PROLOGUE

2.4K 152 16
                                    

Isang araw, biglang nagbago ang kalakaran ng mundo. Ang limitasyon ng tao at ang pagkakakilanlan nila bilang mga limitado at mahihinang uri ng nilalang ay biglang nglaho dahil sa di inaasahang pangyayari.

Bago matapos ang taong 2037, namataan ng NASA ang isang malaking bulalakaw na patungo sa direksyon ng Earth na maaaring maging dahilan ng pagkasira nito. Agad na naalarma ang mga tao sa balitang ito. Bunga nito ang pagkakagulo nila dahil sa labis na pangamba.

Enero 2039, hindi nagtagumpay ang NASA na pigilan ang bulalakaw kaya't tuluyan itong bumagsak sa Pacific Ocean. Dahil dito, hindi naging malala ang naging pinsala nito sa mundo. Sa pagbagsak ng bulalakaw ay nagliwanag ang kapaligiran at yumanig ang mundo.

Walang kaalam-alam ang tao na sa araw na iyon, nakatakda na ang kanilang partial evolution sa mas mataas na lebel nito: ang mga mapalad na pinili ng System na kung tawagin ay [CORE] ay pinagkalooban ng angking kapangyarihan na maaaring gamitin upang protektahan ang mundong kanilang ginagalawan mula sa mga pwersang nagnanais na angkinin ito.

20% ng populasyon ng mga tao ay nagkaroon ng iba't ibang uri ng kakayanan. Sila ay kilala bilang mga Casters. Ang natitirang 80% naman ay nanatiling normal. Sila naman ang umaasikaso sa tradisyonal na mga trabaho.

Ang [CORE] ay isang artificial intelligence na nagsisilbing personal assistance o guardian ng bawat indibidwal. Dito makikita ang personal information ng mga Casters. Makikita rito ang kanilan Stats, Skills, Attributes at iba pa. Ito rin ang magbibigay ng Quests upang makahakot sila ng rewards katulad ng Titles at Special Items.

Sa pagbagsak ng bulalakaw ay nagkaroon din ng mutation ang mga hayop dahil sa impluwensya ng enerhiyang kumalat sa mundo. Nag iba anganyo nila at naging mas marahas at mas malakas ang mga ito kaya naman sa isang iglap, maraming lugar sa mundo ang naging delikado sa tao kaya't minabuti nalamang ng marami ang lumisan doon.

Kasabay ng mga pangyayaring ito, ang lahat ng mga kasangkapan sa mundo katulad ng mga sandata, pananggalang, at iba pang mga kagamitan ay nagkaroon ng random Stats at Attributes at naging mga equipable items.

Ang mga items na ito ay nahahati sa iba't ibang Grades: Common, Uncommon, Rare, Epic, at Legendary.

Ang Common grade ang pinakamababang grado samantalang ang Legendary naman ang pinakamataas.

Sa kasalukuyan, Rare grade pa lamang ang naitalang may pinakamataas na grado sa lahat ng mga natuklasang itams sa buong mundo at ang pang walo at pinakahuling Rare graded item na naitala ay ang《Queen's Scepter》na isang heirloom ng royal family ng United Kingdom. Nabili ito sa isang auction house na kung tawagin ay Artcurial na matatagpuan sa Hôtel Marcel Dassault sa Paris's Champs-Élysées.

Ang Rare rated item na ito ay nabili sa tumataginting na halagang 375,000,000,000 Pesos.

《Queen's Scepter》

Grade: Rare

Stats: [Attack:120-138][Durability:86/86]

Attributes: Adds 3% additional damage to magic type skills. Has a low chance of conjuring fear to nearby enemies

Description: A transformed heirloom of a royal family turned into a magical scepter used by mages.

2042, Simula noong bumagsak ang bulalalakaw ay unti-unti na ring naging normal sa mga tao ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng iba sa kanila. Ang mga Casters at mga normal na tao ay natutong mamuhay na magkakasama at nagtutulungan sa pang araw-araw na buhay.

Sa taon ding ito, bigla na lamang naglitawan ang mga portal na tinawag na Gate na naglalaman ng dungeons sa iba't ibang dako ng mundo. Naalarma ang gobyerno ng lahat ng mga bansa tungkol dito dahil sa kawalan nila ng sapat na impormasyon ukol sa mga misteryosong mga Gates na ito.

Ang gobyerno ng Pilipinas ay nagsagawa ng operasyong galugarin ang loob nito upang makakalap ng impormasyon upang maliwanagan ang mga Pilipino patungkol sa mga Gate na ito.

Nagpadala ang gobyerno ng Pilipinas ng maraming volunteer researchers sa iba't ibang dako ng Luzon, Viasyas, at Mindanao upang obserbahan ang mga nagsilitawang Gates at mga adventurers na poprotekta sa kanila upang manguna sa paghalughog sa mga Gate na nasa lahat ng dako ng bansa.

Sa isang taon ng pagdidiskubre sa mga Gate ay naisakatuparan na ng mga volunteer researchers ang kanilang nais. Nakakuha sila ng sapat na impormasyon mula dito.

Ngayon ang huling buwan ng expedisyon kaya't isa isa nang nagsibalikan ang iba't ibang teams para ipasa ang kanilang reports patungkol sa mga lumitaw na Gates.

***

Author: I'd love to hear your thoughts. Please don't forget to vote and leave comments and suggestions. Tbh, I really need a lot of motivation to continue writing so pretty please.

The Altered EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon