Chapter 3 #KEN-REZISAVINGPLAN^o^

70 0 0
                                    

K-Rezi's POV

"ANO BA YAN KANINA LANG PARANG NILALANGGAM NGAYON AWAYAN NA NAMAN" Hahaha:) rinig na rinig kong pag bubulongan ng mga kabarkada ni Jiku maangas na lalaki na hindi ko alam bakit crush na crush siya ni Cathya eh! Mas gwapo pa ako sa kanya, mas matangkad pa ano ba tong taste ni bebspren ko:) ohhkaaay ako na affected! Ahys nakakabakla na to ah! Kadiri naman tong inaasal ko ngayon pero tuwang-tuwa talaga ako sa ginagawa ko kay Cathya ngayon hahahahahaha!! Alam kong mas galit na galit na siya sa akin ngayon kasi nasaksihan talaga ni Jiku baby daw nya ang pa luhod-luhod effect ko. Eh kasi nalaman ko kasi doon sa mga babaeng nag uusap sa canteen na Trend daw ngayon sa LNHS beauties na may crush si bebspren ko kay Jiku. LNHS beauties yan ang Funpage ng skul namin sa mga magagandang babae sa aming school lamang at kabilang si Cathya diyan. Oh siyaa na beyutipul haha:) pero alam niyo bang nagalit si Cathya bebspren ko ng malaman niyang sinali siya sa LNHS beauties

Ang weird talaga ng babaeng nyan ang iba nga parang magpaparty sa tuwa because the possibility will be near that they'll bacome famous eh iba tong si bebspren ko kaya lalo akong humahanga sa pagka alien ng babaeng to sa kung sino man daw ang admin sa funpage na yan gustong-gusto daw nyang yakapin ng mahigpit na may lubid sa leeg. Hahhaa napaka amazona talaga basta wala daw sa passion nya sa buhay ang makilala ng karamihan kasi panigurado daw pakikialaman talaga ng ibang tao ang buhay nya pero wala siyang nagawa kaya hinayaan nalang niya kaya ayun hinding-hindi na nya binuksan pa ang facebook nya para hindi nya makita mga pino-post nila tungkol sa kanya at nang hindi daw siya makakakatay ng tao. Hahahah gagawin talagang baboy ang isang tao biruin nyo KAKATAYIN nya! 

At ayun na nga nakita kong umuusok na ilong ni Cathya sa galit nyang nakita kami ni Jiku. Andito pa rin ako sa room nila at hindi parin nya ako pinapansin bahala siya basta't nasiyahan ako sa ginawa ko kanina.

Ginawa ko lang iyon dahil alam kong magkaka interes na si Jiku sa kanya kasi paniguradong alam na nya na ang isang CATHYA LEWIS na consistent honor student at napaka gandang babae ay nagka-crush sa kanya. Sigurado akong iniisip na ng kumag na yun ang mga da moves nya. Iniisip na nyang package natong babae na to at yan ang hinding hindi ko mapapayagan. MAKAKAHARAP MUNA NIYA ANG ISANG KEN-REZI MOUSEY CORPUS. ヾ(¯∇ ̄๑)

Cathya's POV

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa buwisit na K-Rezi na ito hindi lang kasi ako galit sa kanya ngayon GALIT NA GALIT NA GALIT na. Masyado kasi siyang pilingero para isiping mamahalin ko siya. Oo na naging oa na ako pero anak ng butanding ng aso naman eh! nakita ni Jiku bby ko ang ginawa ni K-rezi sa akin kanina lang. May sinasabi pa siyang kakaiba na..may pa luhod-luhod effect pa siya sa akin.Hindi ko na kinakaya to ahhh kahit na pumikit pa ako nakikita ko sarili ko na gustong gusto nang pumatay ng tao. Hinding hindi ko na talaga siya papansinin everrr. Bahala siya wala na siyang Cathya Lewis na bestpren hindi ko ipapalit sa kanya ang Jiku baby ko no? :))))). Mag pe-pray na nga ako para makatulog na maaga pa naman pasok ko bukas. Excited na rin ako for our exam tom. in physics.Nag study hard kaya ako ngayon:)

"Halika dito Cathya dito tayo para tahimik. Walang sino man ang makakadisturbo sa atin dito."Sabi ng napaka gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon at pamilyar na pamilyar sa akin ang mukha niya. His eyelashes which makes me fall inlove with him; His eyes that shine bright like a diamond. Hoy! Cathya umaandar na naman ang pagiging frustrated singer mo lyrics ng kanta yan.

"Alam mo Cathya hindi biro ang nararamdaman ko sayo. Una palang kitang nakita alam kong ikaw na ang babaeng matagal ko nang pinapangarap na makasama habang buhay. Mahal na mahal kita Cathya.Ikaw ang magiging prinsesa ng buhay ko."

Hindi ako makapagsalita man lang dahil ang nasa harapan ko ngayon ay ang pinaka matagal ko nang pinagnanasaan ay mali! Ang pervert lang ng dating. Ang matagal ko na palang lihim na pinapantasya na walang iba kundi si Jiku baby ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ito na ba? Ito na bang katuparan ng mga kahilingan ko? Ang saya pala ng feeling.

"Bakit hindi ka nagsasalita Cathya hindi mo naba ako gusto.?" Hindi parin ako naka imik sobrang shock na shock lang kasi ang dating ko ngayon parang ganito oh? ⊙_⊙ Inangat nya ang dalawang kamay nya, ang kaliwang kamay nya nasa olo ko habang inaayos ang aking buhok ng dahan-dahan napaka sexy ng pagkakagawa nya para na akong nalulunod nito sa kiliggg as in ohhh! to the Mmmm! To the Ggggg.! Ang kanang kamay nya hinihipo-hipo ang mukha ko pababa sa ilong ko hanggang napunta ito sa labi ko at dahan-dahan nyang nilapit ang mukha nya sa akin. Mga ilang distansya na lamang as in kaunting distansya nalang para madampi na ang napakalambot nyang labi sa aking mas malambot na labi rin ng may... Bogggsh! Boogssh! May isang lalaki ang sumuntok ng napakalakas sa Jiku baby koh hanggang sa makahiga ito at patuloy nya paring sinusuntok-suntok si Jiku marami ng mga dugo ang tumatalsik mula kay Jiku. At kilalang-kilala ko ang umepal na buwisit na anak ng pagong na lalaking sumusuntok-suntok sa Jiku babi koh wala ng iba pa eh di si Ken rezi na naman.

"Tama na yan! Walang 'ya ka tulongggg! Tulong! Tama na! Maawa ka! Tama na plssss.." Umiiyak na ako pero hindi nya parin tinitigilan ang pag susuntok kay Jiku babi. "Tama! Na K-rezi mapapatay na kita walang kapatawaran ang ginawa mo ngayon kaya itong bagay sayo!" Sasaksakin ko na sana siya ng... Nagising ako sa malaking bunganga na naman ni mama ko.

"Hoyyy! Cathyaaaa! GISING na diyan. Late na late ka na kanina pa ako tawag ng tawag sa iyo." At pumasok pa talaga si mama sa kwarto para dito ako bunganga-an.

"Ma.. Anong oras na?, malumanay kong tanong kay mama eh kasi nawala lakas ko sa naging panaginip ko ngayon.

"Hay nako! Cathya 6:30 na kaya bumangon kana diyan at nang mahimasmasan ka sa panaginip mong yan!"

"Ma? Bakit alam nyo tungkol sa panaginip ko? Ibig sabihin.."

"Oo nagsasalita ka habang tulog kaya nga pinuntahan kita dito sa kwarto mo kaso nagsisigaw ka ng tulong natakot nga ako. Ano bang napaginipan mo anak?" Tanong ni mama.

"Ahh! Wala lang yon ma dala lang yon sa pagod ko sa skul." At dali-dali na akong bumangon at dumiretso sa banyo. Natakot ako nun ha? baka ano pang iisipin ni mama baka isipin nyang nag nonobyo na ako tapos mapapabayaan ko na pag-aaral ko hindi pwede yon gusto ko wala silang ibang iisipin kundi ang nagsisikap ako at binubutihan ang pag-aaral ko lamang.

Ericka's POV

Himala ako ngayon ah! Mas nauna akong dumating sa skul sa apat kong mga bbys medyo proud ako sa self ko ngayon. Haha ngayon lang talaga noh? Inspired lang kasi ako sa mysterious guy na nagpapadala sa akin ng mga chocolates and flowers everyday sa bahay namin. Sayang! nga eh! kasi mag tatatlong araw na ngayon ni hindi pa rin siya nagpapakilala sa akin minsan naisip ko nalang baka pinaglalaruan lang ako nina Cathya pero bakit sila mag eeffort na bumili ng mga chocolates at flowers para sa akin diba? Kaya hihintayin ko ang paglalantad nya ng pag-ibig sa akin malay ko ba kung bigtime toh! Bahala na hindi siya masyadong gwapo uso naman ang belo ngayon so payts na! Ayy!! Ano ba tong mga iniisip ko ang layo-layo na parang mapupunta na ako sa Paris nito ah! :)

"Ericka bby!!" sabay sabay na pagtawag ng apat na bbys sa akin sina Thalia, Nicole, Jessele at Cathya.

"Oy! bilisan nyo naman lakad nyo ang pagong-pagong nyo naman." sabi ko sa kanila.

"Wow! Ha? kung maka pagong ka naman sa amin akala mo MOST PUNCTUAL everydaaaay!" Pag se-second voice naman ni Cathya. Itong pinsan ko talaga kahit kailan walang suporta. 

"Hay! nako bahala kayo kung ano sasabihin nyo basta inspired akong gumising ng maaga ngayon." Pagdadaldal ko sa kanilang apat.

"Aba! At bakit naman? Ano namang dahilan?" Pagtatanong ni Nicole saken.

"Hindi ano Nicole, SINO. Mali ang interrogation sentence mo."

"Oh siya sino? Chika ka naman ikaw Ericka ha? Lumilihim ka na sa amin."

"Hindi noh? Hindi ko pa rin nga siya nakikilala."

"Eh papaanong nagiging inspiration muna hindi mo pa pala nakikilala?" Nangugunot na ulo ni Cathya sa pagtatanong.

"Ahh! basta mahabang isturya kung sasabihin ko pa sa inyo ngayon basta kapag nilalantad nya na sa akin kung sino siya do'n ko nalang sasabihin sa inyo kung sino tong misteryosong lalaking to." "Ohh? siya sige na bbys punta na tayo sa room natin malayo pa aakyatin natin siguradong late na tayo nito."  Sige tara na! :))

MY GREATEST DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon