CHAPTER 22

2.3K 61 10
                                    

Kinabukasan ay maagang umalis si Gerald papunta sa kanyang klinika. Marami kasi siyang kailangan gawin, mayroon din siyang nakatakdang meeting with Laureen.

Nagopen na din kasi ng farm ang mga magulang nito, at si Gerald ang gusto ng mga ito na maging veterinary consultant.

Abala siya sa pagta-type sa computer ng biglang pumasok si Wena sa kanyang opisina.

"Dok nandiyan na  si Ma'am Laureen..." abiso nito.

"Ah o sige papasukin mo..." utos niya.

Hindi naman nagtagal at pumasok na si Laureen sa kanyang opisina. Napakaganda nito sa suot na body hugging dress. Litaw ang mapuputing hita at braso nito which is in perfect shape as well. Bagong gupit at kulay din ang buhok nito na lalong nagcompliment sa pagkamestisa nito. 

"Wow... you look so pretty..." nakangiting salubong ni Gerald dito. Nagyakapan sila at nagbeso sa isa't isa.

"Sus ikaw naman... kadarating ko pa lang binobola mo na kaagad ako." tumatawang sagot ng dalaga.

"Hindi kita binobola.. you really look amazing..." tugon ni Gerald habang inaalalayan itong maupo.

"Naku.. eh di thankyou naman!" hagikgik ni Laureen..

"So.. are you inspired right now huh? may boyfriend ka na?" panunukso ni Gerald dito.

"Wala noh! Ganito lang siguro talaga kapag single... walang problema kaya happy.' tumatawang sagot nito. "Ikaw? Kamusta kayo ni Sarah? Sarah right?"

Sa halip na sumagot ay nakangiting ipinakita ni Gerald ang kanyang singsing.

"Oh my gosh... pls tell me it's not a wedding ring!" nashock na ani Laureen.

"Well.. actually it is...we got married two weeks ago." proud na wika ni Ge.

'Oh my!! gulat na anang dalaga. w-well co-congratulations then.." tumayo ito at yumakap sa kanya. Bakas pa rin sa mukha ng dalaga ang labis na pagkagulat. "Naku Dok, alam ba niya na magkakatrabaho tayong dalawa? I have a feeling kasi na hindi niya ako gusto eh.. remember nung nagkita-kita tayo sa school?" natatawang ani Laureen.

"Of course she likes you... may sumpong lang siguro noong time na yun." pagsisinungaling ni Gerald.

"Oh okay...' tumatawang tugon ng dalaga.

Samantala... Dumating naman si Sarah sa clinic ni Gerald. Dala dala niya si Sage sapagkat nakita niya na lamang na puro sugat ito. Ang sabi ng isa sa mga trabahador ni Gerald ay pumunta daw ang aso sa katabing farm kung saan may malalaking breed ng aso. Malamang ay nakipag-away ito doon.

"Ay good morning Ma'am Sarah! Hindi nabanggit ni Dok na dadating pala kayo.." masayang bati ni rowena sa kanya.

"Hi Rowena! hindi alam ni Ge na darating ako, biglaan lang ito kasi tignan mo si Sage oh.. nakipag-away ang daming sugat." ani Sarah 

"Ay hala oo nga ano? Kawawa ka naman Sage..." alo nito sa tuta.

"May pasyente ba siya Wena?"

"Wala Ma'am pero may kausap siya sa loob...'

"Sino?" 

"Si Ma'am Laureen...'

Sukat doon ay tila nagpantig ang tenga ni Sarah. Bakit kausap ni Gerald ang babaeng iyon?!

"A-anong pinaguusapan nila?" seryosong tanong ni Sarah.

"Eh si Dok yata ang magiging doktor nila sa farm nila. Nagbukas yata kasi sila Maam Laureen ng bakahan, saka poultry tapos kinuha na rin niya si Dok na magmaintain sa mga alaga niyang kabayo." paliwanag ni Wena.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon