sige papasan na lang ako.. huwag ganito! Ayoko ng ganito.." reklamo niya. karga karga kasi siya nito na para bang bagong kasal lamang sila, kaya't sobrang naiilang siya. Ibinaba naman siya nito at muling nag-squat position upang makasampa siya sa likod nito. Wala ng nagawa si Sarah kundi ang sumalabay sa likod nito.

Nang makarating sila sa mansion ay ibinaba siya ng binata sa tapat ng pintuan.

"Ayan mahal na prinsesa... narito ka na sa palasyo mo.." ani Gerald.

"Tse! ewan ko sayo..." nangingiting irap ni Sarah dito. "Halika pumasok ka muna para makapagpahinga ka saglit..." yaya niya dito.

"Hindi na.. naalala ko kailangan ko pa nga palang sumaglit sa bayan. Titignan ko kung dumating na yung mga inorder kong gamot..." tugon nito.

"Ahh... o sige..." marahang tango ng dalaga.

"But i'll see you tomorrow..." mabilis na wika nito.

"Ha?" takang tanong ni Sarah.

"Bday party ni Solen diba?" paalala nito.

"Ah oo nga pala!" natawang anang dalaga. "Sige i'll see you tomorrow.."

"Sige.. bye..." nakangiting paalam ng binata. Nagsimula na itong lumakad papalayo, at akmang papasok na din si Sarah sa bahay ng tawagin siyang muli ni Gerald.

"Ahm Sarah!"

"Yes?" mabilis na tugon ng dalaga. She was full of enthusiasm.

"I...I hope nag-enjoy ka ngayong araw nato..." saad nito.

Lalo namang lumapad ang pagkakangiti ng dalaga.

"Of course i did... Salamat sa time mo..." overwhelmed na ani Sarah.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon