CHAPTER 8

2.8K 68 17
                                    

It was a good sunny day. Katatapos lamang mag-jogging ni Sarah ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali dali niya itong sinagot.

"Hello?"

"Hi girlfriend!!!!" kikay na pagbati ng nasa kabilang linya.

"Oh Monette! Napatawag ka, kinalimutan niyo na yata ako eh..." hinampo niya sa kaibigan.

"Ikaw naman! Busy lang kaya di kami nakakatawag sayo.. masyado ka namang matampuhin!" tumatawang saad nito.

"Yeah right! Busy saan aber?!" natatawang tugon ni Sarah, alam niya namang hindi totoong busy ito dahil katulad niya ay wala rin itong pinagkakaabalahan sa buhay.

"Sa kung saan saan.. gimik dito gimik doon.. kelan ka ba uuwi ha? Miss ka na ng barkada..."

"Naku.. hindi ko pa alam eh..." nakangiting tugon ng dalaga.

"Kailangan mo ng umuwi kasi may naghahanap sayo..." humahagikgik na anang kaibigan.

"Ha? Sino?" takang tanong ni Sarah.

"Si Chard! grabe ang kulit kulit! tanong ng tanong kung kelan ka uuwi eh wala naman akong maisagot sa kanya. Kaya nga tinawagan na kita eh." ang ex boyfriend ni Sarah ang tinutukoy ni Monette.

Si Richard Montecillo o mas kilala bilang Chard ang naging nobyo ni Sarah for 3 months. He was alright. His family owns a chains of restaurants in Manila. Mabait naman ito at may ambisyon din sa buhay. Isa rin ito sa mga pinakagwapo sa mga Bachelors sa Manila. 

He loves Sarah but their relationship didn't last because Sarah doesn't feel the same way for him. 

"Hay naku.. hayaan mo siya... titigil din yun..."

"I don't think so Sis! Pilit hinihingi ang number mo eh hindi ko naman maibigay kasi baka magalit ka sa akin..."

"Ay oo talaga.. huwag mong ibibigay at kukulitin na naman ako nun..." mabilis na tugon ni Sarah.

"Ok.. so ano na nga? Kelan ka uuwi kasi nagpa-palno sila Jenny na magpunta ng singapore next month, kailangan kasama ka..."

Sasagot sana si Sarah ngunit nakita niya mula sa balkon si Gerald na naglalakad papalapit sa kanila. May dala dala itong maliit na aso. Labis na napangiti ang dalaga.

"Sis! Hello? nandiyan ka pa ba?" untag ng kausap niya sa kabilang linya.

"Ah.. sis.. i'll call you back i have to go.." hindi na hinintay ni Sarah na makasagot si Monette. Dali dali niya ng pinindot ang end button at nagtatakbong bumaba sa hagdanan upang salubungin ang binata.

'Goodmorning!" masayang bati ni Sarah kay Gerald. "ang cute naman ng puppy! Sayo yan?" tuwang tuwang anang dalaga.

"Hindi... sayo..." nakangiting tugon ng binata habang nakatingin sa kanya.

"Ha? Sa akin?" takang tanong ng dalaga.

"Yes... regalo ko sayo..." iniabot ni Gerald ang tali kay Sarah. Speechless namang tinanggap iyon ng dalaga. Kapagkuwan ay napatingin ulit siya sa binata.

"Sigurado ka pa-para sa akin ito?" hindi makapaniwalang tanong ng dalaga.

Nakangiting tumango lamang si gerald sa kanya. Sa sobrang tuwa niya ay nayakap niya ang binata. Nagulat naman ang huli ngunit mabilis ding nakabawi, napayakap din siya kay Sarah. 

"Thankyou!!!" saad ng dalaga. Lumuhod ito at nilaro ang makulit na tuta.

"So anong ipapangalan mo sa kanya?" tanong ni Gerald na lumuhod din.

"Uhmmmm...' napaisip ang dalaga. "Sage!'

"Sage? diba herb yun?" takang tanong ng binata.

"Hindi ano ka ba... Sage! It stands for Sasa and Gege, Sage!" bungisngis na ani Sarah.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon