Ken'Rezi POV
Nandito na ako ngayon sa probinsya namin, sa mansyon namin. Nagpahinga muna ako sa kwarto ko na miss ko to eh! :). Pa iba-iba yong posisyon ko sa pag higa eh kasi naman hindi ako makatulog nasa isip ko parin ang mga sinabi ni Cathya saken bago ako umalis.
"I DON'T NEED SOMEONE LIKE YOU" Ang mga katagang yan ang palaging umalingawngaw sa isip ko. Haysss bakit ba affected na affected ako pagdating sa pikon na babaeng yon. "eh kasi nga bebspren mo siya Ken." sabi nung kaliwang isipan ko."baka mahal mo na talaga" pagsabat naman ng kanang pag-iisip ko.
"aaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!" pagsigaw ko bigla sa loob ng kwarto ko.
Agad-agad bumukas ang pintuan ng kwarto ko tapos iniluwa nito ang nanay ninang ko.
"Anakkkk! Ken anong nangyari sayo?" pag-alalang tanong ni Nay ninang.
"ahh wala nay okay lang po ako may ipis kasi eh" pagsisinungaling ko.
"ahhh sus! Maryosepp akala ko kung napa'no kana anak. Naku! bakit naman may ipis dito eh kahit wala ka araw-araw kong nililinisan tong kwarto mo, wala naman akong nakikitang ipis." Nay ninang.
"Baka takot lang ang mga ipis sayo nay baka kasi torture.rin mo sila" pagbibiro ko nang makalusot. Haha
"ayyy baka nga. Ewan ko sayo anak sige punta na ako sa baba at mga ilang oras nalang ang hihintayin natin ay dadating na ang iyong mommy at daddy kaya ikaw maghanda kana diyan at nang makababa ka na din" Ninang
"sige po" tipid na sagot ko kay Ninang. Hayss! Dapat maging masigla ako. Makikita ko na muli ang mommy at daddy dapat masaya ako. Bawal ang badvibes.
Gabi na ng makarating sina mommy sa mansyon napaka traffic kasi daw dahil may festival ngayon sa kabilang baryo. Napaka rami dawng tao kaya hirap ang mga sasakyan na maka daan. Nasa hapag kainan kami ngayon panay ang pag ki-kiss ni mommy sa pisngi ko. Hays! Ginawa pa din akong baby buti nalang wala si... Wag nalang...
"Ma... Ano ba I'm a man already don't act like I'm still your baby mom plss.." ako.
"You're always be my baby anak. Ano ka ba wala ka pa ngang dinadalang girlfriend sa harapan ko at ng daddy mo" si Mommy hindi nalang ako umimik pa sa sinabi nya saken nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
"Madaming girlfriend si kuya Mom wala lang talagang sineseryoso" pagsabat ni Cai." Si Cai yong 10 yrs. Old na kinakapatid ko anak kasi siya ni Nay Ninang. Yong isang babae naman na 7 yrs. Old ay si Mime na kapatid ni Cai. Oo at kabilang na sila ng pamilya namin nakiki-Mommy din siya sa Mom ko. Napaka kulit talaga ng batang to mabuti pa si Mime nakatikom lang ang bibig parati. Pero kahit na labs na labs ko parin silang dalawa kaya ngumiti nalang ako sa sinabi nung bata.
"totoo ba yan Ken Rezi? Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo na ang mga babae minamahal, nirerespeto at inaalagaan hindi sasaktan at lalong hindi paiiyakin." Si daddy nag va-values lecture na naman. Hays!... As always.
"Hindi dad.. Wag kayong maniwala kay Cai bata lang yan na madaldal" sagot ko kay daddy.
"Oo bata nga ako at ang mga bata kuya hindi nagsisinungaling" Pagdaldal na naman ni Cai.
"Ahh talaga so? Nilalabanan mo na talaga kuya mo ha?" ako.
"Hindi kuya lab lab chuu kita" Cai
"ahhhh wala na.. Wala ka nang chocolates at candies..wala na." Ako
"ayyy kuya naman eh!!.." Cai
"Tama na yan Cai, Ken hindi magandang nagtatalo kayo sa hapag kainan" Si Nay Ninang.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta sina mama sa may pool maliligo daw sila dun. Wow ha night swimming talaga. Hindi ako naligo tinitingnan ko lang sila dito sa may swing namin. Palagi nga akong kinakawayan ni Mommy at pinipilit na maligo. Wala lang talaga ako sa mood na maligo ngayon ang ginaw kasi. Hahahah:)
Beep---Beeep---
Nag vibrate yong phone ko tingnan ko muna kung sino ang nag text.
From: Ericka
"Ken? Naka uwi ka na ba?.. May sasabihin ako sayo.Nag reply naman ako sa message ni Ericka. Curious ako eh! Ano kayang sasabihin nya.
"Wala pa. Ano??:)"
From : Ericka
"ahhh okay. Gusto kong sa personal to sabihin sayo. Siyaka nalang kapag naka uwi ka na. Just tx me lang ha?"Hindi na ako naka pag rply pa kay Ericka kasi nasa harapan ko na ngayon ang Mommy.
"Mom... Nandiyan ka pala. Hindi ka na ba maliligo?" ako.
"Hindi na.. Maginaw na eh! Anak.. Na miss kita talaga" Mahigpit ang pagyakap ni Mommy sa aken.
"Miss na miss ko na din kayo Mom.." sinuklian ko din ang pagyakap sa kanya.
Na miss ko talaga Mommy ko siya kasi ang best friend ko simula nung bata pa ako. Kung may kaaway ako kakampi ko siya palagi pero hindi nya nman ako ini-spoiled kasi kung ako ang may sala at naka gawa ng mali ay agad nya naman akong pagsasabihan.
"Ma.. Tama na ang drama halika ka na pasok na tayo sa loob antok na rin ako eh" sabi ko kay mama habang kumawala sa pagkakayakap nya saken.
"Sige anak."
Kina umagahan nagpaalam na ako nina Mommy na babalik na sa Maynila. Balik pasokan na naman kasi bukas.
"Anak.. Bukas pa naman ang klase mo ha? Dito ka na lang muna baby boy ko.. Pls" pagpipilit ni Mommy
"Hindi pwede Mommy may mga naudlot pa kasi akong mga projects na gagawin kaya dapat ay umuwi na ako ngayon. Promise ko sayo Mom fri. ng hapon pagkatapos ng pagkatapos ng klase namin didiretso ako dito. I swear." pag-aalo ko kay Mommy.
"Ehh sa'n ba yang school mo anak para kami nalang ang pupunta sayo don" si Mommy.
Naku! Patay ako ngayon nakalimutan ko.. Nag lihim ako kina Mommy na hindi ako sa priv. School nag-aaral ngayon. Tumingin ako kay Nanay Ninang na medyo nagulat din sa sinabi ni Mommy.
"Naku mommy wag na! Wag na kayong mag-abala pa mahaba-haba din ang oras ng pagbiyahe mo kapag pupunta ka don mabuti pa ay mamasyal nalang kayo nina daddy siyaka nina Nay Ninang. Diba Nay?"
Palusot ko sana effective. Sana lang.
"O....oo nga mare" sagot ni Ninang na siguradong naiilang na sa mga palusot ko.
"Sige na nga basta yong promise mo saken anak ha? Fri. In da afternoon... Babalik ka na rito" Sabi ni Mommy. Yesssss.. Effective talaga... May plano naman talaga kaming sabihin ni Mommy lahat-lahat eh kasi alam namin nina Ninang na hindi mag tatagal ay mabibisto nya rin sikreto namin tapos mahal ako ni Mommy, mahal nya kami alam ko yun kaya sigurado akong maiintindihan nya ang lahat. Right and good timing lang talaga ang hinihintay ko sa pag amin ng lahat-lahat sa kanya.
"Promise Mommy." ako.