CHAPTER 36

2.5K 77 36
                                    

THE BIG DAY!

Nagising si Sarah ng umagang iyon na wala na si Gerald sa kanyang tabi, ngunit pagbaling niya sa kabilang side ng kama ay mayroon siyang nakitang pahabang kahon na may kalakip na card.

Dali dali niyang binasa ang nakasulat dito.

Babe,

Im so sorry if i am not able to be with you on your bday... but i hope you enjoyed our celebration last night... I love you so much and i'll do my very best to go home early today.. Happy bday Babe...

Napangiti si Sarah sa mensahe ng kanyang asawa. Sinunod niyang buksan ang maliit na kahon. Napahawak siya sa kanyang dibdib ng makita ang laman niyon. Isa itong white gold bracelet na may palawit na anghel. Maluha luhang isinuot iyon ni Sarah sa kanyang kamay. 

"Thankyou Lord..." mahinang usal niya habang lumuluha. 

Sino ba ang magaakalang mabibiyayaan siya ng ganitong klaseng asawa? Siya na yata ang pinakamaswerteng babae sapagkat nagkaroon siya ng napakabait, napakaresponsable, at napakagwapong kabiyak. 

Kumpleto na sana ang kaarawan niya ngunit nakaramdam siya ng lungkot sapagkat wala roon ang kanyang pinakamamahal.

Nasa ganoon siyang pagiisip ng makarinig siya ng sunod sunod na katok. Dali dali niyang isinuot ang kanyang roba at nagmamadaling pumanaog sa hagdanan.

"Sarah!! Anak.. Happy birthday!!!!" sinalubong siya ng yakap at halik sa pisngi ni Nanay Bebeng.

"Nanay!!!" masayang yumakap si Sarah sa kanyang tagapag-alaga.

"Eto nga pala ang regalo ko sayo..." iniabot nito sa kanya ang isang paper bag.

"Salamat Nanay..." muli siyang niyakap ni Sarah. "Ano nga po pala ginagawa niyo dito Nay?"

"Tinawagan kami ng asawa mo, nirequest na sunduin daw kita.. Hindi ka daw kasi niya magising kanina dahil ang sarap ng tulog mo."

"Ganun ba Nay? eh ano po bang meron sa mansiyon?" iginiya siya ni Sarah papasok sa loob ng bahay.

"Eh nagluto lang kami ng konti... may konting lobo, cake saka music..." nakangiting tugon nito.

"Ok sige gusto ko yan.. Halika sa taas nay magre-ready na ako." yaya ni Sarah.

"Ay teka.. eto nga pala pinabibigay ng Lola mo.. yan daw ang isuot mo..."

Binuksan ni Sarah ang paper bag at tumambad sa kanya ang isang casual dress. fuschia pink ang kulay nito na haltered neck ang pagkakayari.

"Wow! Ang ganda naman.. sige nay eto ang isusuot ko." nakangiting saad ni Sa.

It was almost lunch time ng matapos sa paggayak sina Sarah at Nanay Bebeng. Sumakay na sila sa van na kanina pa naghihintay sa kanila.

Habang tinatahak nila ang daan patungong Hacienda Del Rio ay biglang nag-ring ang cellphone ni Sarah.

"Hello Babe!!!"

"Babe happy birthday..." bati ni Ge.

"Thankyou... nasaan ka na? bakit di mo ako ginising kanina?" medyo malungkot ang boses na tanong ni Sarah.

"Sorry Babe ha.. ang sarap kasi ng tulog mo kaya di kita nagising... nakita mo ba yung gift ko sayo?"

"Oo ang ganda.. suot ko nga siya ngayon eh.." nakangiting tugon ni Sarah.

"Im glad you liked it... ano nasaan ka na? Tinawagan ko kasi si Nanay Bebs kanina eh..."

"Papunta na Babe, eto nga kasama ko na si Nanay ngayon.." bumaling si Sarah kay Nanay Bebeng na noon ay nakangiti lamang na nakikinig sa kanila.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon