CHAPTER 12

2.8K 70 12
                                    

"Sigurado kang hindi mo babalikan yung bisita mo? Baka magtampo naman yung kaibigan mo.. yung Monette.." ani Gerald sa dalaga habang nagkakalkal siya sa ref.

"Ay hindi.. nagkausap na kami... magkikita na lang kami sa kasal ng ate niya next week..." tugon ni Sarah.

Napatingin sa kanya ang binata.

"Saan yung kasal?" tanong ni Gerald.

"Sa Maynila..." kibit balikat ni Sarah. Tuluyan ng napatigil sa pagkakalkal ang binata. Lumakad ito papalapit sa kanya.

"So talaga pa lang luluwas ka ng Maynila eh... babalik ka pa ba?" worried na tanong nito.

Nakangiti namang kumapit si Sarah sa bisig ni Gerald.

"Depende yan..." nakangiting anang dalaga.

"Depende saan?" kunot noong tanong ni Ge.

"Kapag sumama ka sa akin babalik ako..." nagtaas baba ang kilay na ani Sarah. 

"Sasama ako?"

'Oo, bakit? ayaw mo ba?" bumitaw sa pagkakakapit sa kanya ang dalaga.

"Hindi naman sa ayaw kaya lang hindi naman ako imbitado doon..."

"Hmp!" nakalabing humalukipkip si Sarah.

"Asus... anong drama naman yan ha... halika nga dito..." masuyong hinila ni Gerald ang dalaga. Ipinalupot niya ang kanyang kamay sa bewang nito.

"Sige ok lang kung ayaw mo... Lahat sila may partner, ako wala... Sabagay nandoon naman si Chard.. Mapipilitan akong maging partner siya.." bubulong bulong na saad ni Sarah.

"Ano? Nandoon ang mokong na yun?" napadiretso ng tayo ang binata.

'Siyempre... pinsan ni Chard yung mapapangasawa ng ate ni MOnette eh..."

Awtomatikong nagdilim ang mukha ni Gerald.

"Sige sasama na ako..." seryosong wika nito..

"Hindi huwag na.. ayaw mo eh..." iling ni Sarah.

"Shuuushhh... sasama na sabi eh..." pinisil nito ang ilong ng dalaga.

"Sure ka?" paniniguro ni Sarah.

"Oo nga... mamaya pormahan ka na naman nung Chard na yun eh..." anito na umakbay pa sa kanya.

"Good!!!" todo ngiting sagot ng dalaga.

Napapangiti naman siyang tinignan ni Gerald. Kapagkuwan ay ngumuso ito sa kanya na siya namang ginaya ni Sarah. Tatawa tawa silang bumalik sa pagluluto.

Manila.....

Kasalukuyang nasa study room si Menandro. Abala siya sa pagre-review ng kanilang mga account transactions, at lubha siyang nagtataka sa account ni Magda. Pinagawan niya kasi ito ng sarili nitong account at doon pumapasok ang monthly allowance nito. Nagtataka siya sa laki ng overdraft nito. Naalala din niya na humingi sa kanya ng fifty thousand ang babae just two weeks ago. Nakiusap daw ang kapatid nito na pahiramin ng pang-puhunan sa negosyo. Agad niya naman itong binigyan ng pera, ngunit ngayon ay nagkakaroon na siya ng paghihinala. Tama nga kaya ang anak niya tungkol sa kanyang kasintahan? 

Bigla niyang naalala si Sarah... nami-miss niya na ang kanyang unica hija.. kamusta na kaya ito? Siguro ay abot langit na ang galit nito sa kanya. Dala ng kanyang kalungkutan ay naisipan niyang tawagan ito.

"Hello? Anak?"

"Daddy... napatawag po kayo?" her voice was calm..

"Pasensya ka na anak... na-miss lang kita..." tila may bumikig pa sa lalamunan ng ama ng sabihin niya iyon.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon