Prologue

21 1 0
                                    


Unang kita ko sa kanya ay nung nasa 'MilkteaNa' ako, Occupied na ng couple lahat ng upuan na pang dalawahan lang kaya na no choice akong umupo sa 4 seaters table.

I saved my seat using my school bag, para naman walang umupo doon.

Pagbalik ko sa upuan ko ay may dalawang lalaki na na nakaupo, I approached them quickly,

"Uhm, excuse me lang po, nakaupo na po kasi ako diyan. " sabi ko at napatingin silang dalawa,

"Nako miss, sa'yo pala ang bag na yan. Actually, nauna talaga kami dito sa seat na 'to. Kinuha lang namin yung order namin, nakalimutan nga lang namin mag iwan ng palatandaan."

"Uhm, eh..."

"Kung ayos lang po sayo, makiupo ka na lang po sa amin, masyado kasing marami tao ngayon dito kaya wala ka nang ibang mauupuan." sabi naman nung isang lalaki at nag-iisip pa ako,

Tinawag naman ako nung nasa cashier kaya tumango nalang ako kay kuyang nag offer,

Dahil magkasama kaming tatlo sa isang table, nagbatuhan kami ng questions sa isa't isa para hindi awkward, doon ko nalaman na schoolmates ko pala sila.

After that, hindi ko na sila nakita pero in-add friend nila ako sa facebook, I stalked them both and nacute-an ako sa posts ni Mike, more on pictures with family niya kasi.

After many weeks, nagkaroon na kami ng reporting kaya kailangan kong pumunta ng library, habang naghahanap ako nung book na kailangan ko, nagulat ako ng makita si Mike na nasa gilid ko lang pala,

"oh, Mike?" natatawang sabi ko ,

"Hi, Ivory..Long time no see ah?"

"Oo nga eh, kamusta naman?" tanong ko,

"Eto nakakaramdam na ng stress." sagot niya naman,

"Ano bang course mo?" tanong ko,

Ngumiti naman siya, "Law." at napa wow naman ako,

"Maganda yan, mataas sweldo." sabi ko at tumawa siya,

"Anong nakakatawa? Tsaka hinaan mo lang, nasa library tayo oh.." bulong ko at tinuro ang paligid,

"Anong hinahanap mo?" tanong niya at umiling ako,

"Nahanap ko na siya, ang kailangan ko nalang gawin ay hiramin sa librarian."

"Sabi ko nga, sama ka sakin maya? Magmimilk tea ako." sabi niya at napailing ako,

"Nako, nag-iipon ako sa ngayon, Nasaan pala si Zuel?" tanong ko,

"Wala eh, absent, arat na mamaya, hintayin kita sa 1st gate ng school?"

Tumango nalang ako,

Hanggang sa narealize ko nalang isang araw, lagi kaming nagchchat, lagi kaming magkasama sa uwian, lagi kaming nagkikita sa library..I didn't even think na mamahalin ko siya.

At nung araw na sinabi ko sa kanyang mahal ko siya, mahal din pala niya ako, hindi rin nagtagal ay naging kami na rin pero hindi muna namin ito sinabi sa mga magulang namin.

Nung graduation ko, nagpunta siya sa amin, at doon humingi ng tawad sa mama ko dahil pumayag siya na isikreto muna namin ang aming relasyon. Wala naman nang magagawa si mama dahil matagal na palang kami at wala ding masamang nangyari noong nag-aaral palang ako.

Dahil doon ay mas tumibay ang relasyon naming dalawa, sinusuportahan ko siya sa bawat activity na sasalihan niya sa school, minomotivate ko siya tuwing nadadown siya dahil sa mga kaklase niya. Kapag sunday naman, lagi kaming may date at sinusulit namin ang buong araw. Nahirapan akong maghanap ng trabaho dahil sa course na pinili ko, kaya nagstart akong magworry para sa future ko pero kahit na busy siya ay may time pa rin siyang puntahan ako sa bahay para pagaanin ang pakiramdam ko.

Tinulungan rin niya akong makahanap ng trabaho pero hindi ko na pinalalim pa ang pagtulong niya dahil kailangan niya magfocus bilang law student, at isa pa, nakapasok rin naman ako sa NoEnd Company, oo, maliit palang siya pero balang araw sisikat din ito panigurado.

Naging author ako kaya masyado akong naging busy sa pagprocess para mapublish yung libro ko pero hindi yun humadlang sa relasyon naming dalawa, nagkakaroon man kami ng tampuhan, hindi naman iyon nagtatagal.

Hanggang sa nakagraduate niya siya, nakapasa sa exam, at naging lawyer. First 5 months niya as a lawyer nakakapagbonding pa kami, pero habang tumatagal ay bumababa na ang chance na magkita kami, isa pa ay nagstart akong magblog at nakipag interact din ako sa mga small artists (vlogger) ng company namin kaya naimpluwensiyahan nila ako magvlog.

It was 12 days before our 7th anniversary nung pinuntahan ako ni Zuel sa company namin,

"I can't take it anymore, Ivory." sabi niya kaya niyaya ko siya sa canteen,

"Why?? May nangyari ba? Kamusta si babe?"

"I'm sorry Ivory, but Mike is cheating on you."

"Wtf? What the heck? Hindi nakakatuwa yung ganyan, Zuel ah? Ilang weeks na kaming hindi nagkikita kaya huwag kang magsasabi ng ganyan!"

"Believe me, Ivory, nahihirapan na kasi akong pagtakpan siya, napakabait mo sa kanya, at nakikita ko yung sincere love mo pero hindi niya yun makita at hinanap niya ito sa iba..sa ka law firm niya. I could show you the pictures of them cuddling, dating--"

"What the heck? Baka nagkakamali ka lang ng interpretation?"

"No, I'm not..I won't accuse without a proof. Remember, I'm a lawyer too. " sabi niya at hindi ko alam paano ko tatanggapin lahat ng nalaman ko, nung ipinakita niya na sa akin yung mga pruweba na hawak niya.

Pagkatapos noon ay pinuntahan ko si Mike sa law firm nila...tama nga ang sinasabi ni Zuel.

"Mike, paano mo nagawa sa akin ito?"
Tanong ko at nagulat siya kaya napalayo siya sa babae niya, hindi nagulat yung babae,

"Ang professional niyo naman." sabi ko at nilapitan ako ni Mike, "Mag-usap tayo sa labas." sabi niya kinalmahan ko lang,

Pumunta kami sa parking lot, "Ilang taon mo na ba akong niloloko? Ilang week na lang 7 years na tayo, Mike! Ang tagal na natin! Nasubukan pa natin ang LDR tapos ganito lang?"

"Bakit? Anong problema sakin? Kulang na kulang ba talaga ako? Masyado na ba akong naging busy para mawalan ng oras sayo? Lagi naman kitang kinakausap ah?"

"Sorry, Ivory..We should break up."

Hindi ko na napigilan ang luhang tumutulo sa mata ko,

"B-bakit ganyan ka Mike? Ganun na ba kadali sayo lahat ng toh? Ganun ba kadaling kalimutan yung 6 years sa'yo?!"

"N-no..pero ayaw ko na masaktan ka pa."

"Ayaw mo pala ako masaktan pero bakit ka nagloko? Tingin mo ba hindi ako nasaktan doon?" tanong ko pa sa kanya

"Bakit hindi ko man lang nakikitaan ng konsensya yung mga mata mo? Talagang gusto mo akong lokohin?"

"I'm sorry, Hindi ko naman inaasahan na mapapatawad mo ako ngayon pero sana balang araw. I'm sorry, kasalanan ko."

"Leave me now, Vory..Parehas lang tayong mahihirapan."

"I.. hate you, Mike." yun lang ang sabi ko at umalis na,

Hindi ko nanaman mapigilan ang luha habang nagtatype ng sasabihin para sa mga fans ko,

[Hey, what's up Ivory's here! I wanna post something personal, so, judgments doesn't really matter right now. Everyone is so curious about what happened to me, why did I stop vlogging and blogging. So, here's the tea, Mike and I broke up last last week. I know I'm not vlogging with him but we've been together for 6 years, we're mature enough to understand our situation but that is hard for the both of us, I'm an author, vlogger, blogger and film scriptwriter/ editor, while he's a lawyer, so that's really kinda making us both busy. We have no time for each other, until we got into a conversation and decided to break up. That's it guys, we both agreed to split up, so to my Ivorybabies out there, you don't have to worry about me, I'm fine. We're cool, love you guys, I appreciate your concerns so much. Maybe I'll be vlogging and blogging again next week, I'll update y'all. Peaceee muah!]

Simula ngayong araw na ito, Mike.. Kakalimutan na kita.

Past, Present, and my FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon