CHAPTER 11

2.7K 75 19
                                    

Natigil si Gerald sa paglalakad ng makita niyang papasalubong sa kanya si Sarah. May kasama itong matangkad at mestisong lalaki.

Halatang nagulat din si Sarah ng makita siya nito.

"Sino yung kasama niya?" tanong ng binata sa sarili.

While Sarah, at the back of her mind... Halos mapatakbo siya ng makita si Gerald. Gusto sana niya itong dambahin ng yakap at halik ngunit naalala niyang kasama niya si Richard. Galing sila sa bakahan kung saan naiwan pa sina Lola Heni at sina Monette dahil nag-eenjoy pa ang mga ito sa pagga-gatas ng baka. 

Kahit naman wala siyang nararamdaman para kay Richard eh hindi niya naman maaatim na makitang nasasaktan ito. Ramdam niyang nakatingin sa kanya si Richard, kaya't sumulyap siya dito. 

After that, she walked towards Gerald's direction.

"Hi..." mahinang bati niya dito.

"Hi.." alanganin ang ngiting tugon nito.

"Para sa akin ba yan?" turo ni Sarah sa hawak ni Gerald na bulaklak.

"Ha? Ah... yeah..yeah.. of course..." natatarantang iniabot ng binata sa kanya ang boquet.

Magsasalita sana si Sarah ng marinig niya ang malakas na pagtikhim ni Chard. Kapwa sila napatingin dito.

"Ahm...Gerald... si ano nga pala... si Richard... Richard.. si Gerald.." pakilala ni Sarah. 

Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng tensiyon ng mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay naiipit siya sa dalawang malaking bato.

"How's it?" kaswal na bati ni Chard.

"Good.. thanks..." tugon ni Gerald habang nakikipagkamay dito.

Lingid sa kanilang kaalaman ay kapwa nilang palihim na sinusuri ang isa't-isa.

"Matangkad ka lang pero mas gwapo ako sayo..." ani Gerald sa isip.

"Eto ba ang dahilan kaya't ayaw na akong balikan ni Sarah?" anaman ni Chard.

Kapwa sila nagpalitan ng tingin na mapang-uri.

"Ahm guys!!! Tara sa loob ng bahay! Ang init dito eh.. wheew!!!" basag ni Sarah sa katahimikan. Literal siyang naiinitan at pinagpapawisan sa eksena nila.

Sumunod naman sa kanya ang dalawang binata.

"Diyan muna kayo ha? Kukuha lang ako ng drinks ninyo." pasintabi ng dalaga.

Dali dali siyang nagtungo sa kusina.

"Jusko! Nakakawindang naman ito!" bulong ni Sarah sa sarili. Tensiyonado siyang nagsalin ng inumin sa baso.

Samantala.... 

'So pare, do you live around here?" tanong ni Chard kay Gerald.

"Yeah... Actually diyan lang ako sa katabing farm..."

"Ah... so you're a farmer?" nakangiting tanong ng lalaki.

Bahagyang nag-init ang punong tainga ni Gerald dito. Bakit parang may himig pangmamaliit ang tono nitong kumag na ito?

"No.. I am a veterinarian, i own the farm/ranch because i sell horses as well..." pino ngunit may diing sagot ni Gerald. Ayaw niya sa lahat yung nagyayabang pero hindi naman siya makakapayag na mamaliitin siya ng taong hindi naman niya kilala. Lalo na kung may interes din sa kanyang babaeng minamahal.

"Oh ok..." tango nito.

"Kelan ka pala dumating dito? Saka hanggang kelan ka dito?" tanong naman ni Gerald. This time siya naman ang may tono.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; YOU GOT ME!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon