CHAPTER 20

3.1K 76 14
                                    

"Bebeng nasa ref pa ba yung cake? Mamaya ipalabas mo na ha.. tapos magpatimpla ka na din sa kanila ng iced tea." natatarantang utos ni Lola Heni sa kasambahay.

Aligaga na sila sapagkat anumang oras ay paparating na sila Sarah mula sa kanilang halos isang linggong bakasyon. Nami-miss niya na ang kanyang apo kung kaya naman sobrang natataranta na silang lahat.

"Senyora ok na po lahat, ilalabas na lang kapag nandiyan na sila.." tugon ni Bebeng habang inaayos ang lamesa.

"Senyora nandiyan na po yata sila!" sigaw ni Solen mula sa labas.

"Ay nandiyan na raw! halika Bebeng salubungin na natin..." nagmamadaling wika ni Lola Heni.

Dali dali silang lumabas sa mansion at nakita nga nila na inaalalayan na ni Gerald si Sarah pababa ng sasakyan. Kapwa napangiti ang dalawang matanda sa eksenang iyon. Sa edad nilang iyon ay hindi nila mapigilan ang kiligin kapag nakikita nilang sweet na sweet ang magkasintahan (yun ang alam nila).

"Lolaaaaaaaaaaa!!!!! Nanaaaaayyyy!!!!" masayang sigaw ni Sarah at patakbong yumakap sa kanila. Si Gerald naman ay todo ngiting nakasunod lamang sa asawa. Gwapong gwapo ito sa suot na shades at polo.

"Apo ko!!! Naku... namiss ka namin ah grabe... ang tahi-tahimik dito sa bahay nung wala ka." masayang ani Lola Heni.

"Oh ngayon Lola may maingay na ulit!" tumatawang sagot ng apo.

"Oh ano? Kamusta kayo? Ikaw Heraldo? lalo kang gumwapo ngayon ah... mukhang nag-enjoy ka yata ng husto." Malaman na saad ng matanda dito.

Tumatawang niyakap ni Heraldo ang dalawang matanda.

"Siyempre naman po Lola, talagang nag-enjoy... sobra!" nakangising anito sabay tingin kay Sarah.

Natatawang yumakap si Sarah sa baywang ng asawa.

"Tayo na sa loob at nang makapagmeryenda kayo... Panigurado pagod kayo..." yaya ni Nanay Bebeng sa kanila.

Magkahawak kamay na pumasok sa loob ang mag-asawa habang ang kabilang braso naman ni Sarah ay nakaakbay sa kanyang abuela.

"So kamusta ang bakasyon ninyo? Enjoy ba ha?" nakangiting tanong ni Lola Heni sa dalawa habang magkakaharap sila sa hapag kainan at nagmemeryenda.

Nagkatinginan naman si Gerald at Sarah.

"Ano Babe, sabihin na ba natin?" tanong ni Sarah.

"Ikaw bahala Babe, walang problema sa akin..." nakangiting tugon ni Ge.

"A-ano yun?" nagpalipat lipat ang tingin ni Lola Heni sa kanila.

"Lola...." nakangiting ipinakita ni Sarah kay Lola Heni ang kanyang diamond ring.

Awtomatikong napasinghap ang matanda pagkakita niyon. Maging si Nanay Bebeng ay napatutop din sa bibig nito.

"Oh my God... engaged na kayo???" di makapaniwalang bulalas ng Donya. Kapagkuwan ay nagpakawala ito ng malutong na tawa. "Congratulations mga apo..."

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon