CHAPTER 30

2.7K 77 31
                                    

"Uhhmm... Babe..." ungol ni Gerald. Pumihit siya patalikod dahil antok na antok pa rin siya.

"Hoy gumising ka na nga diyan.. Ge! Gege!!!" 

"Babe naman huwag mo naman akong paahin.." nakapikit na anang asawa.

Ramdam kasi ni Gerald ang paa ni Sarah sa mukha niya. At paa talaga ang ginamit na panggising?! :)

"Eh bumangon ka na nga kasi sabi diyan eh!" patuloy na kinikiskis ni Sarah ang kanyang talampakan sa mukha nito.

Maya maya ay pupungas pungas itong bumangon. 

"Bakit ba Babe? Anong oras na ba? Ang dilim pa oh..." ani Gerald habang kinukusot kusot ang mata.

"Alas sais na po ng umaga mister.." nakataas ang kilay na ani Sarah.

"Oh ang aga pa... bakit? may gagawin ba tayo? May pupuntahan ba tayo?"

"Gusto ko ng mangga!" nakalabing saad ni Sarah.

"Mangga?? Mangga naman ngayon?? Babe.. ang aga pa, baka naman sumakit ang tyan mo niyan." bumangon si gerald at naupo sa tabi ng asawa.

"Gusto ko ng mangga..." inulit lang ni Sarah ang sinabi niya habang nakatingin sa asawa.

Napangiti na lamang si Gerald dito. Ibang klase pala maglihi itong asawa niya. Nagiging weird masyado!

"O sige Babe... gumayak ka na at pupunta tayo sa farm ninyo.. Magpapakuha tayo ng mangga.. dali.." pinatayo niya na ito and when she got up, he jokingly gave her a slap on her behind.

"Ay ano ba!" nagulat na anas ni Sarah. Binalikan niya si Gerald at hinampas naman ito sa balikat.

"Aray!" tumatawang reklamo nito. 

"Aray mo mukha mo!" irap sa kanya ng asawa bago tuluyang pumasok sa banyo.

nang makapasok si Sarah sa banyo ay nakangisi naman siyang sinundan ni Gerald doon. Nakita niyang nagsesepilyo ito sa lababo. Marahan niya itong nilapitan at niyakap mula sa likuran nito.

Awtomatikong nanglaki ang mata ni Sarah ng may kung ano siyang naramdamang bagay sa kanyang likuran. Dali dali niyang pinunasan ang kanyang bibig at humarap sa asawa.

"Hoy Gerald ano ba yan!" pagalit na aniya dito.

"What?" nakangising tugon nito habang hinahawi ang kanyang buhok at nakatitig sa kanya.

"Ang aga aga yang ano mo nagwawala!!!" namumulang wika ni Sa.

Sukat doon ay natawa si Gerald.

"Babe, its flag ceremony time..." panunukso nito sa kanya.

"A-anong flag ceremony time?!" irap niya dito kahit ang totoo ay nagsisimula na siyang ma-tense. Ayun na naman kasi ang nakakatunaw na titig nito, at ang mga mapaglarong kamay nito na noong mga oras na iyon ay kung saan saan na naglalakbay.

"Hindi mo alam kung ano ang flag ceremony time?" nakangiting tanong nito sa kanya. Lalo pa siyang hinapit nito kaya't halos magdikit na ang mga mukha nila. At siyempre ramdam na ramdam niya ang flag pole nito!

"My Gaaaaahhhhhddd!!!!!" tili ng utak ni Sarah.

"Gerald ano ba! Gagayak na ako, gu-gusto ko ng pumunta sa farm!" para siyang nanghihina habang nagpupumiglas dito.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon